NEEDS
NAKAHIGA si Virgo sa mahabang sofa sa sala nang may kumatok sa pinto ng bahay. Itinirik niya ang mga mata sa isiping isa na naman iyong ahente at magbebenta ng insurance o kaya naman, kung ano-ano pang maibebenta. Tinatamad siyang buksan ang pinto. Isa pa, medyo kinabahan din siya, baka ibang nilalang ang nasa labas ng pinto.
“Virgo! Si Lea `to!” sigaw ng nasa labas nang hindi niya pagbuksan.
Nang marinig iyon, mabilis siyang bumangon at sinilip mula sa bintana na nasa tabi ng pinto kung totoo ngang si Lea ang nasa labas. Nang makitang ang pinsan nga iyon, mabilis na binuksan niya ang pinto.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya.
“Kung makatanong ka naman parang hindi kita binibisita buwan-buwan.” Tiningnan siya ng pinsan mula ulo hanggang paa. “Jesus, Virgo. Bakit mo ba `to ginagawa sa sarili mo?” Pagalit ang tono ng boses nito bago pumasok sa kabahayan.
“Ano ba ang ginagawa ko sa sarili ko?” naguguluhang tanong niya.
Itinuro ni Lea ang katawan niya. “This. Para kang manang. Mula nang mamatay sina Tito at Tita tatlong taon na ang nakararaan, ikinulong mo ang sarili mo sa bahay na `to. Gosh, Virgo. It was just a car accident. It happens all the time. I don’t want to be mean, but please, move on and get over the fact that they are dead.”
Napatingin siya kay Lea. A car accident? Gusto niyang matawa. Kung simpleng aksidente lang ang nangyari, eh, di sana hindi siya ganito ngayon. Paranoid sa lahat ng bagay na nangyayari sa paligid niya. Pero alam niya ang katotohanan. Alam niya ang katotohanan na pilit itinatago ng mga pulis sa kanya.
“Ano’ng kailangan mo, Lea?” tanong niya nang makaupo sila sa sofa.
Lea looked at her. “Pinapunta ako rito ni Daddy. Ipinapasabi niya na paubos na ang perang naiwan nina Tito para sa `yo. Sabi ni Daddy, kailangan mo nang magtrabaho kung hindi, baka mahirapan ka. Okay lang naman sa amin kung sa bahay ka titira. Pero nasisiguro kong hindi mo gustong tumira sa amin kasi gusto mo lagi ng privacy. You love this house so much.”
Bumaba ang tingin ni Virgo sa sahig. “I love this house. Dugo at pawis ang ipinuhunan ng mga magulang ko rito. Pero marami na rin akong bayarin,” pag-amin niya. “Sa tubig, sa kuryente, `tapos pagkain ko.”
Lea sighed and handed her an envelope. “One hundred thousand ang laman nito. Ito na ang huling pera nina Tito, sabi ni Daddy.”
Tinanggap ni Virgo ang envelop. “Salamat.”
Nginitian siya ni Lea. “Kung balak mong magtrabaho, kailangan mong ayusin ang sarili mo.” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. “You need a major make-over, Virgo.”
Virgo chuckled. “Kaya nga hindi ako nagtatrabaho dahil walang tatanggap sa isang manang na katulad ko.”
“Hindi ka naman manang noon, eh,” sabi ni Lea. “Napakaganda mo noon, Virgo. Hanggang ngayon naman, eh. Sa likod ng manang mong damit, makakapal na kilay at malaking eye glasses, nagtatago ang isang napakagandang babae. Ayaw mo lang ilabas.”
Nagtataasan ang balahibo ni Virgo kapag naririnig ang salitang maganda. Iyong salitang iyon ang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang niya. At ang hayup na iyon, pinatay nito ang mga magulang niya.
“Hindi ako magbabago ng pananamit para lang makapagtrabaho,” matigas ang boses na sabi niya. “I have reasons kung bakit ako ganito. Hayaan mo na lang ako, Lea.”
Puno ng awa at pag-aalala ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. “Hindi ka namin puwedeng hayaan lang, Virgo. Kami na lang ang natitira mong kamag-anak. We care about you. Si Daddy, laging iniisip ang kalagayan mo rito sa bahay.”
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “Ayos lang ako—”
“Hindi ka maayos, Virgo. Stop lying to me.” Naiinis na tumayo si Lea. “Tawagan mo ako kapag may kailangan ka, which I’m sure na hindi mo naman gagawin. Fuck this, Virgo. This is not you!” galit na sigaw nito saka lumabas ng bahay.
Napatitig si Virgo sa nakasarang pinto na nilabasan ni Lea. Sanay na siya sa inakto ng pinsan. Laging ganito ang eksena nila kapag bumibisita ito. Lagi siyang pinangangaralan at pinapagalitan. Lagi itong galit na nagwo-walk out.
Napabuga siya ng hangin saka binuksan ang envelop. Napatitig siya sa tag-iisang libo na laman niyon.
This won’t last long.
Naglakad si Virgo papunta sa library na nagsisilbing opisina noon ng ama. Nang makapasok, agad niyang nakita ang mga nakalagay sa envelop na bayarin niya. Kailangan na rin niyang mag-grocery. Wala na siyang supply ng pagkain para sa buwang ito.
Humugot siya ng isang malalim na hininga at binuksan ang mga envelop na may lamang bills ng kuryente. Tatlong buwan na siyang hindi nagbabayad. Nasisiguro niyang puputulan na siya. Kaya lang naman hindi pa siya nawawalan ng kuryente dahil kaibigan ng daddy niya ang isa sa mga head ng Meralco. Pero baka ngayon, putulan na talaga siya ng ilaw.
Inilatag ni Virgo ang pera sa ibabaw ng mesa at hinati-hati iyon para sa ilaw, kuryente at pagkain. This money will only last for a month. Tama si Tito Leo, kailangan ko nang magtrabaho.
Huminga siya nang malalim at humarap sa salamin na nasa library. She was wearing baggy clothes and loss jeans. Nakalugay lang ang kanyang buhok at natatakpan ng malapad at makapal na salamin ang abuhin niyang mga mata. Ang mga kilay ay hindi na niya ipinaayos tulad ng kanyang ginagawa noon na halos linggo-linggo ay nasa salon siya.
Virgo had changed since she woke up in the hospital, alone. Ang huling alaala niya sa gabing iyon ay ang baritonong boses na nag-utos sa kanyang matulog. Nang magtanong siya sa mga pulis, walang masagot ang mga ito kung paano siya napunta sa ospital. Even the hospital won’t explain to her how. Kahit panay ang pilit niya, ayaw talaga ng mga itong magsalita.
Naglagay si Virgo ng bandana sa ulo at lumabas sa library. Umaga naman kaya hindi siya natatakot na lumabas. She had been afraid of the dark for three years because of that incident. Lumabas siya at sumakay sa kotse niya. Nagmaneho siya papunta sa pinakamalapit na grocery store at bumili ng mga kailangan sa bahay.
Pagkalabas ni Virgo sa grocery store, inatake siya ng kaba nang maramdamang parang may nakatingin sa kanya. Lagi niya iyong nararamdaman kapag lumalabas siya. Kaya ayaw niyang maglalalabas sa bahay dahil natatakot siya.
Mabilis ang mga hakbang na lumapit si Virgo sa nakaparada niyang sasakyan. Inilagay niya sa back compartment ang mga pinamili. Nang maisara ang compartment, napatingin siya sa gilid ng kalsada. Napatitig si Virgo sa taong naka-hood at nagdya-jogging sa gilid ng kalsada. Hindi niya makita ang mukha nito. Lalong hindi niya alam kung bakit siya nahahalina na pagmasdan ito.
Natigilan si Virgo nang tumigil ang nagdya-jogging at tumingin sa gawi niya. Napalunok siya at kinabahan nang makitang naglakad ito palapit sa kanyang direksiyon. Mabilis siyang pumasok sa loob ng sasakyan at nanginginig ang mga kamay na pinatakbo iyon pabalik sa bahay.
“KUYA!” sabi ng boses mula sa likuran niya. “Don’t you dare follow her.”
Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang boses ng nakababatang kapatid. Nilingon niya ito na nagdya-jogging din at sumusunod sa kanya.
“What?” tanong niya.
Tumingin ito sa palayong kotse. “Akala ko ba titigilan mo na siya? We already talked about this.”
Napatingin siya sa palayong kotse. Kahit malayo na ang babae, nararamdaman pa rin niya ang takot na nararamdaman nito. What happened three years ago really did scare her.
He took a deep breath. “Nakita ko lang siya. Lalapitan ko sana, eh,” sabi niya. “Kakausapin ko.”
“At ano’ng sasabihin mo, Kuya? Hi. Isa ako sa mga nilalang na kinatatakutan mo. Let’s be friends?” sarkastikong sabi ng kapatid. “Baka nakakalimutan mo, bawal na ibaon mo `yang mga pangil mo sa leeg ng isang tao. Kaya nga may mga blood banks tayong pagmamay-ari para hindi matulad sa mga rouge na walang inisip kundi ang pumatay.”
Mahina siyang napatawa sa sinabi ng nakababatang kapatid. “Hindi ko naman kakagatin, kakausapin lang. Alam ko ang mga bawal. Alam na alam. Come on. Let’s go,” sabi niya at nag-umpisa na namang tumakbo.
The scent of her sweet blood still lingered in the air. Hindi niya mapigilan ang sarili na suminghot ng hangin. Nanubig ang bagang niya.
Damn! That woman can still temp me so bad.
NANG makarating sa bahay si Virgo, mabilis ang kilos niya. Lahat ng puwedeng i-lock, ini-lock niya. Nagkulong siya sa kuwarto na para bang may humahabol sa kanya.
Habang matiim na nakatitig sa pinto ng kuwarto, paisa-isang tumulo ang mga luha niya. Virgo pitied herself. Napahagulhol siya nang ma-realize ang nangyayari sa kanya.
Tama si Lea. Hindi siya ganito noon. Hindi siya matatakutin sa simpleng bagay tulad na lang ng nagdya-jogging at naglalakad palapit sa kanya. Binago siya ng nangyari tatlong taon ang nakararaan. Binago niyon ang pagtingin niya sa mundo. Pati ang kanyang mga paniniwala, bigla ring nagbago.
Huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili. Nang hindi pa rin kumalma, kinuha ni Virgo ang gamot na nasa bedside table at ininom iyon kahit walang tubig. Gamot iyon para sa anxiety attack niya. She had been taking this medicine ever since her parents died. Hindi niya kinaya ang nasaksihan. It was horrifying.
Nang kumalma na, naglakad si Virgo palapit sa telepono at tinawagan ang Tito Leo niya. She can’t stay like this. Hindi siya puwedeng manatiling nakakulong sa bahay na ito. Sa tingin niya, makakatulong kung magtatrabaho siya.
“Hello, Tito Leo,” sabi niya nang sagutin nito ang tawag.
“Hello, hija,” sabi nito sa kabilang linya. “Ano’ng maipaglilingkod ko? Binisita ka na ba ni Lea riyan?”
Tumango si Virgo na parang nasa harap ang kausap. “Opo. May hihilingin lang sana akong pabor sa inyo.”
“Sige. Ano `yon hija?” mabilis na tanong ng butihing tiyuhin.
Virgo took a deep breath. “Puwede n’yo ba akong tulungang makahanap ng trabaho?”
“Absolutely, my niece,” awtomatikong sagot nito. Napakasaya ng boses ng lalaki. “Salamat sa Diyos at naisip mo ring lumabas sa bahay mo. Anyway, hindi ka mahihirapang maghanap ng trabaho. I am in need of a secretary. Payag ka ba, hija? Kung sa akin ka magtatrabaho, hindi mo na kailangan pang magbago ng pananamit.”
Napangiti si Virgo sa huli nitong sinabi. “Salamat, Tito.”
“You’re welcome, hija. Pumasok ka bukas nang maaga para ma-orient kita sa kung ano ang trabaho mo sa Kallean Financial Firm.”
“Opo.”
“Good. Now, please call my daughter. Nag-aalala talaga siya sa `yo, Virgo. Sasaya `yon kapag sinabi mong magtatrabaho ka na.”
“Sige po, Tito,” sabi niya saka nagpaalam. “Paalam na po, Tito. Salamat sa tulong.”
“Walang anuman, hija. This is the least I could do,” sabi nito at nagpaalam na rin. “Mag-ingat ka lagi, okay? Mag-isa ka lang sa bahay mo. Ayaw mo naman ng katulong.”
“Okay lang po ako. Paalam na po.”
“Okay. Bye, hija.”
Ibinaba ni Virgo ang telepono saka huminga nang malalim. Kakayanin niya ito. Kailangan niyang magtrabaho kung hindi, wala siyang kakainin. She took a very deep breath, then called Lea.
KINABUKASAN, hindi pa nag-a-alas-otso, nasa labas na si Virgo ng opisina ng CEO ng Kallean Financial Firm. Hinihintay niyang dumating ang tiyuhin.
Virgo was wearing baggy clothes again and thick eyeglasses. Nakalugay ang mahaba niyang buhok. Hanggang bukong-bukong niya yata ang haba ng palda na suot.
Pinagtitinginan siya ng mga emplyado. Virgo just pretended na wala siyang pakialam. Ganito na siya manamit ngayon. Kung kagandahan niya ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang niya, mas makabubuting itago iyon para hindi na makapanakit ng iba.
Nang dumating ang tito ni Virgo, agad siya nitong pinapasok sa loob ng opisina. Nang makaupo ito sa swivel chair, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
“Ahm, Virgo, alam kong sinabihan kitang hindi kailangang magbago ang pananamit mo. Pero puwedeng sa halip na mahabang saya, slacks na lang ang gamitin mo?”
Napatingin si Virgo sa suot na saya. It really was a manang attire. “Sige po. Slacks ang susuotin ko sa susunod.”
Her uncle smiled. “Thank you, Virgo.” Then, he started explaining what her functions will be in the firm. Pagkatapos, ipinakilala siya sa mga head ng bawat department. Parang mababait naman kaya napalagay ang loob niya.
Pagkatapos siyang ipakilala, pinauwi muna siya ng tito niya para magpahinga at maghanda para bukas. For the first time in her life, Virgo felt a little happy. She felt… normal.
NAPATIGIL si Lucien sa pagpasok sa opisina ng CEO ng Kallean Financial Firm nang maamoy ang mabangong halimuyak ng hangin. That woman really has the sweetest blood. At nandito siya.
“Mr. Guano,” tawag-pansin niya sa lalaking nakaupo sa swivel chair. “Kumusta?”
Mabilis itong tumayo at lumapit. “Sir.” Nakipagkamay ito. “Kumusta ho?”
“I’m good.” Umupo si Lucien sa visitor’s chair pagkatapos ay iniinat ang mga paa. “Nakahanap ka na ba ng kapalit ni Gerrie? You need a secretary. Alam kong maraming gawain dito.”
“Nakahanap na po ako, Sir,” sabi nito saka bumalik sa swivel chair. “Ang pamangkin ko po, si Virgo Guano.”
Virgo.
Inulit ni Lucien ang pangalan ng babae sa isip. “May pamangkin ka pala. Care to tell me about her?” sabi niya at nagpanggap na walang alam.
“Ahm, napaka-personal po ng ipinapakuwento n’yo sa akin.” Tumigil ang lalaki sa pagsasalita nang mapansing nakatitig siya sa mga mata nito.
Lucien filled Mr. Guano’s heart with trust and comfort to talk to him. Kailangan niyang iparamdam na mapagkakatiwalaan siya sa kahit na anong ikukuwento nito.
“Mabuting bata si Virgo.” Walang kislap ng buhay ang mga mata nito. They were blank and that was his doing para makuha ang gusto. “Masaya nga ako at kahit paano, magtatrabaho na siya. Mula nang mamatay ang mga magulang niya sa isang car accident, ikinulong na ni Virgo ang sarili sa bahay nila. Wala pa naman siyang kasama sa bahay, mag-isa lang siya roon. Noong buhay pa ang mga magulang niya, nag-aalala ang ama niya na baka mapariwara si Virgo. May boyfriend siya noon. Naghinala kami na baka may nangyari na sa kanila—”
“That’s enough,” pigil niya sa iba pa nitong sasabihin.
Napakurap-kurap ang kausap at nagulat nang makita siya. “Sir, kanina pa ba kayo riyan?”
Nginitian niya ito. “Nah. Kararating ko lang.”
Ipinikit ni Lucien ang mga mata at inamoy ang mabangong aroma na lumulutang sa hangin. Damn that woman.







