Prologue
M ALUHA-LUHA si Clarianette Honey o Claria habang nakatingin sa malawak na dagat. Sa La Belle Resort—ang resort na pag-aari ng boyfriend—niya naisipang pumunta pagkatapos ng nalaman sa mga magulang. Hindi kasi siya nakapaniwala na magagawa iyon ng mga ito sa kanya.
I can’t believe they did that to me. I’m their only child!
Napalingon siya nang maramdamang may umakbay sa kanya. She smiled sadly when she saw Lance, her boyfriend of two years.
“Ayos ka lang ba, Claria?” tanong nito na puno ng pag-aalala ang mukha.
Umiling siya. “I can’t believe they did this to me. And for what? For a company merger? My God, Lance, ano ba ang tingin nila sa akin? I’m not a thing to be parceled.”
Hinagod ni Lance ang likod niya. “It’s okay. We’re going to talk to them. Sasabihin natin sa kanila na nagmamahalan tayo at hindi nila iyon puwedeng gawin. Kapag nalaman ng mga magulang mo na may boyfriend ka na, baka hindi nila ituloy `yon.”
She shook her head. “And you think everything is going to be fine after that? Lance, hindi mo kilala ang mga magulang ko. They’re going to disown me!”
“Claria, you’re being melodramatic. Walang magulang na idi-disown ang sariling anak. Lalo na at ikaw lang ang ka-isa-isa nilang anak.”
Hilam ng luha ang mga mata nang tumingin siya kay Lance. “Hindi mo kilala ang mga magulang ko. They’re strict as hell, lalo na si Mommy. Natatakot ako sa gagawin nila kapag umayaw ako sa gusto nila. I’m still in college. I can’t stand on my own and I still need their support.”
“`Yon lang ba ang kinakatakot mo? I will support you. Akin ka, Claria. Hindi kita ibibigay sa lalaking `yon, kung sino man siya! I don’t care if it’s your parents’ will. Mahal kita. Mahal na mahal kaya ipaglalaban kita.”
Umiling-iling siya. “Hindi ako puwedeng basta-basta na lang mag-alsa-balutan. Kahit ganoon ang ginawa nila sa akin, mahal ko pa rin sila. Hindi ko kayang mawala sila sa akin.”
“Claria, I love you. At kung ipagpapatuloy ng mga magulang mo ang kagustuhan nila, kung kailangang itanan ka, gagawin ko. Ipaglalaban kita, Claria.”
She looked at Lance softly. “I love you, too. Ipaglalaban din kita, promise. Hindi ko hahayaan na basta na lang nila gawin `yon sa akin.”
Tumango ang boyfriend at niyakap siya nang mahigpit. “I love you so much, Claria.”
She hugged him back. “I love you, too, Lance.”
PAGPASOK pa lang sa bahay, agad na sinalubong si Claria ng mga magulang. Her father looked calm but her mother looked furious. Masama ba siyang anak kung sasabihin niya na wala siyang pakialam kung magalit man ang mga ito sa kanya?
“Good evening, Mom, Dad,” bati niya sabay halik sa pisngi.
“Where have you been?” matigas ang boses na tanong ng mommy niya.
Walang emosyong tumingin siya rito. “Nakipagkita ako sa boyfriend ko. Masama ba `yon?”
“Do you know how worried we are?”
She glared at her mother. “Worried of me? Baka naman natatakot kayo na wala na kayong ipagbibili kapag nawala ako?”
Naningkit ang mga mata ng kanyang mommy. “That’s it! You’re grounded! Walang TV, walang cell phone, walang laptop at walang boyfriend. Since summer naman ngayon, hindi ka lalabas sa bahay na ito ng walang pahintulot namin. Understand?!”
Tumingin siya sa kanyang daddy para humingi ng tulong. Pero nag-iwas lang ito ng tingin. Umirap siya sa hangin at nagmamartsang pumunta sa kuwarto na hilam sa luha ang mga mata.
Ano ba ang magagawa ng isang tulad niya? Wala siyang masasabing masama sa mga magulang. Halos lahat ng luho niya ay naiibigay ng mga ito—from dress to car.
Lahat ng gusto ni Claria ay ibinigay ng mga magulang kaya hindi niya alam ang gagawin. Napakawalang kuwenta niyang anak kapag hindi pumayag sa gusto ng mga ito. Pero buhay niya ang masisira kapag pumayag siya.
For Christ’s sake! Hindi pa nga niya kilala kung sino ang lalaking iyon! Pagkatapos, ipapakasal sila.
I’m only nineteen years old! I don’t want to get married at a young age!
Naputol ang ano mang iniisip niya nang makarinig ng katok mula sa pinto ng kuwarto.
“It’s open!” sigaw niya.
After a second, the door opened. Pumasok ang daddy niya na parang nangungusap ang mga mata na patawarin niya.
“Hello, baby,” sabi nito at lumapit sa kanya.
“Hey, Dad,” walang buhay na bati ni Claria.
“I’m sorry if this ruined your summer,” sabi ng daddy niya at tumabi ng upo sa kama.
“I just don’t understand, Dad. Why are you doing this to me?”
Her father exhaled loudly. “Listen and listen very well. The moment Cleevan said that you’re very pretty and he wanted to marry you someday, napagkasunduan na namin at ng mga magulang ni Cleevan ang kasal n`yo. Supposedly, ikakasal kayo kapag twenty-five ka na, but something happened. Our company needs their company’s support. Hindi na kakayanin ng kompanya natin na tumayo sa sariling mga paa. Akala ko, magiging maayos ang lahat dahil kaibigan ko naman ang pakikiusapan ko. Pero nag-take over na pala si Cleevan. At ikaw ang gusto niyang kapalit sa tulong na ibibigay niya sa pamamagitan ng pagmi-merge ng kompanya natin sa kompanya nila. Bata ka pa. Ayokong masira ang mga pangarap mo nang dahil sa amin. Pero ang pamilya natin ang masisira kapag hindi ka pumayag.” Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil iyon. “Nasa `yo ang desisyon. You can accept it or reject it. I’m sorry, baby.” Tear fall down from her father’s eyes.
Nag-iwas siya ng tingin dahil hindi niya kayang makita ang ama na umiiyak sa kanyang harap. Habang nakatingin sa kawalan, napaisip siya.
Ganoon ba talaga siya kawalang silbing anak? Matagal na palang nalulugi ang kanilang kompanya pero hindi man lang niya alam. Pabili lang siya nang pabili ng kung ano-ano sa mga ito. Kinakain tuloy ng konsiyensiya ang buo niyang pagkatao.
Partly, it was her fault, too. She lived in luxury since birth. Lahat ng gusto, ibinigay ng mga magulang. Pagkatapos ngayon, iiwan niya kung kailan kailangang-kailangan siya ng mga ito?
But… my life will be ruined! I heard this man… Cleevan… is a very ruthless man.
Makakaya ba niya na pakisamahan ang lalaki?
Ibinalik ni Claria ang tingin sa ama na nakatungo at hawak-hawak pa rin ang kamay niya. “Daddy, it will ruin my life and I don’t want that.”
Tumango-tango ang kanyang daddy. “I understand.”
Tumayo ito at pinisil ang kamay niya. Pagkatapos, lumabas na ng kuwarto na bagsak ang balikat.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at bumilang hanggang sampu. When she reached number ten, she hurriedly stood up and went to her parents’ bedroom. Kakatok sana siya nang marinig ang boses ng mommy niya. Nakaawang ang pinto ng kuwarto kaya narinig niya iyon.
“Napapayag mo ba?” tanong ng kanyang mommy.
“Cara, kilala mo ang anak natin. May isip na siya. Hindi siya pumayag,” sagot ng daddy niya.
“Alam kong hindi siya papayag at sa totoo lang, ayoko rin siyang pumayag. Pero paano ang kompanya natin? Paano ang utang natin sa bangko? Sa susunod na buwan, iilitin na ang bahay natin kapag hindi pa tayo nakabayad. Ano na lang ang gagawin natin kapag nangyari `yon? Saan tayo titira? Ayokong maghirap tayo. Paano na si Claria? Hindi na natin maiibigay ang gusto niya.”
Claria was stunned for a minute.
Oh, God! Ganoon ba kalaki ang problema ng mga magulang? At siya pa rin ang iniisip ng mommy niya sa kabila ng problema ng mga ito.
Wala sa sariling itinulak niya ang pinto ng kuwarto at pumasok siya.
“Wala na bang ibang solusyon?” tanong niya sa mga magulang na halatang nagulat sa kanyang presensiya.
Her mother was the one who answered her. “Wala na. I’m sorry, anak, kung pati ikaw dinamay namin dito.”
Claria’s heart was wrenched from her chest as she looked at her mother wounded expression. “It’s okay. Naiintindihan ko. I’ll accept the marriage.”
Nanlaki ang mga mata ng kanyang mommy at daddy.
“Anak, ayokong masira ang buhay—”
“Daddy, kapag hindi ako nagpakasal sa kanya,lalong masisira ang buhay ko… ang buhay nating tatlo. Kung ako lang ang tanging solusyon para maging okay ang lahat, then okay. I accept it. With one condition.”
Natigilan ang mommy niya. “What condition?”
Claria looked at her mother’s eyes. “I’m going to finish my college in the US and I’m going to stay there for five years after I graduate. Tell that to that ruthless man, then after that, he can have me. Papayag ako sa lahat ng gusto niyang gawin sa akin. Just please, let me experience how it feels like to achieve my goals in life.”
Nawalan ng imik ang mga magulang niya.
“Tell him that,” pinal na sabi niya at tinalikuran na ang mga ito, saka lumabas ng kuwarto.
Nagmamadaling pumunta si Claria sa kuwarto at humiga sa kama. She covered her face with the pillow and she let her tears flow.
This is for my family. I’m sorry, Lance. I’m really sorry.
KINAUMAGAHAN, habang nag-aagahan, lumapit ang kanyang mommy at daddy kay Claria. May kasamang lalaki ang mga naka-coat and tie at may dalang suitcase. Her father was holding a piece of paper.
Her forehead furrowed. “Ano’ng mayroon?”
Her father put the piece of paper on the table next to her plate. “This is your’s and Cleevan’s marriage contract. Sign it.”
Her mouth hung open. Her heartbeat quickened and fear seeped through her being as she looked at the piece of paper. “M-marriage contract?”
“Yes.” Her father sighed heavily. “Pumayag siya sa gusto mo. Pero kailangan mong pirmahan ito.”
Hindi kumilos si Claria. Nakatitig lang siya sa puting papel na nasa harap niya. A marriage contract? What the hell? This was absurd!
“Kailangan mong pirmahan `yan para makaalis ka ng bansa tulad ng gusto mo,” pagbibigay-alam ng momy niya na lumapit at may iniabot na ball pen sa kanya.
Kinuha niya ang ball pen at dahan-dahang inilapit ang kamay sa marriage contract na nasa kanyang harap. She squeezed her eyes shut then dropped her hand on her side. “Is this even legal?”
Tumango ang lalaking kasama ng mga magulang. “I’m Attorney Knight Velasquez, a friend of Mister Cleevan Sudalgo. This marriage contract is signed by Judge Ejercito. Kahit wala naman talagang kasalan na naganap, kasal pa rin kayo. Dahil pagkatapos mong pirmahan iyan, ipapasa ko na sa city hall. Then, you’ll be legally married to Cleevan.”
Huminga siya nang malalim at mabilis na pinirmahan ang kontrata. Ayaw niyang mag-isip dahil alam na hindi sang-ayon ang isip.
Claria exhaled then stood up. Mabilis siyang lumabas ng bahay para makasagap ng sariwang hangin. Pakiramdam kasi niya, biglang naninikip ang dibdib.
Hinagod niya ang dibdib at at pilit na kinalma ang sarili. She looked at her finger.
I’m freaking married.
God! She was freaking married! Tears fell down from her eyes but she quickly wiped it away when she heard footsteps.
It was Atty. Velasquez.
“Here,” sabi ng abogado sabay bigay ng isang brown envelop.
She looked at the envelope with a frown. “What is that?”
“It contains your passport and plane ticket. You may go to US tomorrow. Ayaw ni Mister Sudalgo na magtagal ka pa dito. Ayaw niya na makipagkita ka pa sa boyfriend mo. He said and I quote, ‘ I am the one who’s going to penetrate that hymen of yours’ end quote.”
Nag-iwas siya ng tingin para itago ang namumulang mukha.
Oh, God! I’m married to a pervert!
Mabilis na kinuha ni Claria ang envelop at iniwan si Atty. Velasquez sa labas ng bahay nila. Pumunta siya sa kuwarto at nag-isip ng paraan para makontak si Lance. Hindi niya hahayaan na ang lalaking pinakasalan ang makakuha sa pinakaiingatang pag-aari.
After she gave her virginity to Lance saka siya lilipad papunta sa US. To hell with Cleevan Sudalgo! Whoever he was, screw him! He could rot in hell for all she cares!
Veeg omhoog om door te gaan
Chapter One
After seven years
I NAYOS ni Clarianette ang damit bago naglakad palabas ng airport. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang malanghap ang hangin ng Pilipinas na puno ng sarisaring amoy ng polusyon. After seven years, polluted pa rin ang Pilipinas. Wala pa ring ipinagbago.
For seven years na nawala siya sa Pilipinas, she was living her dream. Lahat ng gustong gawin ay nagawa niya. After she graduated, she was accepted as an assistant manager of Lovell Magazine, the leading fashion magazine in New York and she was happy. Until she received a phone call from her parents.
Ayaw na niyang bumalik sa Pilipinas. Pero wala siyang ibang pagpipilian. This was part of the deal.
That stupid fucking deal I made seven years ago!
Pagkalabas ng airport, natigilan si Claria nang may tumigil na itim na sasakyan sa harap niya at halatang mamahalin. Masusi niyang tiningnan ang sasakyan. Humakbang siya palayo sa sasakyan nang makaramdam ng kakaibang kaba. Papara na sana siya ng taxi nang marinig na tinawag ang kanyang pangalan.
“Madam Clarianette Honey?”
Her gaze darted to the man who just exited from the driver’s seat. The man looked like in his early twenties. He had a body that seemed made for sin and a face that women dreamt at night. But her forehead knotted when she saw his uniform.
“What?” naguguluhang tanong niya.
Lumapit ang lalaki sa kanya at inilahad ang kamay. He smiled. “Hello, I am your chauffeur, Ace. Can I have your bag, Madam?”
Mas lumalim pa ang gatla sa kanyang noo. “Huh?”
“Mister Cleevan Sudalgo sent me to fetch you. He said to take you home before dinner and that would be…” he looked at his wristwatch, “… before seven o’clock.”
Tumaas ang isang kilay ni Claria at biglang ang-init ang ulo sa narinig. Who does he think he is? “Look Mister Whoever you are. I’m going home to my parents’ house. I’m not going to your boss’ house, understood? I don’t give a shit if he wants me home before seven, because honestly, I don’t give a fuck about him. So bounce and tell Mister Sudalgo to fuck off.”
The man’s smile did not waver. He just kept smiling. “Madam, Mister Sudalgo ordered me to take you to his home.”
“I don’t care.”
Claria started walking away when someone snatched her travelling bag from her. Mabilis siyang lumingon para tingnan kung sino ang gumawa niyon. Nag-init uli ang ulo niya nang makitang ipinapasok na ng lalaki na nagngangalang Ace ang bag sa back compartment ng itim na sasakyan. Mabilis niyang nilapitan ang lalaki at aagawin sana ang bag. Pero naisara na ni Ace ang back compartment.
He smiled at her again. “I suggest you hop in, Madam.”
She glared at him and entered the car with an annoyed expression on her face. She crossed her arms over her chest and waited for the annoying man to start the engine. Nang maramdaman na umandar na ang sasakyan, sumandal siya sa likod ng backseat at ipinikit ang mga mata. She was still pissed and she was trying to calm herself.
She was so annoyed!
Sino ba ang lalaking `yon sa tingin niya? I want to go home to my family. I want to see my parents! Urgh! Sino ba siya para kontrolin kung saan ako pupunta?
Kumukulo pa rin ang dugo ni Claria nang tumigil ang kotseng sinasakyan. Sumilip siya sa labas ng bintana at napatanga nang makakita ng malaking bahay. The house was freaking huge! Napakalaki niyon na magkakasya ang dalawang bahay sa loob.
Tumingin siya kay Ace. “Ito ang bahay ng boss mo?” manghang tanong niya. Ito ang bahay ni Cleevan?
“Yes,” sagot nito na may ngiti sa mga labi. “Welcome to your home, Madam.”
Her home? Claria looked at the house again. What the hell? Dito siya titira? Nakakatakot naman ang bahay na iyon na parang kakainin siya ng buhay.
Dahan-dahan siyang lumabas ng sasakyan at tumingin sa malaking pinto ng bahay. Naiilang siyang pumasok.
“Come on, Madam. Boss is waiting for you inside the house.”
Bigla siyang inatake ng kaba sa narinig. What the heck? Hinihintay siya ni Cleevan sa loob ng bahay?
Lumingon siya sa nakasarang gate. Parang gusto niyang tumakbo palayo sa bahay. She did not want to meet him. Ayaw niyang makilala ang lalaking asawa daw niya.
Claria knew the name Cleevan Sudalgo. She knew his name but he hadn’t seen his face and his body. She wasn’t aware of his attitude. She did not know anything about him but his name. Pangalan lang ang alam niya sa lalaki at wala nang iba. Sa isiping nasa loob ng bahay na nasa harap niya ang “asawa”, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya.
“Come on, Madam. Huwag ka nang tumanga diyan. Pumasok na tayo,” sabi ni Ace na ikinaigtad niya.
Tumingin siya sa pinto ng bahay. Bukas na iyon at nakatingin si Ace sa kanya na parang inuudyok siya na pumasok sa loob.
Slowly, she entered the huge house. Mabilis niyang inilibot ang tingin sa kabuuan ng bahay. Maids were everywhere. They looked busy and she felt awkward standing in the middle of the living room.
“At sino na naman ang dinala mong babae rito, Ace?” asik ng isang mataray na boses.
Binalingan niya ang nagsalita. It was a middle-aged woman and she was wearing a maid’s uniform.
Sino naman kaya `to?
“Manang Lucing, hindi naman—”
Pinandilatan ng tinawag na Manang Lucing si Ace at pinutol ang sasabihin sana ng lalaki. “Ace, darating ngayon ang asawa ni Sir Cleevan. Puwede ba? Ilabas mo iang babae na ito bago pa magalit si Sir. Hindi ba, sinabi niya na walang babaeng papapasukin sa bahay ngayong narito na ang asawa niya?”
Halatang nagpipigil si Ace na bumungisngis. “Manang Lucing, siya po ang asawa ni Boss,” pagbibigay-alam nito sabay turo sa kanya. “Ipinasundo siya sa akin sa airport.”
Napatingin siya sa matandang babae na halatang nagulat sa sinabi ni Ace.
“Oh, my! Pagpasensiyahan mo ang mga sinabi ko, Ma’am. Talagang maraming babae ang pumupunta dito at si Sir Cleevan ang hanap nila. Malalanding babae! Alam mo ba, kagabi, may pumunta dito na isang babaeng higad—”
“That’s enough, Manang Lucing.” A baritone voice boomed behind her.
Inatake bigla ng kaba ang dibdib ni Claria. Parang kilala na niya kung sino ang may-ari ng boses na iyon.
Nakita niyang natigilan si Manang Lucing at tumingin sa taong nasa likuran niya. “Sir Cleevan, narito na pala kayo. Akala ko, nasa garahe pa kayo.”
Nasa likuran ko si Cleevan!
Shit!
Hindi iyon ang nasa plano ni Claria. Plano niyang makipagkita sa lalaki sa isang lugar na wala itong kapangyarihan. Pero tingnan mo naman ang nangyari, nasa bahay siya ni Cleevan at kahit anong oras, puwedeng gawin ng lalaki ang lahat ng gustong gawin sa kanya.
“Yes, I’m here,” sagot ni Cleevan. “Sige na. Bumalik na kayo sa trabaho n`yo. Ace, give me her travelling bag.”
Ace looked at her and gave her bag to Cleevan then left them.
Walang imik si Claria at ayaw kumilos dahil ayaw niyang makita si Cleevan. She was kind of afraid to see his face. Natatakot siya sa magiging reaksiyon. Mula noong umalis papunta sa US, ikinondisyon niya ang isip na galit sa lalaki at ayaw niyang magbago iyon. Nai-imagine niya na may sungay si Cleevan at gusto niya na iyon ang makitang Cleevan. Pero alam niya na wala itong sungay.
“Face me, Nett.”
Tumaas ang isang kilay niya. “Nett what?”
“Nett, my pet name for you. Short for Clarianette. Now, face me,” sabi ni Cleevan na parang ito ang kanyang boss.
“Ayoko. Bakit naman kita haharapin?”
“Oh, I don’t know. Maybe because you need to watch your step when I walk you to our room. Baka matisod ka papunta sa master’s bedroom natin .” Binigyan-diin nito ang huling salita.
Her eyes widened and she quickly turned around. “I am not sharing a room with you—“
Claria’s mouth gaped open when she saw the man in front of her. The word gorgeous was not enough to describe him. His hair looked sexy on him. She wanted to run her finger through his messy hair. His beguiling gray eyes that seemed to melt her insides. His lips… that kissable, sinful, luscious lips… Oh, God!
Am I admiring this man? Umiling-iling siya at kumurap-kurap.
“Done eye-raping me, Nett?” he said with a smug smirk on his face.
She rolled her eyes. “I wasn’t eye raping you,” pagkakaila niya. “I’m just looking. Masama ba?”
“Nope.” His gaze dropped to her breast. “Nice breast.” Lumapit ito sa kanya at biglang hinawakan iyon.
Parang may isang libong kuryente na dumaloy sa katawan ni Claria papunta sa puson dahil sa ginawa ng lalaki.
Nanginginig ang kamay na tinabig niya ang kamay nito. “Bastos!”
Cleevan chuckled. “Asawa mo naman ako kaya hindi kabastusan ang ginawa ko.”
She gritted her teeth and glared at him. “Hindi mo puwedeng gawin `yon!”
“Why the hell not? You’re my wife and I have needs.”
“Doon ka maglabas ng needs mo sa mga babae mo. Hindi ako interesado sa `yo. As for me, I’ll date other men. Hindi naman natin gusto ang isa’t-isa, `di ba? How’s that for a setup?”
Napatili si Claria nang biglang hinaklit ni Cleevan ang kanyang braso at hinapit siya palapit sa katawan nito. She gulped when she felt his groin. Nag-init bigla ang buo niyang katawan.
Ano ba ang nangyayari sa akin?
“I have needs and you will fulfill it. And as for you, you are not allowed to have any contact with other men. You’re mine, Clarianette, and I don’t share what’s mine. Pinalampas ko ang ginawa mo sa akin dati pero hindi na ngayon.”
Kumunot ang kanyang noo. “Anong dati?”
Puno ng disgusto ang mga mata ni Cleevan at marahas siyang binitawan. “You gave yourself to your boyfriend and I didn’t like it one bit. It’s disgusting.”
Oh, that? She chuckled and scoffed. “Wow, kung makapagsalita ka naman parang wala kang naging babae habang wala ako. Puwede ba? Huwag ka ngang magmalinis. At saka, dapat isaksak mo diyan sa kukote mo na hindi kita gusto. At isa pa, I’m free to give my virginity to anyone and I chose the man I love. Kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako nang ganyan. Because as far as I know, mag-asawa lang tayo sa papel. If it’s not for my parents, I wouldn’t marry you. You’re a fucking assh—”
Claria gasped when he roughly pinned her on the wall and crashed his lips on hers. Puwersahang ipinasok ni Cleevan ang dila nito sa bibig niya at mabilis siyang napahawak sa braso nito nang maramdamang nabubuwal sa pagkakatayo dahil sa nanginginig na mga tuhod.
Itinulak niya ang lalaki pero hindi man lang ito natinag. Mas hinapit pa nga siyang lalo palapit sa katawan nito. Her breasts were pressed against his chest and her nipple hardened.
Shit! What’s happening to me?
Malakas niyang itinulak si Cleevan sa ikalawang pagkakataon at laking pasasalamat nang binitawan nito. Pinagkrus niya bigla ang braso sa kanyang harapan na parang pinoprotektahan ang sarili.
Cleevan stepped away from her while his gray eyes darkened with an emotion she could not name. Napalunok siya nang lumapit na naman ito sa kanya mayamaya.
“Don’t! Stop! Don’t come near me!” sigaw niya sa nagpa-panic na boses.
His eyebrow shot up. “Why would I stop, Nett?” Iminuwestra nito ang kamay sa buong katawan niya. “That’s mine. I can do whatever I want, right? Naalala mo, Nett? You said that yourself.”
Her nipples were still tingling inside her bra. She could feel it and it was very hard. “No,” tanggi niya na umiiling-iling. “I am not yours.”
Seryoso siyang tinitigan ni Cleevan. Pero mayamaya ay nagkibit-balikat ito. “Whatever. You’re tainted anyway.”
Pagkasabi niyon, umakyat na ang lalaki sa hagdan papunta sa second floor habang dala-dala ang kanyang traveling bag.
Hindi alam ni Claria kung susunod ba o kung ano ang gagawin. Nasa living room pa nga lang siya ng bahay, ramdam na niya na hindi siya magiging masaya sa bahay na iyon. She squeezed her eyes shut then count from one to ten. Hindi pa siya natatapos magbilang nang narinig niya ang boses ni Cleevan.
“Come on! Don’t just stand there!” sigaw nito.
Huminga siya nang malalim at umakyat sa hagdan. Sinundan niya si Cleevan na pumasok sa isang kuwarto.
Pagkapasok sa kuwarto na pinasukan ng lalaki ay natigilan siya. The room was painted with dark gray color. It had a midnight color rug covering the whole floor of the room. The bed was kingsize and it had a black silk bed cover.
Isang tingin pa lang, alam na niya na iyon ang master’s bedroom. Everything in the room screamed expensive. Kahit ang lampshade na nasa tabi ng kama ay halatang mamahalin.
“This is our room,” pagbibigay-alam ni Cleevan. “Yes, may mga babae ako. Pero hindi ko sila dinala sa kuwartong ito. And while you’re here, maasahan mong hindi ako magdadala ng babae dito. I will bring them to hotels. I have needs—if you’re not going fulfill it, then, I’ll look for someone who’s willing to give it to me”
She shrugged.
His jaw tightened at her answer. “No comment? Reaction? Anything?”
“That’s fine with me.”
“Okay. Have a good day,” paalam nito na naglakad palabas ng kuwarto at malakas na isinara ang pinto ng kuwarto.
Huminga siya nang malalim at napatitig sa kama. Naglakad siya papunta roon at ipinahinga ang pagod na katawan.
Saka ko na iisipin kung paano makakalabas sa bahay na ito.
Ipinikit niya ang mga mata hanggang sa makatulog siya.
Veeg omhoog om door te gaan
Chapter Two
P AGKAGISING, nakita ni Claria mula sa bintana na madilim na ang langit.
Matagal pala akong nakatulog.
Inunat niya ang mga braso nang natigilan nang tumama ang braso sa isang matigas pero malambot na bagay. Binalingan niya ang bagay na iyon at halos lumuwa ang mga mata nang makita ang isang matipunong likod ng isang lalaki.
Mabilis siyang napabalikwas at nanlalaki ang mga mata na tinitigan ang lalaking natutulog sa tabi niya. It was none other than her irritating husband Cleevan.
Claria found herself drawn to her sleeping face. He looked like a sinful angel while sleeping. His eyelashes were long. He had growing whiskers and his lips were a bit parted. Parang hindi ito ang lalaking bastos at humalik sa kanya nang walang pahintulot.
Ano ang ginagawa niya dito? tanong niya sa sarili habang nakatitig pa rin sa mukha ni Cleevan.
Mayamaya, kumilos ang lalaki at dahan-dahang dumilat.
Lihim siyang napalunok. When he stared at her, she was lost in his stormy gray eyes. She could not look away. Para siyang nahihipnotismo habang nakatingin sa mapupungay nitong na abuhing mata.
“Good evening.” His voice sounded raspy—it sent her heart flipping a hundred times.
“G-good evening,” nauutal na bati niya.
Bakit ba ako nauutal? Shit naman, eh!
Cleevan yawned as he stretched and flexed his arms. Her eyes stared at his ripped arm muscles then her stare went to his abdomen. She gulped when she saw his ripped abs. Her fingers twitched as if they wanted to touch his abs. Her fingers wanted to know if Cleevan’s abs was rock-hard like they appeared to be.
Pero bago pa magawa ang katangahan na gustong gawin ng kanyang daliri, bumangon na ang lalaki at nagsuot ng damit. She actually felt disappointed when his shirt covered his abs.
Marahas niyang ipinilig ang ulo. Ano ba itong laman ng isip ko?
Kahit kailan, hindi siya naging mahalay na babae.
“Tutunganga ka na lang ba diyan o babangon ka na at magbibihis? It’s dinner time.” Boses ni Cleevan ang pumukaw sa pag-iisip niya.
Tumingin siya sa lalaki at nagtama ang kanilang mga mata. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang mabilis na tumibok ang puso nang matitigan ang abuhin nitong mga mata. Bumangon siya at hinanap ang traveling bag kung saan naroon ang lahat ng gamit.
“Everything that’s was inside your traveling bag is in the closet,” pagbibigay-alam ni Cleevan na ikinatingin niya rito.
“What? Who put it there?”
“Me,” sagot nito at lumabas sa kuwarto nila.
Nakaawang ang mga labi na napatingin si Claria sa pinto na nilabasan ni Cleevan. “He put my clothes in the closet? Meaning … he touched my bras and p-panties?” Nag-init ang buo niyang mukha sa isiping nahawakan ng lalaki ang personal na gamit. “Shit talaga ang lalaking `yon! Hindi man lang ako hinintay. Ako na lang sana ang naglagay!”
Nasaan naman kaya ang closet dito?
Kagat-labi siyang naglakad papunta sa kulay-puting pinto na nasa bandang kanan ng kuwarto at binuksan iyon. It was the bathroom. Sunod niyang binuksan ay ang katabi niyong pinto. It was the closet.
Here it is!
Pumasok siya at napanganga nang makita ang mga damit na maayos na nakatupi at nakalagay sa tabi ng mga damit ni Cleevan. Mabilis niyang binuksan ang malapad na cabinet na katabi ng vanity mirror.
Nang makita ang laman niyon, ay mariin siyang napapikit. Nai-imagine niya na hinahawakan ni Cleevan ang kanyang panty at bra at nagsitaasan ang mga balahibo niya. Alam niya na hindi iyon big deal para sa lalaki. Pero para sa kanya, big deal iyon.
Nagsisintimiyento pa rin siya dahil sa ginawa ni Cleevan nang napatingin sa towel na nakatupi at nakalagay sa ibabaw ng vanity mirror. Napansin niya iyon kanina pero hindi binigyang-pansin. Kinuha niya ang maliit na papel na nakapatong sa tuwalya at binasa iyon.
Use this towel and the bathrobe on the rack inside the bathroom. Don’t worry, it’s new.
Hindi na niya kailangan pang halungkatin sa isip para malaman kung kanino galing ang note na iyon. She knew it was from Cleevan. Maihahantulad niya ang penmanship ng lalaki sa font style na Chiller. Napakapangit niyon.
Siguro kung uso pa ang love letter, hindi sasagutin ng nililigawan si Cleevan. But with a face like that, nakakainis mang sabihin, pero hindi na nito kailangan pa ng love letter para mapasagot ang isang babae.
Kinuha niya ang towel at lumabas sa walk-in-closet at pumasok sa CR. Agad niyang nakita ang bathrobe na tinutukoy ni Cleevan. She turned the shower on and she sighed when she felt the cold water touch her skin.
“Kailan ko kaya makikita sina Mommy at Daddy?” wala sa sariling tanong niya.
Gusto nang makita ni Claria ang mga magulang. She had missed them. Kailangan niyang maka-usap si Cleevan. Gusto niyang mamalagi sa bahay ng mga magulang dahil nakaka-suffocate ang bahay na iyon. Hindi siya makahinga kahit sobrang laki niyon.
She was enjoying the shower when the door opened. Napasigaw siya saka itinakip ang braso sa dibdib at ang isang kamay ay sa pagkababae.
“Ano’ng ginagawa mo dito?!” Pasigaw na tanong niya kay Cleevan na parang napako sa kinatatayuan at nakatingin sa kanya. He did not even try to be discreet while looking at her barely- covered breast.
“Umalis ka nga!” sigaw ulit niya nang hindi kumilos ang lalaki at patuloy na nakatingin sa kanyang dibdib.
Hindi nagsalita si Cleevan at naglakad palapit sa kanya. Parang tinatambol naman ang dibdib niya habang papalapit ito sa kanya.
“Stop right there!” May bahid na kaba ang boses niya.
Hindi pa rin tumitigil ang lalaki sa paglapit sa kanya. Isang hakbang na lang ang kanilang pagitan at magdadaiti na ang kanilang katawan. Panay ang kanyang lunok. Nang inisang hakbang ni Cleevan ang pagitan nila, mabilis siyang umatras at napakagat-labi nang tumama ang likod sa malamig na tiles ng CR.
Nanlaki ang mga mata niya ng patayin ni Cleevan ang shower at inilapit ang mukha sa kanyang leeg. She was holding her breath and waiting for his next move when suddenly a tongue licked the cascading droplets on her skin. Electricity immediately flowed into her body.
“Hmm…” He looked up at her, his eyes darkening. “I wonder if you taste like your smell.”
“W-what?”
“You smell like lilac.”
“What are you—”
Cleevan leaned into her and smelled the crook of her neck. She stood still. Hindi niya maitutulak ang lalaki palayo na hindi nito nakikita ang lahat-lahat sa kanya. Kaya tumayo na lang siya at pinagdasal na sana lumayo na ito sa kanya. Of course, God did not heed her prayers.
Cleevan’s tongue touched her neck and she did everything to contain her reaction. She squeezed her eyes shut and bit her lip when his tongue moved down to the valley of her breast. She could feel her lust building inside her. She could feel her mound throbbing with need but she had to stop this.
“S-stop...” she whispered.
Cleevan stopped and looked at her. “Why? I’m your husband. I’m entitled to lick every part of you.”
She swallowed and tried to glare at Cleevan. “I-it’s not part of the contract.”
He frowned at her. “What?”
“It’s not part of the contract,” taas-noo niyang sabi.
“What’s not part?”
“This,” sagot niya sabay hagod ng tingin sa kanyang katawan. “Sex is not part of the contract—”
In a blink of an eye, Cleevan’s arm was wrapped around her waist and his other hand was pinning her hand to the tile. Her breasts were on full display now and his eyes were on them.
“Stop looking at my breast, you maniac!” she shouted at Cleevan whose still busy staring at her breast.
“Sshh!”
“What sshh? Stop looking at my—” He leaned on to her breasts and sucked a nipple into his hot mouth. “—oh, God…” she whispered.
When she felt his tongue playing with her nipple, she did everything to contain her moan. Hindi puwedeng marinig ng lalaki ang ungol niya. Kapag narinig nito iyon, mas gaganahan pa ito sa ginagawa at ayaw niyang mangyari iyon.
“Don’t—” Her words were cut off when he slightly bit her nipple, making her body shiver with so much need.
Her knees were shaking as Cleevan licked and teased her nipple. Hindi niya napigilan ang ungol na lumabas sa bibig nang bumaba ang mga labi nito patungo sa tiyan niya… pababa sa puson… Pababa sa… No!
“No!” Malakas siyang kumawala sa pagkakahawak nito sa kamay niya at itinulak palayo spero hindi ito natinag.
But thankfully, Cleevan stopped and gazed up at her. Nakaluhod ang isang paa ng lalaki at napakalapit ng mukha sa pagkababae niya.
“Hindi mo ba gusto ang ginagawa ko?” tanong nito.
Umiling siya. “Hindi. Kaya itigil mo na.”
“I heard you moan, Nett,” sabi nito na parang isa iyong ebidensiya sa nagawa niyang krimen.
Hindi siya nag-iwas ng tingin at sinalubong ang abuhing mga mata ng lalaki. “I’m a normal woman, Cleevan. Malamang, nakakaramdam ako ng libog sa katawan.”
Nawalan ng emosyon ang mukha ni Cleeva.
He smirked. “Is that so?”
She nodded.
He chuckled humorlessly. “Lust, huh?”
Tumayo si Cleevan at tiningnan ang hubad niyang katawan. Pagkatapos, iniwan siya nito sa loob ng CR.
Parang nag-aapoy ang katawan ni Claria. Pero kahit ganoon, tinapos niya ang pagligo. Hind siya magpapaapekto sa lalaking iyon kahit apektado naman talaga siya.
Pagkatapos na maligo, lumabas siya ng CR at pumasok sa walk-in-closet. Naabutan niya si Cleevan na nakaupo sa silya na nasa harap ng vanity mirror at nakatingin sa kanya.
“Lumabas ka nga,” pagtataboy niya sabay ayos ng tuwalya na nakapulupot sa katawan. “Magbibihis ako.”
He shrugged. “Magbihis ka na dahil hindi ako aalis.”
She glared at him. “Please, get out!”
“Ayoko.”
Claria gritted her teeth and hurriedly grabbed a pair of panties, bra, and long nighties without looking at Cleevan. Nagmamadali siyang lumabas ng walk-in-closet at doon nagbihis sa CR.
Pagkatapos na magbihis at tiningnan ang sarili sa salamin na nasa loob, napamura siya nang makita ang suot. It was not a nightie. It was a big shirt and she was pretty sure it was owned by none other than her irritating sex maniac of a husband.
Urgh!
Ipinikit niya ang mga mata at lumabas ng CR. Napatigil siya sa paglalakad ng makita si Cleevan na nakahiga sa kama at nakatalikod sa kanya.
Thanks, God. Please lang, huwag kang haharap sa akin.
Tumingin siya sa labas ng bintana kung saan madilim na ang paligid. “Hindi ba tayo kakain?”
“Wala akong ganang kumain na kasama ka,” sagot nito habang nakatalikod pa rin. “Kumain ka mag-isa.”
May munting kirot na naramdaman si Claria sa sinabi ni Cleevan. Pero ipinagsawalang-bahala niya iyon. Bakit naman siya masasaktan sa sinabi ng lalaki? He is nothing to her.
Nagpalit muna siya ng damit bago lumabas ng kuwarto at bumaba ng hagdan papunta sa kung saan man siya dadalhin ng mga paa.
This house is huge!
Naglalakad siya nang walang destinasyon nang may nagsalita sa likuran niya.
“Are you lost, Madam?” tanong ni Ace.
Nilingon niya ang lalaki na nakatayo at nakapamulsa habang may sinusupil na ngiti sa mga labi.
“Pagtatawanan mo ba ako kung sabihin kong oo?”
He chuckled. “Nope. Nakita kitang naglalakad at mukhang kang nawawala kaya sinundan kita. At saka, lahat naman yata ng unang nakapunta sa bahay na ito ay nawala. Let me tour you around. Kung gusto mo lang naman.”
Claria smiled. “Sure. That would be great. Ayoko ng mawala sa bahay na ito. And I’m sure, hindi ka laging nandiyan para sundan ako dahil mukha akong nawawala.”
Tumawa nang mahina si Ace. “I wonder why Cleevan called you disgusting? You look really clean. Wala ka namang nakakadiring sakit. I wonder why?”
She rolled her eyes. “Iyang boss mo ang tanungin mo. As for me, the feeling is mutual.”
Ace shook his head then he walked beside her. “So… how’s your first day in the house? Was it amazing? Or was it awful?” usisa nito habang naglalakad sa tabi niya at iginigiya siya palabas ng bahay.
Napatingin siya sa kanyang paa. “It was awful.”
“That awful?”
Tumango siya at binalingan ang lalaki. “So, bakit parang napaka-fluent mo sa English, samantalang driver ka lang dito? Nasa job requirement ba na dapat magaling kang mag-English?” pag-iiba niya ng usapan.
Tumawa nang malakas si Ace na ikinakunot ng noo niya. “Why are you laughing?”
“Nothing. I never thought you would mistake me as Cleevan’s driver,” Ace said between laughs. “My ego is wounded.”
Her forehead knotted. “Hindi ka driver ni Cleevan? P-pero sabi mo kanina chauffer kita at—”
“I am your chauffer for a day, Madam. I am Ace Sudalgo.” Inilahad nito ang kamay. “I’m Cleevan’s younger brother.”
Napatanga siya sa kaharap. “Seriously?”
Ace nodded.
“Kung ganoon, bakit `yong babae kanina parang pinapagalitan ka kasi—”
“That’s Manang Lucing. Siya na ang tumayong ina ko after my parents’ death two years ago,” paliwanag nito at lumamlam ang mga mata. “Since then, si Manang Lucing ang tumayo ina ko. Si Cleevan—except for money support—wala kang maasahan sa kanya. He has a heart off stone. Kaya nang malaman ko na babalik ka na ng Pilipinas. I pity you. I was actually thinking if you’ll survive the next coming months.”
Napakagat-labi siya. “You think I won’t survive?”
He shrugged and looked at the place a few meter away from them. “That is the open garden,” sabi nito sabay turo sa pabilog na halamanan. “Come. Ipapakita ko sa `yo.”
Nang tumakbo ang lalaki patungo sa garden, tumakbo na rin siya papunta roon. Nang makarating ay pareho silang humihingal. Pero nawala ang pagod na naramdaman dahil sa pagtakbo nang makita niya ang magaganda at iba’t ibang uri ng halaman na nakapaligid sa kanya.
“This is place is beautiful. Even at night,” puna niya habang nakangiting nakatingin sa mga halaman.
Ace chuckled. “Yeah. This is mom’s favorite place. Makikita mo ang garden na ito from the master bedroom—”
Napatingin siya kay Ace ng hindi nito ipinagpatuloy ang sasabihin. Nakatingin kasi ang lalaki sa kung saan. Sinundan niya ang tingin nito.
Natulos siya sa kinatatayuan nang makita si Cleevan na nakatingin sa kanila at walang emosyon ang mukha. His face was cold and it sent shivers down her spine.
“We should go back to the house,” sabi ni Ace at naunang naglakad sa kanya.
Sumunod siya sa lalaki habang abot-abot ang kabang nararamdaman.
Pero bakit ba siya kinakabahan?
Veeg omhoog om door te gaan