VISIT
NASA terasa si Virgo at nakatingin sa bilog na buwan nang bigla na naman niyang maramdaman na parang may nakamasid sa kanya. Iyon ang naramdaman niya noong gabi ng kaarawan ni Lea bago namatay ang mga magulang. Whenever Virgo got that feeling, she would automatically lock the doors and windows at magkukulong sa kuwarto.
Pero sa gabing iyon, wala siyang maramdamang takot tulad ng lagi niyang nararamdaman. For the first time in her life, Virgo felt at ease, secured. Wala siyang maramdamang takot o pagkabahala. Hindi siya natatakot kahit gabi na. This feeling was new to her.
Kailan pa siya hindi natakot sa gabi? Oh, well, this was nice.
Ilang minuto pa siyang nanatili sa terasa at nakatingin sa kabilugan ng buwan bago pumasok sa kuwarto at nahiga sa kama. Usually, Virgo had nightmares and the death of her parents plagued her sleep. Pero sa gabing iyon, nang mahiga sa kama, madali siyang nakatulog at wala kahit isang masamang panaginip na dumalaw sa kanya.
HINDI niya alam kung bakit nandoon siya sa labas ng bahay ni Virgo. Nang makita niya itong nasa terasa at nakatingin sa buwan, naramdaman agad niya ang nararamdaman nito. Pangamba, takot, kalungkutan at pagdurusa. So, he filled her heart with safety and comfort. She needed it. Kahit pansamantala lang.
Nang pumasok si Virgo sa loob ng kuwarto, mabilis siyang umakyat papunta sa terasa para makita ito at maipagpatuloy ang ginagawa. She needed a good night sleep for tomorrow. Baka hindi ito makatulog nang mahimbing kapag iniwan niya itong ganoon ang nararamdaman.
Umupo siya sa rehas ng balkonahe na nasa tagong bahagi, pero nakikita niya ang babae na natutulog sa kama. Ganoon lang ang posisyon niya hanggang sa maramdaman ang mainit na sikat ng araw sa balat. Senyales iyon para umuwi na siya.
Mabilis siyang tumalon mula sa balkonahe papunta sa semento sa ibaba. Kasimbilis ng hangin na tumakbo siya papunta sa nakaparadang sasakyan ilang metro ang layo sa bahay ng babae.
Nang makapasok sa sasakyan, nakahinga siya nang maluwang. Medyo masakit pa rin ang tama ng araw sa balikat niya. Pero ngayong nasa loob na siya ng sasakyan, medyo nabawasan na.
“Bakit naman kasi naka-T-shirt ka?” tanong ng babae sa passenger seat ng sasakyan niya.
Nilingon niya ang isa pang nakababatang kapatid. “Hindi ba at sinabi ko na sa `yo kagabi na umuwi ka na?” naiinis na sabi niya.
Ngumiti lang ang kapatid niyang matigas ang ulo. “Tumawag si Daddy. Pinapabantayan ka. Nagalit dahil hindi mo raw sinusunod ang kasunduan n’yo.”
“Wala akong nilalabag na kahit na ano.” Binuhay niya ang makina ng sasakyan. “Binibisita ko lang siya.”
“Still.” Humalukipkip ito. “Ang bawal ay bawal, ang batas ay batas. Minsan ka nang pinagsabihan ni Ama. Last warning mo na `yong nangyari three years ago. Kapag may ginawa ka pang hindi maganda, baka sunugin ka na niya nang buhay.”
Ngiting-aso lang ang isinagot niya, saka walang imik na nagmaneho pauwi sa bahay nila.
NAGISING si Virgo na magaan ang pakiramdam. Sa unang pagkakataon, nakangiti siyang bumangon sa kama at naligo. Pagkatapos ay naghanda siya papunta sa opisina.
Maagang nakarating si Virgo sa Kallean Financial Firm. Pero naunahan pa rin siya ng Tito Leo niya na inaayos ang mesa na kanyang gagamitin.
“This will be your table,” sabi nito habang nakangiti. “Good luck on your first day, hija.”
“Thank you po,” nakangiting sabi niya saka umupo sa sariling swivel chair.
Lumipas ang oras. Ginamit iyon ni Virgo sa pagtatrabaho. She accepted calls, set appointments, go to a business meeting with her Tito Leo and, of course, accompanying him to the conference room for a board meeting. Napakarami niyang ginawa sa araw na iyon. Kaya naman nang dumating ang alas-singko ng hapon, low bat na low bat na siya. Ang gusto lang niyang gawin ay umuwi at humiga sa kama.
“Napagod ka ba, hija?” tanong ni Tito Leo habang ipinagmamaneho siya pauwi.
Her tito offered to drive her home and she accepted the offer. Na-flat-an kasi siya, mabuti na lang at hindi pa siya nakakalayo sa opisina. Kaya iyon, nakita siya ng Tito Leo niya.
“Medyo po. Nanibago yata ang katawan ko na halos walang ginagawa buong araw sa loob ng tatlong taon.”
Napatango-tango ito. “Mukha nga. Siya nga pala, hija. May pupuntahan tayong pagtitipon bukas ng gabi. Kailangan kitang isama kasi hindi lang `yon simpleng charity ball. May magaganap ding business meeting kaya kasama ka.”
Napalunok si Virgo nang makaramdam ng takot. “Gabi po ba?”
“Oo, hija.”
Kinabahan siya. “N-naku, Tito, h-hindi po ako puwede. Alam n’yo naman po na takot ako sa gabi, `di ba? Puwede po bang pass muna po ako? Hindi ko talaga kaya, eh.”
Parang nakita ng tiyuhin ni Virgo ang panginginig ng mga kamay niya kaya hindi na ito nagpilit pa. “O sige, sa susunod na lang,” sabi nito.
Hindi na umimik si Virgo hanggang sa makarating sa bahay. “Salamat po sa paghatid,” sabi niya nang itigil ng Tito Leo niya ang sasakyan sa labas ng bahay.
“You’re welcome, hija. Sige na, pasok ka na,” sabi nito. “Hindi ako aalis hangga’t hindi ka pa nakakapasok sa bahay mo.”
Tumango si Virgo at isinukbit ang shoulder bag sa balikat saka lumabas ng sasakyan. Malalaki ang hakbang niya hanggang sa makapasok sa loob ng bahay. Abot-abot pa rin ang kaba niya hanggang sa makarating sa kanyang kuwarto.
Wala siyang ganang kumain kaya ini-lock ni Virgo ang mga pinto at bintana pagkatapos ay natulog na kahit hindi pa naghahapunan.
AS USUAL, nakita na naman niya ang sarili sa balkonahe ng kuwarto ni Virgo. Umupo siya sa kaparehong puwesto kagabi at pinakatitigan ang mukha ng babae. Tulad ng ginawa niya kagabi, he enveloped her with warmth, comfort and safety. Gusto niyang maging mahimbing ang tulog nito.
“Ilaw araw ka nang pumupunta rito?” tanong ng boses na ikinaigtad niya.
Nilingon niya ang nakakatandang kapatid. “Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya sa halip na sumagot.
His brother sighed and sat on the terrace railing next to him. “Sinundan kita. Nag-aalala ako sa `yo. Alam mo kung ano’ng gagawin sa `yo ni Ama kapag nagkamali ka na naman, `di ba?”
“Wala naman akong gagawin—”
“Sa ngayon, wala pa. Pero paano kung dumating ang panahon na napalapit ka sa kanya? Paano kung matukso ka na tikman siya katulad ng ginawa mo noon? Ano’ng gagawin mo kapag nangyari `yon? Sinabihan ka na ni Ama. Mag-ingat ka naman.”
“Wala namang masama sa ginagawa ko,” depensa niya sa sarili.
“Mayroon. You’re stalking this poor girl.” Umiling-iling ang nakakatanda niyang kapatid. “We have an oath, little brother. Ang pangakong `yon lang ang dahilan kung bakit hindi nila tayo pinapatay, kung bakit matiwasay tayong nabubuhay kasama ang mga taong walang pinoproblema. Is she worth the risk?”
Tinitigan niya si Virgo na mahimbing na natutulog. Pagkatapos, tumalon siya mula sa terasa pababa sa semento. “Huwag mo siyang hahawakan. Kahit dulo ng buhok niya,” sabi niya sa kapatid.
“I won’t.”
“Good.”
Mabilis siyang naglakad papunta sa kotse niya at pinatakbo iyon papunta sa Dark Night Club. Ang club kung saan mga kauri lang niya ang puwedeng makapasok.
Nang makarating sa nasabing club, the bouncer bowed down to him when he entered. “Magandang gabi ho, kamahalan.”
Hindi siya sumagot. Naglakad lang siya palapit sa bar. Liquor was the answer to all his frustrations in life. Take that from a man who had been drinking tons of liquors for hundreds of years.
NAGING normal na para kay Virgo ang routine niya araw-araw. Wake up, take a bath, eat breakfast and go to work. Iyon na ang nakasanayan niya sa loob ng dalawang linggong pagtatrabaho sa Kallean Financial Firm.
Paminsan-minsan na lang umatake ang anxiety ni Virgo. Wala na siyang oras para mag-isip pa sa gabi. Dahil sa kapaguran, nakakatulog agad siya. Gustong-gusto naman niya iyon.
Pero hindi sa gabing iyon. Sapilitan siyang isinama ni Lea sa bachelorette’s bar, isang bar para sa mga babaeng single raw. Siyempre, puno iyon ng mga lalaking naghahanap ng masisilo at mauutong babae.
Dahil napilitan lang naman siyang sumama, nakapantalon at naka-sweatshirt lang si Virgo. Naka-flat shoes lang siya at walang kolorete ang mukha. Siyempre, hindi mawawala ang malapad at makapal niyang salamin.
“Come on, Virgo. Drink up!” sigaw ni Lea. Hindi niya ito maririnig kung hindi sisigaw dahil sa malakas na tunog ng musika.
Umiling-iling siya. “Ayoko!” balik-sigaw niya.
Pinaikot ni Lea ang mga mata at um-order pa rin ng mojito para sa kanya. Nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong-hininga saka nanahimik.
Nang dumating ang mojito na order ni Lea, ibinigay nito iyon sa kanya. “Drink up!” sigaw nito. “Pagkatapos niyan, hindi na kita kukulitin pang uminom,” sabi nito at iniwan siya sa mesa nila.
Virgo sighed and picked up the glass of mojito. Iinumin na sana niya iyon nang biglang may umagaw ng mojito sa kamay niya. Nang lingunin ni Virgo kung sino iyon, halos malaglag ang panga niya.
Standing in front of her was the perfect epitome of gorgeous, hot and handsome. May abuhin itong mga mata na tulad ng sa kanya. Manipis ang mga labi nito na parang nang-aakit na halikan. Matangos ang ilong na bumabagay sa guwapo nitong mukha. And of course, his midnight-black hair that looked like he had been brushing it with his fingers for a million times because it looked freaking messy. But it suited him.
“Hey!” Baritono ang boses nito at pamilyar sa pandinig niya.
“Hi,” sabi niya saka nag-iwas ng tingin. “`Yong mojito ko. Please, akin na `yan. That’s my order.”
Nasaan ka na ba Lea?
Patay ito sa kanya mamaya. Argh!
Tumigil ang pagtibok ng puso ni Virgo at tumambling iyon nang umupo ang guwapong lalaki sa stool na katabi niya.
“Hindi mo naman ito order,” sabi nito. “Order ito ng kaibigan mo, tama ba ako?”
Nagulat si Virgo at ibinalik ang tingin sa lalaki. “P-paano mo nalaman?”
The man smiled. She nearly fell off the chair that she was sitting on. “Nakaupo ako sa likuran mo kaya narinig ko.”
“Ah. Okay.”
Umayos ng upo si Virgo saka tumungo. “Sa akin na ang mojito ko, please?” Hindi niya alam kung narinig siya ng lalaki dahil mahina ang boses niya at malakas ang tunog ng musika.
Nanigas siya sa kinauupuan at nagtaasan ang mga balahibo sa kanyang katawan nang maramdamang may tumamang hininga sa tainga niya.
“Masama ang mojito sa katawan,” bulong ng lalaki sa tainga niya. Halos hindi iyon marinig ni Virgo sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso. “Itapon na lang natin. Makakasama pa ito sa `yo.”
Wala sa sarilng tumango siya.
Nakahinga nang maluwang si Virgo nang lumayo ang lalaki. Habol niya ang hininga at pilit na pinapakalma ang puso na parang nagwawala sa loob ng kanyang dibdib.
This is not normal! sabi niya sa sarili. I should pull myself together!
Sa kakaiwas niyang tumingin sa gawi ng lalaki, napatingin si Virgo sa kanyang kanan. Nakita niya ang sarili sa salamin. Para siyang binuhusan ng tubig nang makita ang hitsura sa salamin. Bahagya siyang natawa. Napakalosyang niyang tingnan sa suot na outfit kumpara sa mga babaeng nasa club. Halos labas na ang kaluluwa ng mga babaeng iyon. Kung puwede yatang mag-panty at bra na lang, iyon ang isusuot ng mga ito. Lalong nadagdagan ang panlulumo ni Virgo nang makita ang guwapong lalaki na katabi ng repleksiyon niya sa salamin.
Inirapan niya ang sariling repleksiyon at inagaw ang alak na hawak pa rin ng lalaki. Ininom niya iyon hanggang sa maubos ang laman ng baso.
“Waiter! Isa pang mojito!” sigaw niya sa waiter na malapit sa kanya.
Bumuga siya ng hangin at napatingin sa guwapong lalaki na nahuli niyang nakatitig sa kanya.
“Ano’ng problema mo?” nagtatakang tanong niya.
“Balak mo bang maglasing?”
Umiling si Virgo. “Mga dalawang shot lang, `tapos uuwi na ako.”
“Paano ka uuwi? Taxi?”
Bigla siyang kinilabutan nang maalala ang huling taxi driver na sinakyan niya bago namatay ang kanyang mga magulang.
“M-magpapahatid ako kay Lea.”
“Nasaan naman si Lea?” tanong na naman nito.
“Nandiyan lang `yon sa tabi-tabi,” sabi ni Virgo. Nginitian niya ang waiter na nagbigay sa kanya ng order. “Salamat.” Malambing ang boses niya.
Lasing na ba ako?
Virgo snapped out from her reverie when she heard a growl beside her. Napatitig siya sa guwapong lalaki na nasa tabi niya. Madilim ang mukha nito habang nakatingin sa waiter na naglalakad palayo sa mesa nila.
Ano’ng problema ng isang `to?
Para siyang nabunutan ng tinik nang makita si Lea na naglalakad palapit sa mesa niya. Ininom ni Virgo ang alak na in-order at mabilis na naglakad palapit sa pinsan. Hinawakan niya ito sa pulsuhan.
“Iuwi mo na ako.” Pagkasabi niyon, hinila niya si Lea palabas ng bar nang walang lingon-likod.
Saka lang naalala ni Virgo ang guwapong lalaki sa bar nang makauwi na siya. Hindi niya naitanong ang pangalan nito. Oh, well. Sigurado naman siyang wala itong interes sa kanya. Mukha siyang manang. Alam niyang walang magkakagusto sa kanya. Wala.







