Favourite Obsession - Kapitel #4 - von Precious Pages

passion

My Passion

Aktion

Chicklit

Fantasie

Neue Erwachsene

Paranormal städtisch

Romanze

Dampfig

Suspense-Thriller

YA/Jugendliche

Bibliothek
searchsearch

Favourite Obsession

/

Kapitel 4

Chapter 3

Feb 4, 2022

DISAPPEARANCE

IT HAD been two weeks since Virgo started working in Kallean Financial Firm. So far so good. Mababait ang mga co-employees niya at kahit paano, napalagay na ang loob niya. Nagagawa niya naman nang maayos ang trabaho kaya natutuwa sa kanya ang tiyuhin. Ginagawa niya ang lahat ng makakaya para magawa nang maayos ang pagiging sekretarya. Ayaw niyang ma-disappoint ang Tito Leo niya.

Habang abala sa harap ng computer dahil gumagawa ng financial statement para sa San Antonio account, nag-angat ng tingin sa wall clock si Virgo. Mag-a-alas-nuwebe na ng umaga, pero wala pa rin ang Tito Leo niya.

Baka male-late ito. Pero lagi naman itong tumatawag kapag nale-late para alam niya ang ibibigay na dahilan sa mga maghahanap dito.

Ibinalik ulit ni Virgo ang atensiyon sa ginagawa sa computer. Hindi niya namalayan ang pagtakbo ng oras. Nang tumingin ulit siya sa wall clock, mag-a-alas-dose na. So, that was why her stomach had been grumbling.

Kinuha ni Virgo ang baon sa bag at kinain iyon. Nagtitipid siya kaya hindi siya kumakain sa canteen katulad ng ibang empleyado.

“Uy, Virgo,” sabi ng boses ng isang babae habang nakatungo siya at kumakain.

She looked up and saw her co-employee. “Nancy, ikaw pala.” Nginitian niya ang babae. “Upo ka, saluhan mo akong kumain,” yaya niya.

Katulad niya, nagbabaon din si Nancy. Sekretarya naman ito ng COO kaya naging malapit sila sa isa’t isa. May mga pagkakataon ngang magkasabay silang kumakain. Tulad ngayon.

Inilapag ni Nancy ang lunch box sa mesa niya at kumuha ng upuan. “Puwede ba talaga akong makisabay kumain?”

Virgo rolled her eyes. “Oo naman.”

“Thanks,” sabi ni Nancy at nag-umpisa nang kumain.

Siya naman, walang imik na ipinagpatuloy ang pagkain. Nabalot sila ng katahimikan. Kaya napaigtad si Virgo nang bigla na lang itong magsalita.

“Alam mo ba ang dahilan kung bakit absent si Sir Leo ngayon?” tanong ni Nancy na ikinakunot ng noo niya.

“Hindi,” sagot niya sabay iling. “`Yon nga ang ipinagtataka ko. Hindi man lang tumawag si Tito Leo para ipaalam kung bakit siya absent.” Napansin niyang mataman siyang tinitingnan ni Nancy kaya tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit ka nakatingin sa akin nang ganyan?”

Bumuntong-hininga si Nancy at binitiwan ang hawak na kutsara at tinidor. “May narinig kasi ako kanina. May kausap si Boss.” Ang tinutukoy nitong boss ay ang COO. “Narinig ko sa pag-uusap nila na papalitan na raw si Sir Leo ng tunay na may-ari ng kompanyang ito. Bukas daw papasok. Kaya nga pinuntahan kita ngayon, para ipaalam sa `yo. Baka kasi magulat ka na lang bukas dahil iba na ang boss mo.”

Biglang nabahala si Virgo sa narinig. Kung papalitan na ang Tito Leo niya, paano na siya? Siguradong tatanggalin siya ng bagong boss. Napakahirap maghanap ng trabaho na hindi huhusgahan ang pananamit niya.

“Okay ka lang ba, Virgo?” tanong ni Nancy nang hindi siya magsalita.

Umiling siya. “Hindi ako okay.” Tumingin siya kay Nancy, ang mga mata niya ay nagtatanong. “Ano’ng gagawin ko ngayon? Kung wala na si Tito Leo, paano na ako?”

Nancy smiled reassuringly at her. “Ano ka ba naman? Huwag kang mag-alala. Magaling kang magtrabaho. Hindi ka tatanggalin.”

Bumagsak ang mga balikat ni Virgo. “Kapag nawalan ako ng trabaho, hindi ko na alam ang gagawin ko.” She felt so depressed. “Nawalan na ako ng ganang kumain.”

Nancy was looking at her with pity. “Dapat hindi ko na lang sinabi sa `yo,” nagsisisi na sabi nito.

Umiling si Virgo. “No.” She forced a smile. “Thank you for telling me.”

Nancy gave her a tight smile and continued eating.

Hindi pa rin mapalagay si Virgo hanggang sa makauwi. Nasa isip pa rin niya ang sinabi ni Nancy. Bukas, papasok na ang bagong boss. Kinakabahan siya.

Nang makapasok sa kuwarto, tumawag siya kay Lea. Pagkalipas ng ilang segundo, sinagot nito ang tawag.

“Virgo? Alam mo ba kung nasaan si Daddy?” agad na tanong ni Lea nang sagutin ang tawag niya.

Napaupo siya sa gilid ng kama. “Bakit? Nasaan siya?”

“Hindi ko alam.” Nanginginig ang boses ni Lea. Alam niyang pinipigilan nitong umiyak. “Nawawala siya. Kanina pa namin siya tinatawagan, pero walang sumasagot sa cell phone niya. The COO of Kallean Financial Firm told us that he was fired. Nag-aalala ako, Virgo.”

She inhaled. “Siguro, gusto lang niyang mapag-isa.” Virgo offered a reason. She knew it was a lame reason. “Babalik din si Tito.”

Humikbi si Lea. “Nag-aalala lang ako kay Daddy.”

“He’ll be fine,” sabi niya. Pero kahit siya, hindi sigurado sa sinasabi.

“I have to hang up, Virgo,” sabi nito. “Tatawagan na lang kita kapag bumalik na si Daddy.”

“Okay. Ingat.”

“Ingat. Ikaw rin.”

When the line died, Virgo uttered a simple prayer for her uncle. Sana maayos lang ang kalagayan nito kung nasaan man ito ngayon.

Bumaba siya sa kusina at nagluto ng pananghalian. Mamaya na niya iisipin ang gagawin kapag nakita ang bagong boss bukas. Nagugutom na siya.

KINAUMAGAHAN, maaga pa lang, nasa Kallean Financial Firm na si Virgo. Ayaw niyang ma-late. When the clock struck at exactly eight AM, pinuntahan siya ni Nancy at sinabihang may meeting daw sa conference room. Sabay silang pumunta roon.

Nang makapasok sila sa conference room, lahat ng head sa bawat department ay nandoon, pati ang mga sekretarya ng mga ito. Inatake ng nerbiyos si Virgo nang mapansin ang matangkad na lalaking nakatalikod sa kanila. May kausap ito sa telepono.

Inilapit ni Virgo ang bibig sa tainga ni Nancy. “Sino siya?” Inginuso niya ang lalaking nakatalikod. “Siya ba ang bago nating boss?”

Tumango si Nancy. “Oo. Kanina pa pala siya rito. Five AM pa lang, nandito na. Binibisita ang lahat ng departamento. Nauna pa siya sa ating lahat.”

“Paano mo nalaman?” bulong niya.

“Kasi `yon ang sabi ni Romeo.” Si Romeo ang boyfriend ni Nancy. Security guard ang lalaki sa kompanya.

“Ganoon ba?” Virgo sighed. “Alam kaya ng bago nating boss kung nasaan si Tito Leo—”

“Is there something you want to share, Miss Virgo Guano?”

Virgo stilled when she heard her surname being mentioned by a deep baritone voice. Dahan-dahan siyang tumingin sa pinanggalingan ng boses. Lahat ng tao sa loob ng conference room, walang imik at nakatingin lang sa kanya. Gusto niyang manliit sa sobrang hiya na nararamdaman.

And then, her eyes met his gray ones. Umawang ang mga labi ni Virgo nang makilala ang may-ari ng abuhing mga mata na nakikipagtitigan sa kanya ngayon.

“You…”

The man narrowed his eyes on her. “Come here.”

May sariling isip ang mga paa na naglakad si Virgo palapit sa lalaki na nakilala niya sa bar.

“Yes, Sir?” tanong niya nang makalapit.

May ibinigay itong note pad na alam niyang nagkakahalaga ng ilang libong piso.

“As my secretary, you should always take notes. And for your question earlier, hindi ko alam kung nasaan ang tito mo.”

Nagulat si Virgo sa huling sinabi ng lalaki. Mahina lang ang boses niya nang magtanong kay Nancy kanina. She was whispering and he heard it? Grabe naman ang tainga nito. Nakakarinig kahit malayo.

“I’m sorry.”

“Don’t be.”

Humarap ang lalaki sa mga head ng bawat department na nakaupo sa kanya-kanyang upuan na nakapalibot sa conference table. Ang seryoso ng mukha nito.

“Good morning. My name is Lucien Kallean, the son of Leonardo Kallean, the owner of Kallean Financial Firm. Mula ngayon, ako na ang mamamahala sa kompanyang ito. I hope we get along well. Sinasabi ko na ngayon pa lang, istrikto akong boss. Ayoko sa mga empleyadong hindi ginagamit ang utak para mas mapaganda ang serbisyo natin. I hope all of us will cooperate for the betterment of everybody. That’s all. Meeting is over.”

All the employees bowed at Sir Lucien before they left the conference. Isa-isang nagsilabasan ang mga empleyado hanggang sa silang dalawa na lang ang naiwan. Nang mapunta ang tingin niya kay Sir Lucien, nahuli niyang titig na titig ito sa kanya.

“Bakit po, Sir?” nagtatakang tanong ni Virgo sa bagong boss.

The man didn’t even blink as he stared at her. “You have very beautiful eyes. Why are you hiding them under those thick old-looking glasses?”

Mabilis siyang nagbaba ng tingin. “Walang maganda sa akin. Pangit po ako.”

The man chuckled. “Such lies.” Naglakad ito palabas ng conference room. “Come on. Let’s go to the office. Kailangan na nating magtrabaho.”

Mabilis na hinabol ni Virgo ang boss na nakalabas na sa conference room. Nang maabutan niya ito, bumaling ito sa kanya habang naglalakad.

“So, Miss Guano…” her boss drawled. “May boyfriend ka na ba?”

Tumaas ang kilay ni Virgo sa tanong nito. “Personal po ang tanong n’yo, Sir.”

Ang kilay naman nito ang tumaas. “Is that so?”

“Yes.”

“Okay, then.” Tumaas ang gilid ng mga labi nito. “Mula ngayon, hindi lang kita secretary, personal assistant na rin. In that way, I can ask personal questions.” Binigyan diin nito ang salitang personal.

Napatigil si Virgo sa paglalakad at napatitig sa likod nito. Parang napansin nitong hindi na siya nakasunod kaya tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya.

“O, bakit ka tumigil sa paglalakad?” tanong nito.

“Hindi mo ako tatanggalin?” nagtatakang tanong ni Virgo.

Kumunot ang noo ni Lucien. “You want me to fire you?”

Mabilis siyang umiling. “No.”

“Okay. Then no.” Tinalikuran siya nito at pumasok sa CEO office.

Naiwan si Virgo na nakatanga sa pinto na pinasukan ng bago niyang boss. Hindi siya nito tatanggalin? Hindi nito pansin kung manang siyang manamit? Hindi nga nito pinansin ang pananamit niya. What kind of luck did she possess today?

Napapantastikuhang umupo si Virgo sa mesa at nag-umpisang magtrabaho. Lunch came and as usual, hindi siya pumunta sa canteen. May baon siya.

Habang kumakain, panay ang tingin ni Virgo sa pinto ng opisina ni Lucien. Simula nang pumasok ito kanina, hindi na ito lumabas. Hanggang sa matapos siyang kumain, pasulyap-sulyap pa rin siya sa pinto ng opisina ng CEO.

Hindi na nakatiis si Virgo. Tumayo siya at naglakad palapit sa pinto pagkatapos ay kumatok. Nasanay siya sa Tito Leo niya na laging nagpapa-order ng pagkain.

“Pasok,” narinig niyang sabi mula sa loob.

Pinihit ni Virgo pabukas ang doorknob. Dahan-dahan niyang itinulak pabukas ang pinto. Hindi siya pumasok, sumilip lang sa loob. Nakita niyang nakaupo si Lucien sa swivel chair. Nakapatong ang paa nito sa ibabaw ng mesa. Kumunot ang noo niya nang makitang tinakpan nito ng kurtina ang glass wall. He looked cozy. And he looked like he had been productive today. Nakatingin lang ito sa kawalan.

“Kumain na po ba kayo, Sir? Should I order you something?” tanong niya habang nakasilip pa rin.

Bumaling ito sa gawi niya. “I’m thirsty.”

“Ahm…” Virgo looked at the water dispenser in the corner of the room. “Marami pa naman kayong tubig, Sir, eh.”

Lucien chuckled. “I know. Nagbibiro lang ako.”

“Hindi po ba kayo nagugutom?” tanong ulit niya.

“Hindi. Okay lang ako.”

“Ah. Okay po.” Isinara ni Virgo ang pinto at bumalik sa mesa.

Nawi-weird-an na talaga siya sa boss niya. Oo nga at napakaguwapo nito, pero weirdo naman.

Iniligpit ni Virgo ang lunch box at ibinalik sa bag niya. Babalik na sana siya sa trabaho nang bumukas ang elevator at lumabas mula roon ang isang napakaguwapong lalaki.

The man had gray—no, almost silvery eyes. They looked eerie yet enchanting. He had these thin sexy lips that women would kill for a taste. His stance was full of confidence and authority. Matikas ito at matitipuno ang mga braso. He was wearing dark faded jeans, a black leather jacket. Underneath it was a white shirt. Matangkad ito kaya mas gumuwapo pa sa suot.

Mabilis siyang nagbawi ng tingin nang lumapit ang lalaki sa mesa niya at tumingin sa harap ng computer. Umakto siyang hindi ito nakita.

“Hey, Miss,” sabi ng baritong boses. “Nandito ba si Lucien?”

Inihanda ni Virgo ang ngiti sa mga labi bago nag-angat ng tingin. “Do you have an appointment, Sir?” tanong niya.

The man just looked at her and slowly, he started leaning in towards her. Siya naman ay napako sa kinauupuan.

“What is that smell?” tanong ng lalaki na napakalapit ng mukha sa leeg niya. Suminghot-singhot pa ito. “Are you wearing perfume, Miss?”

Napapantastikuhan at ninenerbiyos siyang umiling. “Hindi po.” Wala siyang pambili ng perfume. Iyong inilagay niyang cologne kanina, alam niyang natanggal na ang amoy.

The man’s eyebrow quirked up. “So, that’s why,” sabi nito saka tumayo nang tuwid. “I don’t need an appointment. I’m Lucan, Lucien’s brother.”

Napatango-tango si Virgo. “Nasa loob po siya. Nakikipagkomprehensiya sa hangin.”

Tumaas ang gilid ng mga labi ni Lucan na para bang may pinipigil na ngiti. “Okay. Thanks, Miss.”

Naglakad ang lalaki papunta sa pinto at pumasok nang hindi man lang kumakatok. Napailing-iling na humarap siya sa computer. Hindi lang pala si Lucien ang weirdo, pati rin ang kapatid nitong si Lucan.

NARAMDAMAN ni Lucien na pumasok ang nakakatanda niyang kapatid sa loob ng opisina, pero hindi siya gumalaw sa kinauupuan.

May inilapag ito sa ibabaw ng mesa. “Your order. One bottle of blood. At tama nga ang sekretarya mo, nakikipagkomprehensiya ka nga sa hangin.”

Humarap si Lucien sa kapatid. “Salamat.”

Lucan shrugged. “Kumusta ang unang araw mo?”

“Plain torture.”

Lucan smirked. “I bet. Naamoy ko ang dugo niya. Ang bango pala talaga.”

He went rigid and his eyes turned from gray once to blood-shot red. “You did what?”

Napaatras ito, pero ang mga mata ay nag-iba rin ng kulay. From silver to pure black. “Naamoy ko lang nang dumaan ako. Wala naman akong gagawin sa kanya. Promise.”

Dahan-dahan, bumalik ang mga mata ni Lucien sa normal na abuhin. “Don’t touch her or smell her. I don’t like it. Understand?”

Tumango si Lucan. “A piece of advice, little brother. Bilis-bilisan mo. Tatlong buwan lang ang ibinigay sa `yo ni Daddy. After that, the deal is off. Kung magtagumpay ka, good for you. Kapag hindi, makikinig ka na kay Ama at ipapadala ka niya sa Russia.”

Nag-iwas siya ng tingin. “Magtatagumpay ako.”

“Yeah. But first, learn to control the monster side of you,” sabi ni Lucan. “Remember, Lucien, we vampires, possess black eyes when we’re angry, not red.”

Natigilan siya sa sinabi ng kapatid. “Alam ko.”

“Good. So rein it.” Pagkasabi niyon, tinalikuran siya nito at lumabas ng opisina niya.

Napunta ang tingin ni Lucien sa intercom. Pinindot niya iyon saka nagsalita. “Miss Guano. Come here.”

Fuck this! I only have two months and thirty days.

Favourite Obsession

Favourite Obsession

35 Kapitel

close

Einstellungen

close

A-
A+

Georgia

Arial

Cabin

T

T

T

de

Deutsch

de
book

35

Inhalt

settings