Chapter 1
ANTOK na antok kong iminulat ang mga mata ko nang marinig kong nagri-ring ang cell phone ko.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kanina sa sobrang antok na hindi man lang nakakahiga nang maayos. Nakatulog na naman ako sa kama nang nakaupo. Grabe. Nagiging talent ko na yata iyon. Masyado kasi akong napuyat sa mga magazine na pinagbabasa ko kagabi hanggang madaling araw.
Tunog lang nang tunog ang cell phone ko kaya humihikab akong hinanap iyon. Hindi ko alam kung saan napunta. Masyado rin talaga akong burara, eh. Inayos ko ang sobrang daming magazine na nakapatong sa kama at finally, nakita ko rin ang cell phone ko. Natakpan lang pala.
Tiningnan ko kung sino ang caller bago ko sinagot ang tawag.
βHello, `Ma?β humihikab kong sagot.
Antok na antok pa rin talaga ako. Four hours lang ang tulog ko. Sana hindi ako antukin mamaya sa trabaho.
βBakit ngayon mo lang sinagot? Kanina pa ako tumatawag sa `yo,β sagot ni Mama na nasa kabilang linya.
βNatutulog kaya ako,β sabi ko at humiga sa kama. βHindi kaya parehas ang oras ng `Pinas diyan sa Canada. Twelve hours ang pagitan, `Ma. Kaya malamang mahimbing pa akong natutulog.β
βLate ka na naman bang natulog?β
Napatango ako na as if nakikita niya ako. Bigla akong natawa sa sarili kong ka- shunga- an.
βOpo. Ang dami kong binabasa, eh,β I said. βAng dami kong designs na tiningnan at binasa sa ilang magazines buong magdamag. Lately kasi ang aarte ng mga clients ko kaya kailangan malawak ang imaginations ko.β
βPuro ka na lang trabaho, `nak,β she sighed βWala ka nang oras para sa amin ng papa mo.β
Oh, my God. Here we go again. Brace yourself, Charry. Magda-drama na naman ang nanay mo.
β`Ma, Iβm working, okay?β Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. βSorry po kung bihira ko masagot ang tawag nβyo lately. Masyado lang talagang busy sa trabaho lately. Puro revision pa ang mga designs ko.β
βKung napapagod ka na diyan sa trabaho mo, why donβt you just quit then?β she answered, so concerned. βCome on, Cha. Dito ka na lang din manirahan sa Canada. Para magkakasama na tayo nina Papa mo.β
I sighed this time. Palagi talagang pinipilit ni Mama na pumunta na lang uli ako ng Canada.
β`Ma, kahit nakakapagod `tong trabaho ko, mahal ko `to,β sagot ko. βBesides, kahit maganda diyan sa Canada, mas gusto ko pa rin dito sa `Pinas. Thereβs no place like home. And Iβm trying to be independent, too.β
βAng tagal-tagal na simula nang huli ka naming nakita ng papa mo. `Tapos palagi ka pang busy sa trabaho mo kaya hindi ka namin madalas makausap. Miss ka na namin, `nak. Huhu.β She faked her tears again.
I rolled my eyes. Minsan talaga may pagka-OA si Mama, eh.
βWe just saw each other last Christmas. Five months pa lang ang nakalilipas, o? Pumupunta naman ako diyan for vacations, `di ba? `Tapos, we do video calls sometimes. Naging busy lang talaga ako lately kaya hindi tayo nakakapag-Skype. Pero, promise, `Ma. As soon na maging maluwag ang schedule ko, bibisita uli ako diyan.β
βHay. Puro ka na lang trabaho, Cha. Youβre already twenty-six, paano ka makakahanap ng asawa nβyan?β
I cringed. βHindi pa naman ako naghahanap ng asawa, `Ma. Iβm too young for that. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Saka, puwedeng boyfriend muna ang hanapin ko bago ang asawa?β
βHindi ka nga rin makahanap ng boyfriend, eh.β
βWow, `Ma. Ang hard, ha. Hindi rin naman ako naghahanap, `no! Busy ako!β
Ughh. Napunta na naman sa usapang love life.
βBumalik ka na lang kasi rito, Cha. `Yong anak ng kaibigan ng papa mo kinukumusta ka. Bakaββ
βWho?β kunot-noo kong tanong. βSi Reggie? My God, `Ma. Hindi naman sa panlalait peroβ¦ ugh, paano ko ba sasabihin `to. Wala kaming sparks. I donβt see him that way.β
βBakit naman?β
I rolled my eyes again. βReally, `Ma? As if hindi mo alam! Remember noβng lumabas kami before? Puro tungkol sa mga crocodile ang topic namin. Pati body parts ng crocodile sinasabi niya. Ganoβn na lang palagi. Wala yata siyang ibang alam na topic o sadyang die hard fan siya ng mga buwaya! `Tapos binigyan pa niya ako ng crocodile na keychain before, `di ba? Ano ba, `Ma!!β
Tawa lang nang tawa si Mama over the phone. Bentang-benta talaga sa kanya si Reggie and his crocodile.
βAlam mo, `nak, ang choosy mo!β she teased me.
βHindi ako choosy. Sadyang hindi ko lang siya trip!β I retorted.
βHindi ka talaga makakahanap ng love life kung ganyan ka. Tumatanda ka na. O, baka naman hinihintay mo pa rin siββ
I cut her sentence. βOf course not! Hindi ko siya hinihintay, `no! At lalong ayoko na siyang makita forever!β Tumaas na naman ang alta presyon ko ke-aga-aga. β`Ma, please, naka-move on na ako. Move on ka na rin, please. Donβt bring up the past. Matagal ko nang ibinaon sa limot `yon. Okay na ako!β
βHaha. Okay. Huwag masyadong high blood, `nak. Ang wrinkles!β She laughed out loud. βO sβya. Basta kapag free ka na at maluwag na ang schedule mo dumalaw ka rito sa Canada, ha?β
βOpo, `Ma. Promise. Gagawa ako ng paraan next time.β
Pagkatapos, nagbilin pa si Mama ng kung ano-ano. Huwag daw akong magpapalipas ng gutom. Ang mga bills ko raw huwag kong kalimutang bayaran para hindi raw ako maputulan katulad last time. Mag-stock daw ako ng mga vitamins dahil palagi raw akong puyat. Puro βopoβ na lang ang sagot ko sa kanya.
Nang matapos ang tawag ni Mama, napahugot ako ng malalim na buntong-hininga. I tossed my cell phone beside me at napatulala sa kawalan. Parang biglang sumakit ang ulo ko sa sinabi ni Mama.
Tumatanda ka na, oh. O, baka naman hinihintay mo pa rin siβ¦
Mabuti na lang hindi natuloy ni Mama ang sinasabi niya. Mabuti rin hindi niya naituloy sabihin ang pangalan ng hinayupak na iyon. Baka umaga pa lang, sira na agad ang araw ko.
Itong si Mama, hindi pa rin maka-move on doon, eh. Jusko . It had been what? Five years already. Naka-move on na nga ako. Nabuo ko na uli ang sarili ko. Okay na uli ang puso at utak ko. Pagkatapos sasabihin niyang hinihintay ko ang. . . ang bwisit na iyon? Naku! Wala akong pakialam doon. Okay na ako kahit hindi ko siya makita.
I was fine and I didnβt need a jerk like him in my life again.
No, thank you!
Jusme. Ang sakit sa bangs nitong si Mama.
Pero wala nga pala akong bangs. Eh, `di, ang sakit sa balakang ni Mama.
Tatayo na sana ako sa kama nang muli kong marinig na tumunog ang cell phone ko. Akala ko may tumatawag na naman pero text message lang pala. Galing ang text sa anak ng boss ko.
Super thank you lang siya sa akin dahil ang dami raw nagandahan sa coffee shop niya. Ako kasi ang nag-design ng place. O, `di ba? Engineer na, fine arts designer pa. Nagbukas na iyon three days ago at super lakas daw ng sales agad kahit kabubukas lang. Tuwang-tuwa raw ang mga customers sa interior designs ko.
Nag-reply ako sa kanya na itβs okay and sheβs welcome. Ilang beses na rin niya akong napasalamatan mula nang grand opening ng coffee shop niya. Pinakilala pa niya ako sa ilang friends niya na balak din sa akin magpagawa ng designs sa mga future business nila. Nagkaroon din tuloy ako ng mga future clients.
βMy Golly! Anong oras na!β napasigaw ako nang makita ko ang oras.
It was already eight-thirty in the morning at nine ang pasok ko. Ang bilis lumipas ng oras, Jusko lang po. Parang kanina lang seven pa lang, ha. Ugh. Kung saan-saan kasi napapadpad ang isip ko, iyan tuloy.
Binilisan ko na ang pag-aayos at agad lumabas ng condo. Hindi ko na nagawang mag-almusal.
Naabutan ko pang bukas ang pintuan ng unit sa tapat ng unit ko. Mukhang may lilipat. Ilang buwan na ring bakante kaya mabuti naman magkakaroon na ako ng kapitbahay.
βUgh! Late na late na talaga ako!!β
Napatakbo ako papunta sa elevator. Mayamaya pa, nasa kotse na ako at bumibiyahe papunta sa office. Mabuti na lang din may himala na nangyari. Hindi pa masyadong traffic sa EDSA. Thank you, God!
Dumating na agad ako sa Mendez Engineering and Architecture Services. Ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko ngayon. Maliit pa lang ito dahil kakasimula pa lang pero maayos naman ang trabaho at marami-rami rin kaming clients na natatanggap. Besides, may new branch na rin kami sa Cebu.
We were doing engineering and architecture services. Kapag may gustong magpa-renovate ng mga business place nila, puwede sa amin ipagawa. May gagawa ng plano which is kaming mga architecture pagkatapos ang mga engineer naman sa amin ang magtatayo nito. Dual-purpose ang office namin.
Masaya naman dito sa trabaho ko kahit na hindi ganoon kalaki ang nakukuhang sahod unlike kapag solo ako. Friendly naman ang mga workmates ko at masaya ako sa ginagawa ko. Iyon naman ang importante, eh. Iyong masaya ka at hindi stress. Aanuhin mo ang malaking sahod kung halos magbigti ka na sa trabaho mo?
Dumating agad ako sa work station ko at inilapag ang mga blue prints at bag na dala ko, saka pumunta agad sa kitchen ng office para magtimpla ng coffee. Naabutan ko si Mauβsuper friend ko rito sa work na mahilig sa gulayβna nagtitimpla rin ng coffee. Sabay pa kaming humikab dalawa kaya sabay kaming napatawa.
βPuyat ka rin, `te?β tanong niya habang hinahalo ang kape niya.
βOo, `te. Ang dami kong binasang magazine kagabi. You know? For future reference. Ang aarte ng clients ko lately, eh. Nakakailang revise na ako sa pinapagawa nilang plano,β sabi ko, saka lumagok sa sarili kong coffee.
βAy?β sagot ni Mau na halatang disappointed βAkala ko parehas tayo nang dahilan kaya parehas tayong puyat.β
βBakit? Ano ba ang ginawa mo kung bakit puyat ka?β curious kong tanong.
βNanood ng porn,β patay-malisya niyang sagot.
βWhat the β !β Halos mabitiwan ko ang baso ko dahil sa sinabi ni Mau. βAre you for real, Mau?β
She nodded. Iyong tango na akala mo walang maling sinabi. O walang dirty na binanggit.
βOo, `te,β sabi niya. βGrabe pala ang mga Latino, `no? Ang lalaki ng mga talong! Unlike sa mga Japanese na okra lang. `Yong mga Latino, `te, kakaiba, eh. Parang mas gugustuhin mong tumikim ng talong nila.β
Talong at okra. Ginawa na naman niyang sexual term ang mga gulay. Jusko . See that? Kaya ang babaeng mahilig sa gulay at vegetarian ang tawag ko kay Mau.
Nanlaki ang mga mata ko at gulat siyang tiningnan na may halong pandidiri.
β`Te, tigil-tigilan mo na nga ang paggamit ng mga gulay kapag puro sexual content ang sinasabi mo!β sabi ko. βMinsan tuloy hindi na ako makakain ng gulay, eh! Naiisip ko kasi ang mga pinagsasabi mo!β
Tumawa lang si Mau. βWitty naman, `di ba? Bakit? Mas gusto mo bang sabihin ko na pukββ
βStop! Stop!β pagpigil ko sa kanya. βUmaga pa lang ang halay mo!β
Tumawa na naman si Mau bago siya sumagot.
βAysus. Ang arte naman nitong friend ko. Kaya nananatiling fresh `yang pechay baguio mo, eh!β
βUgh! Pechay baguio naman ngayon? Parang kahapon lang cauliflower ang tawag mo sa tutot ng mga babae!β nandidiri kong sagot. βMas okay na forever fresh ang pechay baguio ko kaysa malamog. Nakakainis ka, Mau! Pati tuloy ako nahahawa na sa kaka-pechay baguio mo!β
Tawa lang nang tawa sa akin si Mau. Gustong-gusto niya talaga akong nandidiri sa mga sinasabi niya.
Napatigil lang ang pag-uusap naming dalawa nang biglang pumasok si Andreaβcoworker namin at pamangkin ng boss naminβang kakambal ni Satanas. Ang bitch ng kompanya.
Nasabi kong maganda ang trabaho rito dahil masaya rito. Oo, masaya. Nagiging masaya kaming lahat dito kapag wala itong si Andrea. Asar kasi kaming lahat sa kanya dahil feeling niya, boss din namin siya. Hello? Empleyado rin naman siya rito like us. Por que pamangkin siya ng may-ari, akala mo kung sino na siya.
Nagsimula kaming mainis sa kanya nang landiin niya dati ang isa naming katrabaho na may girlfriend at ikakasal na. Maganda at sexy si Andrea kaya pumatol ang ugok sa kanya. Ang ending, naghiwalay ang katrabaho namin pati ang girlfriend niya. Pero nang masolo ni Andrea si Guy, iniwan rin niya ito.
Ang reason niya? Wala na raw kasing thrill kaya iniwan na rin niya si Guy. She loved challenge raw. `Nyeta siya. Gusto pala ni Andrea ng challenge, eh, bakit hindi siya mang-snatch ng cell phone sa Recto pagkatapos makipaghabulan siya sa mga police, `di ba? Challenge pala ang gusto niya, eh.
βMau, timplahan mo nga ako ng coffee para matuwa naman ako sa `yo ngayong umaga,β utos ni Andrea kay Mau habang nakatingin sa new nails polish.
Napataas ng kilay si Mau. βHoy, ate kong twin sister ni Lucifer. Baka nakakalimutan mong architect ako rito at hindi mo alila? Nasinghot mo na naman `yang cutics kaya nakalimutan mo na naman kung ano ang trabaho ko,β buwelta ni Mau. βSaka, okay lang kahit hindi ka matuwa sa akin ngayong araw. Kasi ako, never na natuwa sa `yo kaya tigil-tigilan mo ako kung ayaw mong ibuhos ko sa `yo `tong kape na iniinom ko.β
Higit sa aming lahat, si Mau lang talaga ang sumasagot-sagot dito kay Andrea. Hindi kasi siya takot kay Andrea kahit na pamangkin ito ng may-ari. Confident si Mau na hindi siya matatanggal kahit banggain niya ang twin sister ni Lucifer. Si Mau kasi ang palaging top choice ng mga clients namin.
βYou know what, Mau? Youβre a bitch! Hindi por que ikaw ang top architect dito gaganyanin mo na ako! Pamangkin pa rin ako ng may-ari na pinagtatrabahuhan mo kaya irespeto mo `ko!β
Nanggagalaiti na si Andrea. Lumalaki na ang mga singkit nitong mga mata. Pati ang mga butas ng ilong niya. Parang any moment lalabas na ang sungay at buntot nito sa sobrang galit.
βWala akong nakikita sa `yo na karespe-respeto.β Tiningnan ni Mau si Andrea mula ulo hanggang paa. βSa ikli ng suot mo? Mas okay kung sa bar ka nagwo-work at hindi rito!β
Napaimpit ako nang tawa kaya mataray akong tiningnan ni Andrea. Then she looked at Mau again.
βMakikita mo! Makikita mo, Maurin! Mapapatanggal din kita rito!β
Mau smirked. βGo ahead, dear. Ilang buwan mo nang sinasabi `yan. Pero mas una ko pang nakikita ang kuyukot mo kaysa ang pagkatanggal ko.β Tumawa si Mau at tumingin sa akin. βTara na nga, Charry. Ang init sa kitchen na `to. `Andito kasi ang twin sister ni Lucifer, eh. Ha-ha.β
βPinaparinggan mo ba ako?β Buwisit na buwisit na si Andrea.
βBakit tinamaan ka ba?β sagot na naman ni Mau. βIf the shoe fits, feel free to wear it. Kaso sa landi mong `yan, for sure hindi mo susuotin `yong sapatos. Baka ikaskas mo lang sa burekat mong pechay baguio. β
Iniwan namin si Andrea na nanggagalaiti sa sobrang inis kay Mau. Nag-apir pa kaming dalawa nang makalabas kami ng kitchen. Bentang-benta talaga itong si Mau sa akin kapag nakikipag-bitch-an siya kay Andrea. Hindi talaga kasi siya nagpapatalo. Talagang nakikipagsagutan siya.
Tawa nang tawa ang iba naming workmate dahil rinig na rinig pala nila ang pagsasagutan ni Andrea at Maurin. Si Mau lang kasi talaga ang nakakasagot kay Andrea kaya tuwang-tuwa sila.
Bumalik na ako sa sarili kong workplace para magsimulang magtrabaho. Mayamaya pa, pumasok ang boss namin. Pumalakpak siya para matawag ang atensiyon naming lahat.
βAll right. Everyone listen. I have an important announcement,β sabi ni Sir Carlos na head and boss namin.
Tumayo kaming lahat at tiningnan si Sir Carlos. Hinihintay kung ano ang sasabihin niya. Napatingin ako kay Mau kung anong mayroon. Baka kasi alam niya dahil tsismosa siya. She merely shrugged. Hindi rin niya alam. Itinuon ko na lang ang pansin ko kay Sir Carlos.
βDue to Sephβs transfer a few months ago sa new branch natin sa Cebu,β simula ni Sir Carlos.
Nang marinig ko ang pangalang Seph, napangisi sa akin si Mau. Inirapan ko na lang siya. Alam ko kasing pang-iinis lang ang ngising iyon. I know her. Kapag usapang Seph, palagi niya akong inaasar.
βNangailangan tayo ng papalit sa kanya,β pagpapatuloy ni Sir Carlos. βAnd Iβm happy to announce our newest workmate. He was the topnatcher in his batchβs board exam.β
βWow,β bulong ko. Akalain mo iyon? May topnatcher uli sa kompanya like Mau. For sure, matalino iyon. Sana lang hindi siya katulad ni Mau. Because one Mau was already enough in this company. Ayoko na ng kahalayan, for someoneβs sake.
βPlease, do welcome our newest member. Mr. Brixx Harris.β Tumingin si Sir Carlos sa pintuan. βCome in, Mr. Harris. Please, introduce yourself, too.β
Brixx Harris.
Biglang kumabog ang puso ko nang malakas nang marinig ko ang pangalang iyon. Jesus. Hindi ko ba na misheard ang pangalan na sinabi ni Sir Carlos? Baka naman Mixx o Jixx o Rixx. Hindi naman Brixx, `di ba?
Oh, God. Please. Sana nagkamali lang ako ng dinig. Sana hindi Brixx. Sana. Sanaβ¦
Todo pigil ang paghinga ko habang nakatingin sa pintuan kung saan papasok ang bagong workmate namin. Pumasok ang isang matangkad na lalaki. Ang tantiya ko nasa six feet ang height niya. Nakasuot siya ng dark blue long sleeve na nakatupi sa braso niya. He was fit. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan niya sa suot niya. He was also wearing black pants and black shoes.
Mas mukha siyang artista sa suot niya kaysa engineer in all fairness. Nang mapatingin ako sa mukha niya, pakiramdam ko, tumigil na ang puso ko sa pagtibok. Bahagya pa akong napanganga.
No. Hindi maaari. Hindi ako puwedeng magkamali.
Una sa pangalan. Pangalawa sa mukha niya. Alam kong siya ito. Siyang-siya ito.
Naging mas matured lang ang mukha niya at lalo siyang naging makisig for the past years. Ang katawan niya medyo lumaki at gumanda rin. Ang matured na niya ngayon unlike before. Kaya alam kong siya ito.
What the hell! Bakit ka pa muling nagpakita? Bakit pa muling nagkrus ang landas natin?
βHi, everyone,β paninimula niya. Lumaki rin ang boses niya. Naging manly na.
He smiled. Iyong klase ng pagngiti niyang nagiging dahilan ng pagkatunaw ko noong college. Lumabas tuloy ang dimples niya sa magkabilang pisngi. Those dimples that I used to admire back then. Shocks. Why? Why did you suddenly show up?
Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Kay Brixx. Inilibot niya ang buong paningin niya sa amin. He was like searching for someone. Then his eyes landed on me. Mas lumaki ang ngiti niya nang magkatinginan kaming dalawa.
βIβm Brixx Harris,β he said to usβor to me in particular. βNice meeting you.ββ©Hindi na inalis ni Brixx ang pagkakatingin niya sa akin. Para bang may gustong sabihin ang mga mata niya. Nawala lang ang pagkakatingin ko sa kanya nang mabangga ako ni Andrea dahil nagmamadali siyang pumunta sa harap para makalapit kay Brixx.
βHi, Brixx,β pa-cute na sabi ni Andrea habang nilalaro ang dulo ng buhok niya gamit ang daliri niya. βIβm Andrea Mendez. Pamangkin ako ng may-ari.β
βNice meeting you, Andrea,β nakangiting sagot ni Brixx na hindi nakatingin kay Andrea dahil sa akin pa rin siya nakatingin. For goodness sake! He was staring intensely at me!
May kung anong emosyon ang nabuo bigla sa loob ko. Hindi love and affection dahil matagal ko nang nakalimutan ang mga iyon. Parang gusto kong buhatin ang table ko at ibato kay Brixx.
Pakshet ka! Bakit ka pa nagpakitang hinayupak ka!







