Stupidly In Love Again - Chapter #3 - by Precious Pages

passion

My Passion

Action

Chicklit

Fantasy

New Adult

Paranormal Urban

Romance

Steamy

Suspense Thriller

Young Adult/Teen

Library
searchsearch

Stupidly In Love Again

/

Chapter 3

Chapter 2

Feb 9, 2022

Chapter 2

KUNG may gusto man akong kalimutan na pangyayari sa buhay ko, hindi ako magdadalawang-isip para sabihin na iyong college days ko rito sa Pilipinas ang gusto kong makalimutan. I’m willing to trade everything I have right now just to forget those painful and foolish days of mine back then.

Gusto kong kalimutan iyon to the point na sinusumpa ko ang sarili ko sa tuwing maalala ko. I was too stupid then. Ako na yata ang pinakatangang tao noon. Ano nga bang katangahan ang pumasok sa isip ko noon para isiping magiging seryoso ang ulupong na iyon sa kagaya ko?

I was plain and boring before. So, how the hell did I even think that a guy like him would take me seriously? Isang heartthrob magiging seryoso sa isang manang? Oh, come on. I should have known better. It screamed disaster all over, pero ano? I didn’t listen to my mind. Mas pinili ko ang puso ko.

Sana naging mas matalino ako. I should have seen it coming. Pero hindi, eh. I didn’t expect it. Or naging in-denial ako sa katotohanang never in real life na may isang guwapong lalaki na mai-in love sa isang boring na babae. Masyado kasi akong nalunod sa mga novels na nai-in love ang isang heartthrob sa isang plain girl. Kaya akala ko, puwede rin talaga iyon mangyari sa reality. Na baka totoo ang feelings ni Brixx sa akin noon.

Why? Because I was stupidly and blindly in love with Brixx. And that was the biggest mistake I had done in my life. Pagkakamali ko na maniwala ako sa kanya dati kahit na obvious namang ginagamit lang niya ako.

He was indeed a user but I let him use me anyway. It was so hard, really. Mahal na mahal ko kasi si Brixx noon kaya nahihirapan akong tanggapin sa sarili ko na kasinungalingan lang pala ang lahat ng ipinapakita niya. Willing pa nga ako na patawarin siya noon.

Willing sana akong kalimutan ang mga narinig ko at sinabi ni Brixx basta ipapangako lang niyang hindi niya ako iiwan. O, ipagpapatuloy namin ang relasyon namin. Ang tanga ko lang, `di ba? Nagmamahal kasi ako kaya ganoon. Naging tanga sa pagmamahal. Handang maging bulag at bingi.

But Brixx never asked for forgiveness. Hanggang sa mag-withdraw ako sa school at lumipad patungong Canada para doon ipagpatuloy ang pag-aaral. He never asked for anything. Hindi ko rin siya nakita. Kaya tinanggap ko na lang na wala akong halaga kay Brixx. Na wala lang sa kanya na mawala ako.

Ngayon kung kailan okay na ako. Kung kailan nakalimutan ko na ang masalimuot kong nakaraan. Ang bangungot na iyon. Kung kailan ilang taon na ang lumipas at hindi ko na siya naiisip, saka pa siya uli babalik sa buhay ko? Saka pa uli magkukrus ang mga landas namin?

Napatingala ako dahil sa sobrang inis. β€œJesus Christ!” pagsasalita ko. β€œThis joke isn’t funny! Ugh!”

Muli akong naghilamos para mapakalma ang sarili ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na ako rito sa comfort room para kumalma. Baka kasi hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko at maihambalos ko sa mas kumisig na mukha ni Brixx ang swivel chair.

Yuck! Did I really say kumisig lalo si Brixx? No! Hindi ko siya pinupuri. Mali lang ako nang nasabi.

Shit. Shit. Shit. This was just too much to bear. Hindi ma-absorb ng utak ko ang mga happening ngayon.

Pinunasan ko ng tissue ang mukha ko, saka ako uli nag-retouch. Nag-apply ako uli ng light makeup. Hindi ako pala-make up pero kailangan ko itong gawin para mas presentable ako. Mabuti na lang natutunan kong gumamit nito noong nasa Canada ako. Kahit paano nagbago ang hitsura ko.

Nang masigurado kong okay na ako, muli akong tumitig sa salamin. Kinausap ko ang sarili ko. β€œYou can do this, Charry,” I said to myself. β€œSi Brixx lang `yan. The guy you used to love. Wala ka na namang feelings sa kanya, right? Kaya hindi ka dapat magpaapekto sa kanya. Treat him like he never existed in your world. Hindi dapat ikaw ang mailang kundi siya. Siya ang may kasalanan sa `yo at hindi ikaw.”

Ngumiti ako at inayos muna ang suot kong white blouse, saka na lumabas ng comfort room. Napahinto ako nang makita ko si Brixx na kausap si Joeβ€”isa sa mga engineer ditoβ€”at Andrea. Napaikot ako ng mga mata dahil kitang-kita ko kung paano humimas si Andrea sa braso ni Brixx. My God. Nag-turn on na naman ang malanding radar ni Andrea. Wala talagang pinapalampas ang twin sister ni Lucifer.

Lalampasan ko na sana sila dahil papunta na ako sa work station ko nang mapatigil ako dahil tinawag ako ni Carlaβ€”isa ring architect katulad ko. May tinanong siya sa akin.

β€œTapos ka na ba sa project mo, Cha?”

I nodded. β€œOo. Kakatapos ko lang. Ipapakita ko na lang mamaya kay Sir Carlos then sa client. Ikaw?”

Habang kausap ko si Carla, bigla nagtaasan ang mga balahibo sa likuran ko. Paglingon ko, nakita kong nakatitig sa akin si Brixx. Lumilingon lang siya kina Joe and Andrea kapag sumasagot siya. The rest, nakatitig lang siya sa akin at nakangiti. Damn. Those dimples were showing again.

Problema ba nito at tingin nang tingin sa akin? Kanina pa siya, ha. Masasampal ko na talaga si Brixx.

β€œCha?”

Bumalik lang ang atensiyon ko kay Carla nang tawagin niya ko.

β€œUhm... may sinasabi ka ba?” nahihiya kong tanong. β€œSorry. May iniisip lang.”

β€œGusto ko lang sanang tanungin ang opinion mo,” sabi ni Carla at pinakita niya sa akin ang blue print niya. β€œTingin mo, okay na `to? Pangatlong revision ko na `to, eh. Kaso baka hindi pa rin magustuhan ng client ko.”

β€œMaarte rin ang client mo?” I asked and she nodded, then sighed. β€œGanyan din sa akin lately. Nakaka-frustrate, `no? Pero wala tayong magawa since trabaho natin `to. Let me see.”

Kinuha ko ang blue print at tiningnan. Interior design ng isang bar ang ginagawa ni Carla. Maganda ang pagkakagawa niya. Tapos na nga, in fact, pero may kulang.

β€œSo, what do you think?” Carla asked curiously.

β€œMaganda siya,” I complimented her. β€œPero may kulang…”

β€œSabi na, eh. `Yan din ang tingin ko. Ano kayang kulang, `no?”

Nilapag ko sa table niya ang blueprint saka ko p-in-oint out ang mga sa tingin kong mali at kulang.

β€œToo many doors `to, Carla. Ang daming pintuan na isa lang din naman ang lalabasan o pupuntahan. I suggest, bawasan mo ang pintuan. Then, itong mga private rooms for VIP section? Masyadong malalaki. Nakain nila halos ang space ng bar. Bawasan mo ang space nila. Lakihan mo ang space for normal customer. Mas marami kasi sila for sure kaysa sa mga gusto ng VIP,” I suggested.

Napatango-tango si Carla habang sinusulat sa papel niya ang mga sinasabi ko.

β€œThen, itong bar counter move mo sa right. Para makikita agad siya pagpasok sa loob. Huwag mo ring damihan ng ilaw kasi bar `yan kaya, for sure, mas prefer ng customer na medyo madilim. You know.” We both laughed. β€œBaguhin mo lang `yong colors ng walls. Make them darker, then okay na.” I smiled.

β€œWow! Thank you, Cha! Nasabi mo lahat ng kulang at mali sa designs ko!” she said happily.

β€œNo prob! Anytime,” sagot ko sa kanya at tumalikod na.

Pagtalikod ko, naabutan kong nakatitig na naman sa akin si Brixx. Mas visible na ngayon ang ngiti niya. Para bang ipinapakita niya sa akin na nginingitian niya ako.

Hoy, ulupong! Hindi tayo friends kaya huwag mo `kong mangiti-ngitian diyan!

I wanted to shout at him. Pero ayoko namang gumawa ng eksena rito. Kailangan kong magmukhang professional kahit na lumalabas na paunti-unti ang innerself kong criminal.

Nakita ako ni Mau na napa-roll eyes mag-isa. She eyed me kaya napailing na lang ako. Napatingin siya kay Brixx na nakatingin pa rin sa akin at tumingin uli sa akin. Napataas ang kilay ni Mau kaya napaiwas ako ng tingin.

Pagbalik ko sa work station, inilabas ko ang blue print na ipapakita ko mamaya kay Sir Carlos. Okay na iyon at itse-check na lang ni Sir. Dumadaan pa kasi sa kanya ang final designs namin bago namin uli ipakita sa mga clients. Nang masigurado kong dala-dala ko lahat ng kailangan ko, nagbasa na lang ako ng magazine.

Kailangan kong magbasa para ma-distract ang sarili ko sa presensiya ng isa pang kamag-anak ni Satanas na nandito. Hindi dapat ako magpaapekto, `di ba? Hindi ko dapat hayaang maapektuhan ang trabaho ko ang sarili ko. Pero naiinis kasi ako sa kanya. Parang kung umasta siya, wala siyang ginawang katarantaduhan dati.

Habang nagbabasa, may naaninag ako na nakatayo sa harap ko. Dahan-dahan akong napatingin kung sino ang istorbo sa ginagawa ko. Pagtingin ko sa mukha niya, nakita ko ang pagmumukha ni Brixx. Nakangiti siya habang nakalagay ang kanan niyang kamay sa loob ng bulsa ng pantalon.

Ang cool niyaβ€”shitβ€”pa-cool pa nga ang walanghiya.

β€œUhm. . . Hi?” He cleared his throat. β€œDo you still remember me?”

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Brixx. Instead, napatitig ako sa mukha niya. Mas naging matured talaga siya for the past years. Kitang-kita ang pagbabago sa mukha niya sa malapitan. His features were now well-defined. Kung guwapo na siya noong college days namin, mas naging doble pa ang kakisigan niya ngayon.

And God, I mentally cursed myself for that. Bakit ko ba pinupuri ang papansin na ito?

Oo na. Mas naging guwapo siya ngayon. Pero it didn’t change the fact na galit ako sa kanya at mas prefer ko na hindi na siya makita kahit kailan. Pero wala akong magagawa. Nagkita na uli kami. Might as well maging civil ako sa kanya or what. Ayokong maging bitter sa kanya because it was just a foolish thing to do.

β€œ Cha ?” muli niyang pagsasalita. His voice was so deep.

Cha? Ang kapal niyang tawagin ako sa nickname ko as if close na close kaming dalawa. Duhh.

β€œIt’s Charry,” I corrected him as I faked my smile. β€œAnd yes, I still remember you. Kakapakilala lang sa `yo ni Sir Carlos kanina, right? Alangan naman makalimutan agad kita. Hindi ako mabilis makalimot, Brixx.” I emphasized it. β€œWelcome to our team, by the way.”

Kunwari inayos ko ang mga gamit sa table ko at humarap sa laptop ko. Gusto kong makita niyang busy ako para hindi na niya ako kausapin pa. Wala naman kaming dapat pag-usapan. We didn’t need to catch up dahil hindi naman kami good friends noong college.

Ex-lover. My innerconscience told me. I shut her up.

Hindi kami ex-lover. Hindi ko kino-consider ang sarili ko bilang ex-girlfriend niya dahil five years ago, sinabi niyang hindi siya seryoso sa aming dalawa. So, there was no point para sabihing mag-ex kami.

β€œAre you still mad?” tanong ni Brixx habang titig na titig sa akin. Napalunok pa siya ng ilang beses.

Are you still mad? His question echoed inside my head. Gusto kong tumawa nang sobrang lakas ngayon.

β€œDid you seriously just ask that question, Mr. Harris?” Natawa ako. β€œGalit ba kamo ako? Bakit? May dapat ba akong ikagalit sa `yo? Wala naman, `di ba? Wala ka naman ginawa sa akin na kagalit-galit, eh.” I paused then continued again. β€œI’m busy so if you’ll excuse me.”

Jusko . Makaramdam ka naman. Hindi ka naman manhid, `di ba? Dapat maramdaman mong ayaw kitang kausap dahil busy akong tao at hindi ako comfortable sa iyo. Duhhhh.

β€œPuwede ba kitang maaya later for lunch?” he asked me again. β€œYou know, to catch up for the past years.”

Napayukom ako ng kamao sa ilalim ng mesa. Ang kapal lang talaga ng pagmumukha ni Brixx, `no? Nakalimutan na ba niya ang ginawa niya sa akin? Talagang inaaya pa niya akong mag-lunch? Ha? Nagpapatawa ba siya?

Catch up pa nga ang gusto ng impaktong ito. Ano ang gustong malaman ni Brixx? Kung ano ang naging buhay ko after niya akong gaguhin? Kung paano naging miserable ang buhay ko? Kung paano ako nag-move on? Kung paano ko sinimulan buohin ang puso kong winasak niya? Tanga ba ang impaktong ito?

Sasagot na sana ako nang biglang sumulpot si Mau sa gilid ni Brixx. May dala na namang cup of coffee.

β€œLook what we got here. Ano’ng meron?” curious na tanong ni Mau. β€œAno’ng pinag-uusapan ng talong at pechay baguio ? Isali n’yo naman ako. Huwag n’yong iwanan ang cauliflower ko.”

β€œHa? Talong, pechay baguio, at cauliflower? I don’t get it,” Brixx said confusedly.

β€œWala naman.” I looked at Mau. β€œMay tinatanong lang si Brixx sa akin. Sabi ko nga sa kanya sa `yo magtanong kasi mas magaling ka sa akin, `di ba, `te? Hindi ko alam ang tinatanong niya kaya ikaw na lang ang kumausap sa kanya, Mau,” sagot ko. β€œBigyan mo na rin siya ng coffee dahil mukhang kailangan niya.”

β€œI don’t need coffee,” sagot ni Brixx.

I smiled at him. β€œI’m sure you need one,” sabi ko, saka kinuha ang isang magazine at tinalikuran silang dalawa. Kailangan mong magkape, Brixx, para mahimasmasan at matauhan ka naman sa mga pinagsasabi mo.

β€œTara, Brixx. Ituturo ko sa `yo kung saan ang kitchen basta in return pa-sight ng talong mo!”

β€œAnong talong ko?” Brixx answered confusedly again.

I mentally rolled my eyes. Jusko talaga itong si Mau. Ang bibig walang patawad.

β€œWala. Ha-ha!”

I cringed nang marinig ko ang sinabi ni Mau kay Brixx. Isa rin talaga itong si Mau. Pero kailangan ko siyang pasalamatan sa isip ko dahil hinila niya palayo si Brixx sa akin. I closed the magazine and took a deep breath.

Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin. Kung bakit kailangan niya pa akong kausapin at ayain mag-lunch. The heck. Wala naman kaming dapat pag-usapan pa. We had nothing to do with each other.

Kung gusto akong makausap ni Brixx para lang humingi ng sorry sa ginawa niya sa akin noon, huwag na siyang magsayang ng oras. Hindi ko kailangan ng sorry niya. Okay na ako. More than okay as a matter of fact. And saying sorry wouldn’t change anything. So I didn’t need that. Kanya na iyon.

Basta huwag lang niyang guluhin ang mundo ko, okay na iyon. Tigilan na lang niya sana ako dahil matagal ko na naman kinalimutan ang kagaguhan niya noong college. Katulad ng paglimot ko sa kanya.

Itinuon ko na lang ang pansin ko sa trabaho. Mabuti na lang at hindi na niya ako ginulo pa.

Nandoon lang siya sa work station niya at nagsisimulang gawin ang trabaho. Nakikita ko na lang si Brixx na pasulyap-sulyap sa akin na para bang tsini-check niya kung ano ang ginagawa ko. Ugh. Sana bumilis ang oras para makauwi na ako. Parang biglang lumiit ang mundo ko.

Nang sumapit ang lunch, nag-aya na si Mau na pumunta kami sa ibaba para mag-lunch. May canteen doon para sa buong building. Kasama namin palagi mag-lunch ang mga ka-close naming workmates.

Thank, God, dahil hindi ko nakita si Brixx. Mukhang umalis na siya para mag-lunch kung saan or what.

β€œNasaan si Joe?” tanong ni Mau habang nasa elevator kami pababa.

β€œI dunno,” sagot ni Carla. β€œNakita ko kanina sabay sila lumabas ni Brixx, eh.”

β€œAng taray. May friends na agad si Brixx,” sagot ni Mau.

β€œMadali naman siyang maka-close, eh,” sagot naman ni Gio. β€œPalangiti kasi.”

β€œAy nababading!” pangangasar ni Mau kay Gio. β€œCrush mo na? Gusto mo na rin ng talong?”

β€œKadiri ka, Mau!” Napasimangot si Gio kaya nagtawanan kami.

Bully talaga itong si Mau. Akala mo ang laking tao. Kapag siya sinapak ni Gio bubulagta agad siya. Dumeretso na agad kami sa canteen. And luckily, nakahanap agad kami ng table kahit na ang dami na agad ng customer. Dito kami palagi kumakain dahil aside sa mura na, sobrang sarap pa ng mga ulam. Naging BFF na nga ni Mau iyong may-ari kaya palagi kaming may free sabaw.

β€œAno’ng o-order-in n’yo?” sagot ni Mau nang tumayo. β€œAko na ang pipila.”

β€œMenudo sa akin,” sagot ni Carla.

β€œAdobo naman sa akin,” sabi naman ni Aila.

β€œAkin, pork chop,” sabi ni Gio. β€œWith banana.”

Ngumisi si Mau. β€œ`Yong malaki ba? Banana ni Brixx gusto mo?”

Napahagikgik na naman sila dahil doon. Ako naman napasimangot. Hanggang dito ba naman maririnig ko ang pangalan ng buwisit na iyon. Masakit po sa tainga mga friends.

Umalis na si Mau para um-order. Nagpasama siya kay Gio dahil hindi raw niya kayang buhatin ang mga iyon. Puro babae kaming naiwan sa table at ang naging topic nina Aila at Carlaβ€”si Brixx.

For heaven’s sake. Can we change the topic already?

β€œHe’s hot,” pagpuri ni Aila kay Brixx.

β€œYap! Grabe ang ganda rin ng tindig niya,” sabi naman ni Carla. β€œTinitingnan ko siya kanina habang inaayos `yong desk niya. `Yong biceps niya jusko. Ang sarap ulamin,” dugtong pa niya, saka tumawa.

Bored na bored akong nakatingin lang sa dalawa.

β€œIkaw, Cha,” sabi sa akin ni Aila. Tumingin silang dalawa sa akin. β€œAno’ng tingin mo sa kanya?”

β€œKamag-anak ni Satanas,” I blurted out my thoughts.

Nagtawanan ang dalawa sa sinabi ko.

β€œBakit? Dahil sa sobrang hot niya?” sagot ni Carla and they both giggled.

Napangiwi ako sa kanilang dalawa. Gusto kong sabihin ang history namin ni Brixx sa kanila pero I chose not to. Mas mabuting wala nang nakakaalam niyon bukod sa aming dalawa ni Brixx. And it was not even worth it to tell.

β€œI wonder kung may girlfriend si Brixx.” Si Aila uli.

β€œI’m sure he has,” sagot ni Carla. β€œ`Yong gano’ng mukha at gano’ng katawan, single? Imposible!”

β€œTrue!” Aila agreed. β€œBaka nga kahit may girlfriend siya, suma-sidelines pa siya sa iba. You know? Monkey business. Gano’n mostly ang mga guwapo, eh. Kahit may girlfriend na, nagloloko pa rin.”

β€œSiguro naman hindi. What if seryoso siyang magmahal?”

β€œImposible,” bigla akong napasagot kaya parehas tumingin sa akin sina Carla at Aila. β€œI mean, imposible na makuntento `yong gano’ng klase ng lalaki sa isang babae, `no. O, baka never siyang nagseseryoso kasi akala niya sa sobrang guwapo niya, eh, makukuha niya lahat ng babaeng gusto niya. Nami-misunderstood tuloy ng isang babae kung seryoso ba si Brixx sa kanya or not. Aasa siya and then boom, she will get hurt.”

β€œAy, `te. May pinaghuhugutan?” natatawang komento ni Aila sa akin.

Nakitawa rin ako kuno. β€œHa-ha. No. Just a wild guess. Baka gano’n nga.”

β€œGrabe `yang wild guess mo, Cha. Hindi na guess `yan, eh. Nanghuhusga ka na. Ha-ha.” Si Carla naman.

Tumigil lang kami sa pag-uusap nang dumating na sina Mau na dala-dala ang mga pagkain. Nagrereklamo siya na siningitan daw siya n’ong isa kaya muntik na niya itong awayin.

β€œAng hilig mo sa away akala mo ang tangkad mo,” sabi ni Gio.

β€œMay sinasabi ka, bayot?” inis na sagot ni Mau kay Gio.

β€œHuwag mo `kong tawaging bayot. Alam kong way mo lang `yan para halikan kita.” Sumuka-suka pa si Gio.

β€œWala akong pagnanasa sa `yo, bayot. Hindi ko pinangarap ang kiss mo. Tse!” Umirap tuloy si Mau.

Nagtawanan kami dahil sa sagutan ng dalawa. Palagi silang ganyan. Kaya minsan inaasar namin sila na baka silang dalawa ang magkakatuluyan. Pero imposible raw iyon dahil may nililigawan daw si Gio na ang pangalan ay Jocelyn. Bestfriend daw ito ng kapatid niyang babae.

β€œJocelyn ba talaga ang name? O, baka naman Jose?” pangangasar na naman ni Mau.

Sumimangot na lang si Gio at hindi na pinansin ang sinabi ni Mau.

Tahimik na kaming kumakain nang makita namin si Joe na naglalakad papunta sa table namin. Napasulyap ako sa kasama niya at muntikan ko nang malunok ng buo ang pork na nasa bibig ko.

Dali-dali ko tuloy kinuha ang baso para uminom at hindi mabilaukan.

Nakita ninyo na? Makita ko lang talaga ang pagmumukha ng Brixx na iyan napapahamak na ako. Grrrrr.

β€œSaan ka pumunta? Kumain ka na?” tanong ni Aila kay Joe.

β€œYap!” Tumango si Joe, saka umupo sa tabi ni Aila. β€œSinamahan ko `tong si Brixx kay Boss sa itaas.”

Hindi ako makatingin kay Brixx kahit na ramdam na ramdam ko ang pagkakatitig niya sa akin. Buwisit na ito. Tutusukin ko ang mga mata niya. Tingin nang tingin, nakakairita.

Lalo pa akong nairita nang umupo siya sa tabi ni Gio. Kaharap ko tuloy siya. Ugh. Lalo akong hindi makakain nang maayos. Bigla akong na-conscious.

β€œBrixx.” Nagsalita si Aila. β€œMay gusto pa lang itanong si Carla.”

β€œAno `yon?” tanong ni Brixx.

β€œHala, bakit ako? Ikaw kaya ang may gustong magtanong n’on,” sagot naman ni Carla.

β€œAng aarte ng mga `to.” Sumingit si Mau, β€œBrixx, gusto nilang malaman kung may girlfriend ka raw ba.”

Napatingin ako bigla kay Brixx. Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatingin sa kanya. Nagkatinginan kaming dalawa for a moment at umiwas din agad ako ng tingin.

β€œNone,” simpleng sagot ni Brixx.

β€œReally?” Napahagikgik si Mau.

None your face. Mga kasinungalingan mo. Kung sino man ang girlfriend ni Brixx ngayon tiyak kawawa. Dini-deny siya ng boyfriend niya. Tsk. Tsk.

β€œYes,” tugon ni Brixx. β€œBut...”

Nakikinig lang ako sa kanila habang tahimik akong kumakain. Sumubo uli ako.

β€œBut?” sabay-sabay na sagot ng mga girls.

Muli akong napatingin kay Brixx.

β€œBut I’m waiting for someone,” seryosong sagot ni Brixx. Muli siyang tumingin sa akin. β€œShe left me five years ago without saying anything kung saan siya pupunta.”

β€œAwww. That’s too bad,” sagot ni Aila. β€œGrabe. Anong klase siyang babae at gano’n ang ginawa niya?”

β€œOo nga. Ano’ng karapatan niyang basta-basta ka na lang iwan?” sabi naman ni Carla.

My chest tightened. Hindi dahil nasaktan ako sa sinabi ni Brixx. Kundi lalo akong nagalit sa kanya. Hinablot ko ang tissue sa harap ko at pinunasan ang bibig at agad na tumayo.

β€œSaan ka pupunta, `te?” tanong sa akin ni Mau.

β€œSa CR lang then aakyat na ako. May nakalimutan pa pala akong gawin,” sagot ko sa kanya.

Napatingin ako kay Brixx, saka siya inirapan. Sana nakita niya ang galit sa mga mata ko. May sinabi pa si Mau na hindi ko na narinig dahil nagmadali na akong naglakad patungong banyo.

Agad akong nagkulong sa isang cubicle at pinipilit ang sarili ko na kumalma at huwag sumigaw dahil sa sobrang inis at galit. Para akong sasabog sa sobrang pagkainis kay Brixx.

But I’m waiting for someone. She left me five years ago without saying anything kung saan siya pupunta.

Ang kapal ng mukha ni Brixx na palabasing ako pa ang may kasalanan sa nangyari dati. Oo, hindi niya sinabi ang pangalan ko pero obvious naman na ako ang pinapatamaan niya.

What the hell was wrong with him? Ano pa ang gusto niyang mangyari? Buwisit siya. Unang araw pa lang niya bilang workmate ko pero ganito na agad kung buwisitin ako. Wow. I was looking forward to more days with him. Excited na akong mas buwisitin niya sa mga susunod pang mga araw.

I left him daw. Ha! Nagpapatawa ba siya? I didn’t leave him just because I wanted to. I left him because he pushed me to do that. That was my only choice before. Ano ang gusto niya? Mag-stay ako sa isang lugar kung nasaan siya pagkatapos niya akong pagmukhaing tanga sa isang relasyon na hindi pala totoo?

Wala na yatang mas kakapal ang mukha sa mukha ni Brixx, seryoso.

Nang matapos akong mag-emote sa banyo, lumabas na ako dahil simula na naman ng working hour. Napahinto pa ako sa paglalakad nang makita ko si Brixx sa tapat ng canteen kung saan ako sasakay ng elevator paakyat. Tuloy-tuloy lang ako papunta sa elevator na hindi siya pinapansin.

β€œHey.” Lumapit siya sa akin. β€œAre you okay? Ang tagal mo sa banyo. Sumakit ba ang tiyan mo?”

Wow. Kunwari concerned ang walanghiya.

β€œI’m fine. Please, don’t talk to me,” I said, not even bothering to look at him. I pressed the elevator button again. Come on! Kailangan kong makalayo sa taong ito! β€œTsk. Bakit ang tagal bumukas?” I murmured.

β€œLet’s talk, Cha.” Naging seryoso ang boses ni Brixx. β€œPlease.”

Naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko kaya tinapik ko ang kamay niya. β€œHuwag mo `kong hawakan,” buwisit kong sagot. β€œAt wala tayong dapat pag-usapan.”

β€œMeron!” giit ni Brixx. β€œMay dapat tayong pag-usapan. `Yong tayo .”

Hinarap ko siya. β€œSabi nga ni Sarah Geronimo sa movie nila ni Coco Martin β€˜There was never an us.’ ”

β€œYou never liked Sarah Geronimo before, Cha.”

β€œDon’t call me Cha!” Napataas na ang boses ko.

Napatingin tuloy sa amin ang ilang taong dumadaan.

β€œYes. I never liked Sarah Geronimo before. But people change. Nagbabago ang likes and dislikes ng isang tao, Brixx. Maaring `yong ayaw ko noon, gusto ko na ngayon at maari ring `yong gusto ko noon, isinusumpa ko na ngayon,” I told him. Parang ikaw. β€œKaya, please, huwag mo na akong guluhin.”

Bumukas ang pintuan ng elevator kaya agad akong pumasok. Kaso wrong move dahil bigla ring pumasok sa loob si Brixx. Ngayon kaming dalawa lang ang sakay. Gusto ko tuloy uling lumabas pero pinindot na niya kung saang floor kaming dalawa. I just stood still on the left side habang nasa right side naman siya.

β€œHindi naman kita ginugulo,” pagsasalita uli ni Brixx. β€œGusto ko lang makipag-usap nang maayos.”

β€œThere’s no point,” I said, my eyes fixed in front of me. I didn’t want to see him. I couldn’t see him. I just couldn’t.

β€œThere is,” giit na naman niya. β€œI just want to explain everything back then. To apologize. Para bumawi. I know, I was such an asshole for—”

β€œI already forgot that,” I cut him. β€œTo apologize? Para bumawi? Ano, pampalubag-loob?”

β€œPlease, Cha,” he begged.

Napatingin ako sa kanya. Seryosong-seryoso si Brixx. But I knew better. Hindi iyan totoo. I already knew that he was a good liar and a good actor. I wouldn’t fall twice for that.

Kung noon, nabilog niya ang ulo ko sa mga ganyan niyang arte, puwes ngayon hindi na. Hinding-hindi na.

β€œI don’t need your explanation. Sa `yo na `yan. Okay na ako.”

β€œPaano naman ako? Sa tingin mo, okay na ako sa nangyari? For the past five years, sa tingin mo naging okay ba ako? Sa tingin mo, after mong umalis na walang pasabi kung saan ka pupunta, naging okay ako?”

β€œSa tingin mo may pakialam ako sa nararamdaman mo?” sabi ko nang harapin ko siya.

I saw the pain in his eyes because of my answer. Pero wala akong pakialam. Good acting, Brixx Harris. Pero hindi na iyan benta sa akin. Dapat hindi na siya nag-Engineering. Dapat nag-artista na lang siya. `Galing umarte, grabe.

Hindi pa nakakaabot sa floor kung saan ang floor namin nang bumukas ang elevator.

β€œCha, please,” he begged again.

I stepped out and looked him straight in the eyes.

β€œBrixx, I’m not stupid like I was during our college days,” I said without blinking. I tried to remain as stoic and as passive as I could. Walang emosyon, Cha. Don’t let him break you again. `Wag na. β€œAnd I’ll never let an old flame to burn me twice. I don’t need your explanation. I don’t need it anymore. Just keep that to yourself.”

Nagsara na ang pinto ng elevator na hindi nakasagot si Brixx sa sinabi ko.

But I saw the flash of pain in his eyes.

Again, I knew better.

Brixx was such a good actor.

Bastard.

Stupidly In Love Again

Stupidly In Love Again

22 Chapters

close

Settings

close

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

en

English

en
book

22

Contents

settings