ROGUE
WALANG imik si Lucien habang nakaupo sa hapag-kainan at kasalo ang mga magulang na kumakain. Kakauwi lang ng ama niya galing Istanbul. May inasikaso ito roon tungkol sa mga rogue na nakakabahala ang patuloy na paglaki ng bilang. Nababahala sila na baka sa pagdami ng bilang ng mga rogue, ipawalang-bisa ng mga nakakataas ang treaty nila.
“So…” His father looked at each and every one of them on the dinner table. “I heard there was a brawl in the office. Who started it?”
Magtataas na sana si Lucien ng kamay nang maunahan ni Limar.
“Ako,” sagot nito.
Matiim na tinitigan ng ama niya si Limar. His father’s eyes turned black. “Ano’ng ginawa mo?”
Alam niyang galit ang ama at mapaparusahan si Limar, sigurado siya roon. Kaya naman itinaas niya ang kamay. “I started it.”
Bumaling sa kanya ang ama. “Lucien…” His father sighed. “Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa `yo na lagi mong rerendahan `yang itinatago mong halimaw sa loob mo?”
“I touched Virgo,” Limar interjected.
Ikinuyom ni Lucien ang kamao na nasa ibabaw ng mesa at sinusubukang pakalmahin ang sarili. He can still remember when Limar touched Virgo and kissed her hand. Napakurap-kurap siya nang maramdamang nag-iiba na naman ng kulay ang mga mata niya. He knew his eyes were now bloodshot red because his mother gasped and hurriedly left the table. Takot ito sa kanya lalo na kapag nag-iiba ang kulay ng mga mata niya.
“Calm down, Lucien,” narinig niyang sabi ng ama. “Gusto mo bang ikadena ulit kita tulad ng ginawa ko sa `yo tatlong taon na ang nakararaan?”
Umiling siya habang mariing nakapikit pa rin. “I’m calm, Dad. I’m calm.”
“Good.” Kinuha ng ama ang isang bote ng dugo na nandoon at nagsalin sa kopita na katabi ng pinggan nito. “Anyway, how’s our deal going?”
Tumingin si Lucien sa ama. “Not good.”
His father, Lentien, chuckled. “Move fast, boy.” Ininom nito ang laman ng kopita. “The clock is ticking.”
“Alam ko `yon, Daddy.” Bumuga siya ng hangin. “Pero ang hirap, eh.”
“Mahihirapan ka talaga.” Tumawa ang ama niya. “Kaya nga nakipag-deal ako sa `yo, `di ba?”
Lucien sighed. “Ewan ko sa `yo, Dad.”
His father just smiled and walked towards him and tapped his shoulder. “Kaya mo `yan, anak. Either kayanin mo o ipapadala kita sa Russia. Mamili ka.”
Nagtaas siya ng tingin sa daddy niya. “Tatlong buwan lang ang ibinigay mo sa akin. How can I possibly make her accept me in that short time? Dad naman, eh. Give me six months. Please?”
“Nope.” Umiling ito. “Just three months.”
Bumuntong-hininga si Lucien. “She’s afraid of our kind, Dad.”
“Sino ba ang hindi matatakot kung nakita niyang namatay ang mga magulang niya sa kamay ng mga kauri natin?” Pity was written in his father’s eyes. “I pity that child. She’s all alone in this scary world. And the one who’s obsessed with her…” Matiim siyang tinitigan ng ama. “Is a freaking rogue.”
Anger rushed through him. “I am not a rogue.” Napatiim-bagang si Lucien.
“Oh, yeah?” His father smirked. “Look in the mirror. Your red-bloodshot eyes that only rogue vampire possess will be staring back at you.”
Gusto niyang ikaila ang sinabi ng ama, pero alam niyang hindi kasinungalingan iyon. He knew who and what he was. Alam niya kung anong klaseng halimaw ang nagtatago sa loob niya.
“Hindi ako rogue,” mahina ang boses na sabi niya habang nakakuyom ang dalawang kamao.
Pinisil ng ama niya ang kanyang balikat. “Magpasalamat ka na malakas ka para labanan ang halimaw na nasa loob mo. Pero lalabas at lalabas din `yan. Kaya nga magmadali ka na bago pa lumabas `yan. I keep you here in the house because I don’t want them killing you. At naniniwala ako na hindi ka magiging katulad ng mga rogue sa buong mundo. You are not a mindless being. We, vampires, co-exist with humans for we need them and they need us in return. We need their blood to live and they need us to kill those rogues who prey on humans. Hindi nila kayang patayin ang mga kauri nating hinayaang lamunin ng kadiliman. We kill rogues. I kill rogues. I’d been a rogue hunter for hundreds of years. So please, Lucien, do not give me a reason to kill you. You are my son, but if you repeat what you did three years ago, I will kill you myself.”
Lucien felt so down and empty. Hindi niya alam ang gagawin. He felt so depressed. His father tapped his shoulder again and left the dining table. Sunod na umalis sina Lashka at Lucca. Ang naiwan sa hapag-kainan ay siya, kasama sina Lucan at Limar.
“I’m sorry, bro,” sabi ni Limar. “Hindi ko akalain na ganoon ang magiging reaksiyon mo. I was just teasing you.”
Nagkibit-balikat si Lucien. “That’s okay. Nagdilim lang ang paningin ko kanina. Hindi ko lang talaga gusto na may humahawak sa kanyang iba.”
Lucan chuckled. “Kahit amuyin ang mabango niyang dugo, huwag mong gagawin. Baka sakmalin ka ni Lucien.”
Tumawa si Limar at itinaas ang kamay na nadaanan ng matatalim niyang kuko kanina. “I know. Look at this. Hindi ko akalain na kaya niyang gawin sa akin `to.”
Naiiling na tumawa siya nang mahina. “Pasensiya ka na kanina.”
“Okay lang,” sabi ni Limar habang nakangiti. “Kasalanan ko naman, eh.” He sighed. “So, may naisip ka na ba kung ano’ng gagawin mo para matupad ang usapan n’yo ni Daddy?”
Umiling si Lucien. Wala siyang maisip na paraan para mapalapit kay Virgo. Hindi naman niya gustong mapalapit sa babae dahil sa ginamitan niya ng kakayahan na impluwensiyahan ang nararamdaman nito. He won’t do that to her.
“Wala pa akong maisip,” sabi niya.
Limar shrugged. “You better start thinking and planning, big brother. Tama si Daddy, the clock is ticking.”
“Move fast, little brother,” sabi ni Lucan saka tumayo. “You only have two months and twenty-six days. I don’t want to kill you either.”
Tulad ng ama niya, Lucan was also a rogue hunter. He was once a hunter. Pero dahil sa nangyari tatlong taon na ang nakararaan, hindi na siya hinayaan ng ama na ipagpatuloy ang pagiging rogue hunter.
Nagbaba ng tingin si Lucien sa plato niya na may laman pang steak na hindi pa masyadong nagagalaw. “Alam ko.”
I’ll start tomorrow.
BAGO lumabas sa bahay nila si Lucien para pumasok sa Kallean Financial Firm, ipinatawag siya ng ama sa library nito. Nakaupo siya sa sofa habang nakatayo naman ito at palakad-lakad sa loob ng library.
“Kumusta ang Kallean Financial Firm?” tanong nito.
Nang hindi siya sumagot, napailing-iling ang ama niya.
“Lucien, hindi lang si Virgo ang dahilan kung bakit kita inilagay bilang CEO ng Kallean Financial Firm. I also want you to manage the firm. Can you do that?”
“Dad…” He looked at his father. “I’m a Business Management graduate. I do know how to manage a firm.”
Lentien, his father, sighed in relief. “Good.” May kinuha ito sa vault at iniabot sa kanya. “You know what to do with that, right?”
Tinanggap ni Lucien ang kuwintas na ibinigay ng ama. “Thanks, Dad.”
Tumango ito. “You’re welcome. Sige, umalis ka na. Sisikat na ang araw.”
He nodded down and with the speed of lightning, Lucien went out from their mansion and entered his black Sedan. Pagkatapos, pinatakbo niya iyon papuntang Kallean Financial Firm.
NANG pumasok sa opisina si Virgo, nangingitim ang ibaba ng mga mata niya. Hindi siya nakatulog nang maayos dahil sa kakaisip sa lalaking pumatay sa kanyang mga magulang. Nagkaroon na naman siya ng anxiety attack kagabi. Mabuti na lang at nakainom agad siya ng gamot.
“You’re late,” sabi ng boss niya nang makaupo siya sa mesa.
Nag-angat siya ng tingin kay Lucien. Nanuyo ang lalamunan ni Virgo nang makita ang hitsura nito. He was wearing dark faded jeans and a white T-shirt. Napakasimple lang ng suot nito, pero napakaguwapo nitong tingnan. He had this brush-cut hair that really made him look like a freaking Abercrombie and Fitch model. Bagong gupit din ang lalaki.
“S-Sir Lucien…” sabi niya habang titig na titig sa lalaki.
He smiled at her. Nagpapasalamat si Virgo na nakaupo siya. Dahil kung hindi, baka nanginginig na ang mga tuhod niya sa uri ng ngiti na nakaguhit sa mga labi nito.
Alam niyang guwapo si Lucien. But he never exerted any effort to look good. Pero ngayong araw na ito, may kakaiba sa lalaki. Virgo can even smell his cologne mixed with his manly scent from where she was sitting.
Lumapit sa mesa niya si Lucien at ipinatong ang mga palad sa ibabaw ng kanyang mesa. Pagkatapos, unti-unti nitong inilapit ang mukha sa mukha niya. Nang ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha nila, hinuli ng lalaki ang mailap niyang mga mata.
“Ano’ng sinabi ko sa `yo kahapon?” tanong nito.
Virgo could smell Lucien’s breath. It was mixing with hers. Ang bango ng hininga nito. Nahihiya siyang aminin na huminga siya nang malalim para maamoy ang mabangong hininga ng lalaki.
“Virgo…”
Napakurap-kurap siya at tumitig sa abuhin nitong mga mata na parang hinihipnotismo siya. “Ha?”
Lucien chuckled. “I told you to call me Lucien and cut the sir, didn’t I?”
Tumango siya.
“Kung ganoon, bakit may sir pa rin nang tawagin mo ako kanina?” tanong nito.
“Ahm…” Walang lumabas na salita sa bibig ni Virgo. Sa halip, sinabi niya ang pangalan ng lalaki nang walang sir sa unahan. “L-Lucien…”
He smiled in satisfaction. Parang nasisiyahan talaga ang lalaki na tinawag niya ang pangalan nito nang walang sir. Habang magkatitigan sila, nakita niyang bumaba ang tingin ni Lucien sa leeg niya. She saw hunger and need written in his gray eyes.
Nagtatanong ang mga mata na nagsalita siya. “Okay ka lang?”
Kumurap-kurap ito at umiling-iling. “Okay lang ako.” Tumayo nang tuwid si Lucien at bumuga ng hangin. Para bang kanina pa nito pinipigilan ang paghinga. “Ikaw, okay ka lang?” tanong nito. “You have bags under your eyes. Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?”
Nang maalala ang nangyari kagabi, gumuhit ang takot sa mga mata ni Virgo. Nagbaba siya ng tingin. “I… Ahm…” Sasabihin ba niya?
Mababaliw na ako kapag wala akong pinagsabihan nito.
The least Lucien could do was to think she was going nuts. She couldn’t contact Lea. “I had a nightmare last night.”
“Nightmare?”
Dahan-dahan siyang tumango. “Oo. Nakatulog ako kagabi nang maghahating-gabi na. Pakiramdam ko kasi, may nakatingin sa akin. Alam kong wala naman at nasa isip ko lang `yon. Nang makatulog na ako, nanaginip akong hinahabol daw ako ng lalaking may kulay-pulang mga mata. He was a monster. He had fangs and he wanted to kill me like he did to my parents. Takot na takot ako at panay ang sigaw ko.”
Kinagat ni Virgo ang pang-ibabang labi nang maramdaman ang panginginig ng mga iyon. “Nang magising ako, nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang takot. I tried sleeping again. Pero tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko, ang mga pulang mata ng lalaking `yon ang pumapasok sa isip ko. I couldn’t sleep.”
Nang matapos magkuwento, hinintay niyang magsalita si Lucien. Pero hindi ito umimik. Nang mag-angat siya ng tingin, mataman itong nakatitig sa kanya.
“Sorry.” Nahihiya siyang ngumiti. “Did I sound crazy to you?” Mahina siyang tumawa. “Kahit nga ang pinsan ko, sabi niya nababaliw na raw ako.”
Nagtatakang sinundan niya ng tingin si Lucien nang umikot ito sa mesa niya at hawakan ang kamay niya. Pinisil iyon ng lalaki. Pagkatapos, may kinuha ito sa bulsa at inilagay sa nakabukas niyang palad.
“Ano `yan?” Virgo asked in confusion as she looked at her open palm.
Binitiwan ni Lucien ang palad niya. She saw a native-looking necklace. Parang may tribal design na nakaukit sa pabilog na maliit na pendant ng necklace. May dalawang munting kulay pula na balahibo na nakasabit sa pendant.
“Ano `to?” tanong ni Virgo habang nakakunot ang noo.
Maganda ang necklace na inilagay ng lalaki sa mga palad niya. Gusto niyang isuot iyon.
Pero bakit siya binibigyan ng necklace ni Lucien?
“Para sa `yo `yan,” sabi nito. “It’s a dream-catcher necklace. I used to have bad dreams, so I own one.”
Virgo looked at him in disbelief. “Naniniwala ka sa mga `yon?”
“Oo naman.”
“Akala ko, ang dream catcher ay `yong isinasabit sa bintana.”
“May necklace rin namang dream catcher.” Kinuha ni Lucien ang necklace sa palad niya at isinuot sa kanya. “There.” Tumingin ito sa mukha niya. “Pretty.”
Naramdaman ni Virgo ang pag-iinit ng mga pisngi. “Maganda naman talaga ang necklace.”
Lucien smiled and inhaled deeply. “Hmm… I can finally breathe freely.”
Napapantastikuhan siyang nagtanong. “Bakit? May pumipigil ba sa `yong huminga?”
“You have no idea.” Lucien chuckled lightly and then strengthened up. “Magtrabaho na tayo. Tapusin mo na ang paggawa sa SOA ng Ortiz account, `tapos ibigay mo sa akin.”
Naglakad ang lalaki pabalik sa opisina nito. Virgo looked at the pendant of the necklace Lucien gave her. Hinawakan niya ang pendant saka napangiti. Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso habang hawak ang pendant.
Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. She was physically attracted to Lucien. But as her heart beat erratically for him, parang hindi lang simpleng atraksiyon ang nararamdaman niya sa guwapong lalaki.







