SIBLINGS
NAGTATAKA si Virgo habang nakasakay sa elevator papunta sa opisina. Tinanong niya si Romeo na boyfriend ni Nancy kung dumating na ba si Lucien. Ang sagot nito ay oo. Kaninang madaling-araw pa raw. Napakaagang pumasok ng boss niya. Iyon ang dahilan kung bakit inagahan niyang pumasok ngayon.
Alas-sais pa lang ng umaga, nasa opisina na siya. Pero naunahan pa rin siya ni Lucien. She had been working for her weird boss for four days now. Lagi itong sa madaling-araw pumapasok at umuuwi kapag wala na ang haring-araw.
Mas weird pa sa weird ang boss ni Virgo. Pagpasok nito sa opisina, hindi na ito lumalabas. Doon na lang ito hanggang gabi. She would always ask Lucien if he wanted to eat or something. He would just chuckle like she said something funny. Nasanay na siya na ganoon ito kaya naman kahit nawi-weird-an na talaga, hinahayaan lang niya.
Nang makarating sa opisina, umupo si Virgo sa mesa. Natigilan siya nang makitang lumabas ng opisina nito si Lucien.
“Good morning, Sir,” gulat na bati niya.
“`Morning.” Tumingin ito sa glass wall na nasa likuran niya. Hindi pa tinatamaan ng sikat ng araw ang mesa niya. “Ang aga mo yata,” komento nito.
“Kailangan, eh. Ang aga n’yo po kasing pumasok.”
Umupo sa visitor’s chair si Lucien at pinagkrus ang mga paa. “I have a request, Virgo.”
Iyon ang unang pagkakataon na lumabas ito sa opisina nito at nakipag-usap sa kanya.
Kumunot ang noo ni Virgo. “Ano po `yon?”
“Puwede bang…” Tumingin ito sa mga mata niya na parang nangungusap. “Tanggalin mo ang po at ho kapag kausap mo ako?”
“Ahm…” Naguguluhan si Virgo. “Bakit ho?” Umaatake na naman ang pagka-weirdo ng boss niya.
“Because I said so,” sabi nito. “Kaya mo bang gawin?”
Tumaas ang kilay ni Virgo. “Paano kong ayoko?”
Biglang tumalim ang mga mata ni Lucien. “Mahirap ba ang ipinapagawa ko? Kung hindi mo gagawin ang gusto ko, I’ll fire you,” pananakot nito.
Natakot naman si Virgo. Hindi siya puwedeng mawalan ng trabaho. Kailangan niya ng pera para matustusan ang sarili.
“Okay. Gagawin ko.”
“Good answer, Virgo,” he said with a small smile on his sexy lips.
Her heart flipped when she heard Lucien say her name. Wala namang espesyal sa pangalan niya, pero nang banggitin iyon ng lalaki, napakaganda sa pandinig niya. Pero pinigilan ni Virgo ang sarili na mangarap. She was ugly and that saddened her. Manang siya kaya imposibleng magkagusto sa kanya si Lucien. Nang magsabog yata ang Panginoon ng sobrang kaguwapuhan, nasalo nito lahat.
“Bakit nalulungkot ka?” tanong nito na ikinagulat niya.
Natigilan si Virgo sa tanong ng boss niya. Nagsalubong ang kanyang mga kilay habang iniisip kung paano nito nalaman na nalulungkot siya. Halata ba sa mukha niya? Parang hindi naman, eh. Baka magaling lang talaga itong makiramdam.
“Ahm, hindi ako nalulungkot,” pagsisinungaling ni Virgo. Nagbaba siya ng tingin sa mga papeles na nasa mesa niya.
Umawang ang kanyang mga labi. Para siyang ipinako sa kinauupuan nang hawakan ni Lucien ang baba niya at iniangat ang kanyang mukha para magtama ang mga mata nila.
“Sir Lucien—”
“Cut it.” Matiim ang mga abuhin nitong mga mata na nakatitig sa mga mata niya na nagtatago sa likod ng makapal na eyeglasses. “Tanggalin mo ang sir at hindi kita tatanggalin sa trabaho.”
“P-pero—”
“Say it,” sabi ni Lucien nang pabulong. “Say my name without a sir.”
Napalunok si Virgo habang nakatitig dito. “L-Lucien…”
His face broke into smile. “Better. Now, tell me, bakit ka malungkot?”
“Hindi ako malungkot—”
“And now you’re lying.”
“Hindi naman—”
“Liar.”
“No—”
Halos lumuwa ang mga mata ni Virgo at umawang ang mga labi nang bigla nitong halikan ang mga labi niya. Para siyang napaso. Itinulak niya ang lalaki palayo sa kanya.
“Ano’ng ginagawa mo?” she shouted at Lucien. Wala siyang pakialam kung boss niya ito.
Lucien touched his sexy lips. “I kissed you. Gusto mong ulitin ko para malaman mo kung ano ang ginawa ko?”
Namumula ang mga pisngi at umawang uli ang mga labi ni Virgo sa sobrang gulat sa narinig.
“Bakit mo ako hinalikan?” tanong niya. She wanted to slap him, but she was holding herself. “Hindi ka ba nandidiri na halikan ako?”
“Bakit naman?” Madilim ang mukha ni Lucien. “Sa tingin mo, mandidiri ako kasi mukha kang manang? You should really stop wearing those freaking eyeglasses. Kahit pa sampung eyeglasses ang isuot mo, hindi niyan maitatago ang tunay na hitsura mo.”
Bumilis ang tibok ng puso ni Virgo sa narinig. Hindi pa ba sapat ang pang-manang niyang pananamit para itago ang tunay na siya? Si Lucien ang unang tao na nagsabi na hindi sapat ang pananamit niya para itago ang mukha niya.
Hinawakan ng lalaki ang baba niya at hinawakan ang gilid ng kanyang eyeglasses. Inatake ng kaba ang puso ni Virgo nang marandamang unti-unti nitong tinatanggal ang glasses niya.
“Huwag,” pigil niya.
Nakita siguro ni Lucien ang pangamba at takot sa mga mata niya kaya binitiwan nito ang eyeglasses niya. “As you wish,” sabi nito saka tumayo nang tuwid.
Nakahinga siya nang maluwang dahil hindi natuloy ang pagtanggal sa eyeglasses niya. Parehas silang napatingin ng lalaki sa elevator nang tumunog at bumukas iyon. Three men and a woman stepped out from the elevator. Kilala niya ang isang lalaki. It was Lucan, Lucien’s brother. Pero iyong iba, wala siyang ideya kung sino ang mga ito.
“Kuya!” sigaw ng babae at yumakap kay Lucien.
Virgo sat there awkwardly. Nakakailang tumingin sa kalalakihan dahil napaka-intimidating ng hitsura ng mga ito. Tulad ni Lucien, sinalo rin ng mga ito ang lahat nang magpasabog ng kaguwapuhan ang Panginoon.
Napaigtad si Virgo nang maramdamang may humawak sa balikat niya. She looked up and saw the woman who hugged Lucien.
“Hi,” nakangiting sabi nito. “I’m Lashka.” Inilahad nito ang kamay. “Ikinagagalak kitang makilala.”
Mabilis niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito. “Hi. I’m Virgo Guano.”
Lashka giggled. “Alam ko.”
Her eyebrow rose. “Alam mo?”
“Yeah.” Lashka giggled and looked knowingly at Lucien. “Kung ikaw ba naman ang laging bukambibig ni Kuya Lucien, talagang maaalala kita.”
Nagtatakang tiningnan niya ang boss. Nagtatanong na tumingin siya sa mga mata nito.
Lucien looked away. “Huwag kang magpapaniwala sa babaeng `yan.”
Lashka laughed. “Hindi ako nagsisinungaling. Swear. I’m telling the truth.” Itinuro nito ang lalaki na katabi ni Lucan. “Kuya Lucca can testify to what I have just said.”
Ang itinurong lalaki na nagngangalang Lucca ay tumingin sa gawi niya at tumango. “Nice to meet you, Virgo.” Then, he smiled, showing his cute dimples and white teeth. “And yes, I testify.”
Lucien groaned. “Guys! In the office. Please?” mariing sabi ng lalaki saka naglakad papunta sa opisina nito.
Natigilan si Virgo nang may lalaking humawak sa kamay niya at hinalikan ang likod ng kanyang palad. “I’m Limar, the handsome. At your service, sweet Virgo.”
Virgo heard a woozing sound and gasped when she saw Lucien manhandling Limar.
“Don’t touch her!” Lucien growled and pushed Limar unto the floor.
Nakatalikod si Lucien kaya hindi niya makita ang mukha nito. Nakaawang lang ang mga labi ni Virgo habang nakatingin sa magkapatid na Limar at Lucien na ngayon ay hawak na ang kuwelyo ng isa’t isa. They were both growling as they manhandled each other.
“Oh, God!” sabi niya sa mahinang boses.
Hindi maintindihan ni Virgo kung bakit ganoon ang inaasal ni Lucien. Wala namang ginawang masama sa kanya si Limar. Ang kamay lang naman niya ang hinawakan nito. Kung makapag-react naman si Lucien parang ewan. Ano ba ang problema ng boss niya?
Virgo could hear Lucien and Limar growling. That sound was familiar. Those sounds made her remember that horrible night. Nanlalamig ang kamay na hinawakan niya ang magkabilang tainga saka mariing pumikit. Napuno ng takot ang buong pagkatao niya. Nanginginig ang kanyang katawan dahil sa tunog na iyon.
Lucan sighed when he saw Virgo’s frightened face. Naglakad ito palapit sa magkapatid at puwersahang pinaghiwalay sina Lucien at Limar.
“Enough, you two,” mariin ang boses na sabi ni Lucan. “In the office. Huwag kayong magkalat dito. Kung mag-aaway kayo, sa loob ng opisina. Huwag sa harap ni Virgo.”
Virgo saw Lucien still and stiffly walk towards his office. Ganoon din ang ginawa ng mga kapatid nito.
Naiwan siyang halo-halo ang emosyon na nararamdaman. Hindi niya maintindihan ang inaasal ni Lucien at ng mga kapatid nito.
Takot na napaigtad si Virgo nang makarinig ng malakas na lagabog sa loob ng opisina ni Lucien. The sound was followed by another and another and another. She was worried.
Ano ba ang nangyayari sa loob? tanong niya sa sarili habang nakikinig sa mga lagabog at nababasag na gamit sa loob.
Then , a loud growl filled the air. Fear sipped through her. Oh, God! Nag-uumpisa nang manginig ang mga tuhod niya dahil sa naririnig na tunog. She was afraid of violence. Naalala kasi niya ang nangyari sa kanya.
No! Calm yourself, Virgo.
Humugot siya ng malalim na hininga saka bumuga ng hangin. Iyon ang ginagawa niya para pakalmahin ang nininerbiyos niyang puso. Ilang saglit pa ang lumipas, lumabas na ang mga kapatid ni Lucien. Hawak ni Lucan si Limar sa braso at puwersahang hinihila papuntang elevator.
Nakangiting lumapit sa kanya si Lashka. Hinawakan siya nito sa kamay pagkatapos ay deretsong tumingin sa mga mata niya.
“You’re fine. Walang nakakatakot. Sa isip mo lang `yon. Why don’t you get in to my brother’s office and hug him for a couple of minutes? That would be great, right?”
Wala sa sariling tumango si Virgo. Nagpunta siya sa opisina ni Lucien na nakaawang na ang pinto.
LUMALIM ang kunot sa noo ni Lucien at malutong na nagmura nang makita si Virgo na pumasok sa loob ng kanyang opisina. Mabilis niyang pinakalma ang sarili. Alam niyang kulay-pula ngayon ang kanyang mga mata.
“Virgo, get out—” Hindi niya natapos ang sasabihin nang makitang walang buhay ang mga mata ng babae. “Shit!” Nilapitan niya ito at hinawakan sa magkabilang balikat. “Fuck! What the hell did Lashka do to you?”
Pinipigilan ni Lucien ang kamay nito na pilit na ipinupulupot sa leeg niya. Kahit anong yugyog niya kay Virgo, hindi ito nagising at nakawala sa ginawang hipnotismo ni Lashka.
Lucien cursed his little sister. If he can control and influence someone’s emotion, Lashka can influence someone to do something. Hindi talaga maibabalik ang buhay sa mga mata ni Virgo hangga’t hindi nito nagagawa ang ipinapagawa ni Lashka. Kaya naman hinayaan na lang niya ang babae na gawin ang iniutos ni Lashka.
Virgo embraced him. Mariin siyang napapikit nang nanuot sa ilong ang mabangong dugo ni Virgo. He gulped when he felt his fangs coming out. Lucien felt like Virgo was really molded to be his. But he couldn’t claim her. Not now. And he only had three freaking months.
Napatitig si Lucien sa maputing leeg ni Virgo. Ilang dangkal lang ang layo ng pangil niya sa leeg nito. He wanted to lean in and take a small bite but he reined himself.
Ilang minuto ang lumipas bago bumitaw sa pagkakayakap si Virgo. Naguguluhan itong nag-angat ng tingin. Bumalik na ang buhay sa mga mata nito.
When Virgo saw him, para itong napaso na lumayo sa kanya at gulat na gulat na inilibot ang tingin sa kabuunan ng opisina niya na sira-sira dahil sa pagsusuntukan nila ni Limar kanina. Mabuti na nga lang at hindi nabasag ang glass wall kundi baka nasunog sila.
“A-ano’ng nangyari?” tanong ni Virgo. Halata sa kislap ng mga mata na naguguluhan ito.
Lucien sighed. “Call a repairman and an interior designer.”
“Ano’ng—”
“Go.”
Malakas ang tahip ng dibdib ni Virgo. Naririnig iyon ni Lucien. Nang lumabas ito ng opisina, nararamdaman niyang nababalot ng kaguluhan at pagtataka ang babae. Sino nga ba ang hindi magtataka?
Nang makarating ang repair man, binigyan niya ang lalaki ng instruction kung ano ang gagawin sa nasirang opisina. And then , he went out from his office and saw Virgo looking lost while sitting in her swivel chair. Nilapitan ni Lucien ang babae at tinapik ang balikat nito.
Napakurap-kurap ito at tumingin sa kanya. “Ha?”
Lucien sighed. “Okay ka lang?” He was ashamed to admit that he used his ability to influence Virgo’s emotion, so she would talk to him.
“I was afraid when I heard that growl coming from your office earlier.” Nanginginig ang mga labi nito. “That growl sounds familiar. Natatakot ako. Naalala ko ulit ang nangyari noong namatay sina Mommy at Daddy. That growl.” Virgo was now trembling. “I’m scared, Lucien. Baka bumalik `yong l-lalaking `y-yon. `Tapos s-saktan niya ang natitirang k-kong p-pamilya.” Nanubig ang mga mata ni Virgo.
Lucien sighed and forced himself not to care. Hindi niya puwedeng yakapin ang babae. Mas mato-torture lang siya kapag napalapit siya kay Virgo dahil sa mabangong aroma ng dugo nito. Baka hindi siya makapagpigil.
“I’m sorry.”
Virgo looked up at him. “Bakit ka nagso-sorry?”
It’s my fault that your parent’s died. Kasalanan ko ang lahat.
“Dahil kasalanan ko `yon,” pag-amin niya. He can still remember what happened that night three years ago.
Naguguluhang tumitig si Virgo. “What?”
“Nothing.” Nag-iwas siya ng tingin.
Hindi pa iyon ang tamang oras para malaman iyon ni Virgo. He needed to earn her trust first. Kapag lumipas ang tatlong buwan na hindi niya magawa ang kasunduan nila ng kanyang ama, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa ipinag-uutos nito.







