Magic Moment (Kristine Series 9) door Precious Pages

passion

My Passion

Actie

Chicklit

Fantasie

Nieuwe Volwassene

Paranormaal stedelijk

Romantiek

Sensueel

Spannende thriller

YA/Tiener

Bibliotheek
searchsearch
nlnl

NL

Discover
/
Romance
/
Magic Moment (Kristine Series 9)
Magic Moment (Kristine Series 9)

Magic Moment (Kristine Series 9)

Romantiek

dot
eye

205

Beschrijving

Alaina loved and adored Nick ever since she first saw the man. But it remained just a dream. The most painfully, Franco Navarro paid her not to see Nick anymore.

Zoet
Page-turner
Romantiek
Heet
Drama
Stoute jongen

Hoofdstuk 1

Nov 28, 2025

Chapter One

“H EY, NICK,” nakatawang sigaw ni Jenny sa binata. “Don’t be so chivalrous, don’t let me win!”

Ngumisi si Nick at pinatakbo ang kabayo palapit sa dalaga. “Lagi ka namang magaling sa larong polo, eh.”

Umirap si Jenny. “Ikaw rin naman. Pero tulad ka pa rin noong mga bata pa tayo, lagi mo na lang akong pinapanalo sa lahat ng mga laro natin.” y umuko siya mula sa kabayo at inasinta ang bola and hit it.

Sinundan ng tanaw ni Nick ang bola and bolt his horse nang pigilan siya ni Jenny. “Enough, Nick. Gusto ko nang umuwi. Napagod talaga ako...” aniya at inalis ang head cap.

“Sure,” sang-ayon ng binata. “Let’s race hanggang sa kotse at hindi kita papanalunin sa pagkakataong ito,” hamon nito. Mabilis na tinapik ni Jenny ang kabayo. Natatawang sinundan siya ng tanaw ni Nick. Bagaman ilang metro ang partida ni Jenny ay naunahan siya ng binata.

Tumaas-baba ang dibdib ng dalaga na ibinigay sa stable boy ang kabayo. Pagkatapos ay umirap sa binatang nakangiting nakasandal sa kotse.

“Hmp,” irap niya na lalo lamang nagpasingkit sa mga mata ng dalaga in an upward slants. “Sa rancho tayo mag-race at si Shadow ang gagamitin ko,” wika nito habang lumalarawan sa isip ang stallion ni Alvaro. “I doubt kung mauunahan mo ako.”

Nick rolled his eyes. “Women. `Pag pinapanalo mo, nagrereklamo. Ngayong natalo naman, nagrereklamo pa rin.”

Ngumiti si Jenny na pumasok sa kotse. Pumasok si Nick sa driver’s seat at pinaandar ang sasakyan. Ilang sandali pa’y palabas na sila ng Manila Polo Club. Isang sport na tanging mga milyonaryo lamang ang miyembro.

“Nagbibiro lang po ako. Alam ko namang sa inyo lang ni Alvaro ako hindi manalo sa horse racing, eh. Although I want to determine which of the stallions would win.” s inipat ang sarili sa compact mirror at naglagay ng lipstick.

“What about, Lance?”

“Alam mo naman si Lance, he’d rather race a car than race a horse,” pagkatapos ay ipinatong ang kaliwang braso sa sandalan ng kotse at hinarap si Nick. “Tell me the truth, lover boy. This is only my second week since I arrived from Houston but already our third date. I couldn’t believe you’re running out of pretty women. Why is it so?”

Nagsalubong kunwa ang mga kilay ng binata na nilingon siya. “Ano’ng klaseng tanong iyan? You’re a very beautiful and desirable woman, Jenny, and I’m attracted to you.”

“Cut it out, Nick,” aniya na bahagyang ngumiti. “Hindi ako ang type mo. Isa pa, you’re almost my brother.”

“But I am not your brother kaya malinis ang daan. And how can you say that you’re not my type? Hindi mo ba alam ang sarili mong assets?” He smiled gorgeously.

Nagkibit ng mga balikat si Jenny at tumingin sa unahan ng kotse. “Kunsabagay, wala pa akong natatandaang babaeng tumagal ang relasyon sa iyo. And I couldn’t typecast you either. Hindi tulad ni Alvaro at ni Lance. Kabisado ko ang mga type ng mga babaeng gusto nila.”

Makahulugang nagtagal ang mga mata nito kay Jennifer. “Now, alam mo na kung ano ang type ko sa mga babae...”

Hindi sinagot ni Jenny iyon na matiim na tinitigan ang binata. Gusto niyang ma-alarm sa ipinakikita ni Nick sa kanya. Hanggang sa makarating sila sa mansiyon ng mga Navarro. Hindi na naghintay ang dalaga na pagbuksan siya ng pinto ni Nick. Mabilis itong lumabas at pagkatapos ay umikot sa driver’s seat at yumuko.

“Do I get to be kissed?” amused na tanong ni Nick.

“Bully for you, big brother,” binigyang-diin ng dalaga ang huling dalawang salita. Pagkatapos ay hinawakan sa mukha si Nick at seryosong tinitigan. “You, Alvaro and Lance are any woman’s dream. Of course, Alvaro isn’t available now. Any woman would die just to have your attention, Dominic Montaño Gascon. Pero nararamdaman kong ginagawa mo lang ito sa hindi ko malamang dahilan.”

Hinawakan ni Nick ang palad ng dalaga and kissed its palm. “No other reason, sweetheart. I’m falling for you,” seryosong pahayag nito na ikinangiwi ni Jenny.

“I don’t know why you’re doing this, Nick,” she said wearily at tumayo nang tuwid. “I have known you since childhood para hindi ko malaman kung alin sa mga sinasabi mo ang totoo sa loob mo. But whatever your reasons, gusto kong malaman mong hindi magbabago ang pagtingin ko sa iyo. Para sa akin, you’re one dear brother. Next time you invite me out, tiyakin mong ipakikilala mo na ako sa isang special someone.” b anayad nitong tinapik ang pisngi ni Nick, sabay sabit sa likod ng knapsack.

“Jenny...”

“No. Don’t say anything,” agap ng dalaga na lumingon and with worried eyes. Pagkatapos ay humakbang patungo sa gate. Diniinan ang doorbell at kinawayan ang binata. Nang makita ni Nick na binuksan ng guwardiya ang camel’s door ay pinaandar na ang kotse. Humaharurot sa kahabaan ng highway ang sasakyan nito. Nakatiim ang mukha.

He need to woe her. At gustong mag-alarma ng tiyan niya tuwing naiisip na gusto ni Jerome na ligawan at pakasalan niya si Jenny Navarro. Hindi dahil sa kung ano pa man. Jenny Navarro is a beautiful young lady. The Navarro princess, iyon ang tawag ng isang society page columnist sa dalaga.

And he loved that beautiful brat at papatayin niya ang sino mang nagnanais na gumawa rito ng masama. Tulad ng kung paano siya napapaaway para dito noong mga bata pa sila when her two brothers were not around. But it was a different kind of love. That of a brother to his younger sister.

And perhaps, mabuting simula na rin iyon kung ipagpilitan ni Jerome ang gusto nito. Many times he wished na kontrahin ang gusto ng ama pero pinipigil niya ang sarili. Si Monica ang pinagbubuntunan ng galit ni Jerome. And that, he cannot allow.

Sa garahe pa lang ay napuna na niya na naroon ang sasakyan ni Jerome. Ang alam niya’y may darating na foreign investors ngayon sa FNC International. Sinumpong na naman ba ng arthritis si Jerome? Inihilera niya ang kotse sa naroon pang dalawang sasakyan. Pagkatapos ay pumasok sa kabahayan.

“Kuhanin mo sa trunk ang mga gamit ko, Andeng,” utos niya sa katulong at nagtuloy-tuloy nang pumanhik sa itaas. Dederetso sana sa sariling silid nito ang binata nang marinig ang mataas na tinig ni Jerome.

Napahinto sa paghakbang si Nick. Pinag-iisipan kung sisilipin kung bakit na naman nag-aaway ang mga magulang. Nagkibit ng mga balikat at tutuloy na sanang muli sa silid nang marinig ang sariling pangalang isinisigaw ni Jerome.

“Huwag mo akong pakialaman sa iniuutos ko kay Nick, Monica!”

“Hindi ko kailanman kinontra ang anumang bagay na ipinagagawa mo kay Nick, Jerome.” s i Monica sa mahinahon subalit mariing tinig. “Mga bagay na alam kong wala na sa lugar na sadya mong pinagagawa sa anak mo dahil lang sa pagpipilit mong makaungos kay Franco. Pero hindi sa pagkakataong ito!”

Si Nick na unti-unti ang ginawang paglapit ay hindi makapaniwala sa determinasyon ng tinig ng ina. Buong buhay niya’y noon lang niya nakaringgang nangatwiran si Monica sa asawa sa ganoong tono. At napukaw na higit ang kuryosidad upang makinig.

“At ano ang masama sa gusto kong mangyari?” hiyaw ni Jerome sa asawa. “Pinaliligawan ko sa kanya ang dalaga ni Navarro at kung magkagustuhan sila’y di ipakasal. Masama ba iyon? Hindi ba halos kapamilya na ang turing mo sa mga iyon? Hindi mo ba gustong higit pang maglapit ang pamilyang ito?”

Napapailing si Monica. “Buong pagkakilala ko sa iyo ay wala ka nang sinabi kundi ang asamin ang pagkakataong mabawi kay Franco ang kompanyang minana niya sa ama mo. Hindi mo kailangan ang kompanya dahil nariyan ang Gascon Industries, ang GI chain of hotels and resorts. At alam kong isa lang iyon sa mga dahilan, Jerome. Why, all these years, wala kang hinangad kundi ang pagbagsak ni Franco. At lahat ay gagawin mo mangyari lang iyon. Bakit? Ano ang naging kasalanan ni Franco sa iyo?”

Tumalim ang mga mata ng lalaki. Pinuno ng hangin ang dibdib. Pagkatapos ay tumingin sa asawa.

“Gusto mong isa-isahin ko sa iyo?” paismid nitong sinabi. “Una, kailanman ay hindi sinabi ni Arsenio Gascon sa kanino mang tao na ampon lang ako. Pero dahil sa mag-inang iyon ay nalantad ang tunay kong pagkatao. Pangalawa, ang pagtingin ng kaisa-isang lalaking itinuring kong ama ay inagaw ni Franco sa akin. Ipinadala ako ng Papa sa Amerika sa murang gulang dahil kay Franco. Pangatlo, hindi totoong pantay ang ginawang paghahati sa amin ng mga mana. Nakalamang si Franco dahil ikatlong bahagi ng pag-aari ng Papa ay minana nilang dalawa ng Tita Erlinda. They’ve tricked my father into that. Pang-apat at higit sa lahat ay ang pagtalikod sa akin ng unang babaeng minahal ko dahil sa kanya...”

“S-sino?” hindi makapaniwalang tanong ni Monica. Wala itong alam sa bahaging iyon ng buhay ng asawa.

Mabilis na luminaw sa isip ni Jerome ang babaeng totoong pinag-ukulan nito ng pag-ibig. Si Karla. Isa lamang itong receptionist ng club na minana niya mula sa ama. Magkasintahan na ang dalawa at totoong binalak ni Jerome na pakasalan ito. Iyon ay sa kabila ng mahirap lang si Karla at sa dinami-rami ng mga kilalang babaeng maaaring pag-ukulan niya ng kanyang pangalan.

Isang araw ay dumating si Franco sa club kasama ang ilang kliyente upang doon i-entertain ang mga ito. Doon unang nasilayan ni Karla si Franco Navarro.

“Hi.” n akangiting lumapit ang receptionist kay Franco matapos maibigay ng grupo ang order sa waiter. “Anything I can do for you?” makahulugang tanong ng babae na hindi hinihiwalayan ng malalagkit na tingin si Franco.

Ngumiti si Franco at hinagod ng tingin ang magandang receptionist. “Oh, a lot. First, what’s on the house?”

“Nasa top list ako,” biro ng babae na ikinatawa ni Franco at mga bisita. At sa isang tulad ni Franco ay alam nitong birong-totoo iyon.

Hinapit ni Franco sa baywang ang babae at binulungan. “I’ll remember that, honey,” pagkatapos ay kumuha ng paper napkin at isinulat ang plate number ng kotse. Iniabot sa babae. “Black sedan. Hintayin kita roon sa uwian...”

s andali lang ang pagkabigla sa mukha ng babae. Ngumiti at tinawag ang waiter na kukuha ng order ng grupo. Pagkatapos ay tumalikod.

Nang gabing iyon ay naiwala ni Jerome ang kasintahan, without Franco being aware of it.

“Maaga pa naman, aalis na ba tayo agad?” Malambing na niyakap ng babae mula sa likod si Franco na nag-akmang magbibihis.

“Umaga na, Karla. At kailangan ko ng pahinga. Kung hindi ay baka hindi ako makapasok mamaya sa office sa mga ginagawa mo.”

“Hindi mo ba gusto?” Lumabi ito. Pinaglakbay ang daliri sa tiyan ni Franco pababa sa pusod at pababa pa...

Hinawakan ni Franco ang mga kamay ng babae at itinaas. “Maraming araw, honey pie. I’m running out of breath. Hindi mo rin ako pakikinabangan, okay?” Itinuloy nito ang pagbibihis. Napilitang sumunod si Karla. Pagkatapos ay naglabas ng tseke si Franco. Sinulatan at iniabot kay Karla.

“Pang-taxi mo...”

Napasinghap ang babae sa halagang nakalagay sa tseke. Nasa pagitan ng pag-ayaw at pagtanggap. Pagkatapos ay malungkot na muling iniabot kay Franco ang tseke.

“I... love those moments with you, Franco... hindi ko matatanggap iyan...”

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. “Be practical, Karla. Tanggapin mo ito...”

“Perhaps you can afford that much, pero hindi ko gustong pabayaran sa iyo ang mga ginagawa natin.”

Nagkibit ng mga balikat si Franco. Iyon ang simula ng ugnayan ng dalawa at tuluyang nakipagkalas si Karla kay Jerome. Si Karla ay totoong umibig kay Franco.

Isang matalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jerome sa bahaging iyon ng alaala. Nag-aapoy ang mga mata nitong tumingin kay Monica.

“Ang masakit ay hindi tinotoo ni Franco si Karla. He dropped her nang magsawa siya dito na parang basahan...” n aririnig na halos ni Monica ang pagtatagis ng mga bagang ng asawa. “And you know what? She died. A simple miscarriage took her life.” p ait at galit ang nasa tinig nito.

“Oh...”

“I still wanted to marry her then pero tumanggi siya. Hindi niya ipaaako sa akin ang ipinagbubuntis niya. At hindi niya magagawang pakasalan ako kung ang iniibig niya’y si Franco. That damned sonofabitch!”

“P-pero—sabi mo nga ay hindi alam ni Franco na kasintahan mo si Karla...”

“Hindi ako naniniwalang hindi alam ni Franco iyon. Isa pa, ipinagtapat sa kanya ni Karla noon mismong araw na makipagkalas siya dito. Sinabi ni Karla na ipinagpalit niya ako kay Franco dahil mahal niya ito and begged him na huwag tapusin ang relasyon.”

“Pero bakit kailangang kay Franco mo isisi ang bagay na ang may kasalanan ay ang taksil mong girlfriend?” Hindi mapigilan ni Monica ang sarili sa pagtatanggol kay Franco na ikinapanliliit lalo ng mga mata ng asawa.

“Kilala ko si Franco, Monica. Higit ko siyang kilala kaysa sa iyo. Gagawin niya ang lahat ng bagay upang makalamang sa akin. Alam mo ba ang pait na tiniis ko dahil sa pangyayaring iyon, alam mo ba?” pasigaw nitong sinabi. “Pagkatapos ay walang katapusang pagpapala ang dumarating pa sa lalaking iyon. Nakilala niya si Bea. Si Bea na una pa lang ay naakit na ako. When I thought I would never fall for another woman.”

Monica bit her lower lip bitterly. Pinilit na pigilin ang pag-alpas ng mga luha. Anuman ang relasyon nila ni Jerome ay hindi niya maiwasang hindi masaktan. Si Nick na nakikinig ay gustong pasukin ang ama at ipamukha ritong wala itong karapatang saktan ang ina sa ganoong paraan subalit nagpigil ang binata.

“W-why did you marry me?”

“Hindi ba dapat na itanong mo iyan sa sarili mo, Monica?” Tumaas ang sulok ng bibig nito sa tila ismid na pagtingin sa asawa.

“A-ano ang ibig mong sabihin?”

“Ako, alam ko kung bakit kita pinakasalan. Ikaw, bakit mo ako pinakasalan, Monica?” Naghahamon ang tono nito.

Hindi agad nakasagot si Monica roon. She swallowed hard at umiwas ng tingin. “A-ano pa ba ang—maaaring dahilan kung bakit kita pinakasalan, Jerome? M-mahal kita...”

Isang malakas at nang-uuyam na tawa ang nag-echo sa master bedroom. Si Monica ay napatayo mula sa lounge at hindi malaman kung ano ang gagawin.

“Mahal?” hiyaw ni Jerome sa kanya. “Alam mo bang sa loob ng dalawampu at limang taong pinagsamahan nating dalawa ay ngayon ko lang narinig sa iyo ang salitang iyan?”

“H-hindi ako... demonstrative, Jerome...”

Muling tumawa ang lalaki. “Of course. How can you demonstrate something you didn’t feel, darling?” patuloy nito sa patuyang tono. “Alam kong wala kang pag-ibig sa akin, Monica. At gusto kitang palakpakan sa pagtitiis mo sa akin sa loob ng maraming taon. Pero hindi mo naitago sa akin iyon, mahal kong asawa. You’re submissive, all right. Minsan man ay hindi mo tinanggihan ang mga ginagawa ko sa iyo kahit na sa maraming pagkakataon ay binabastos kita sa kama. Pero malamig ka pa sa yelo.” n anlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

“Nag—Nagkakamali ka...” protesta niya.

“Shut up!” agap ng lalaki. Nahintakutang napaatras si Monica sa talim ng mga mata ng asawa. “It doesn’t really matter kung may pag-ibig ka sa akin o wala. I have never loved you either!”

Napahugot ng paghinga si Monica at nanlaki ang mga mata. Si Nick na nakikinig sa labas ay natilihan. Hindi nito gustong patuloy na makinig sa pinag-aawayan ng mga magulang but the conversations have gotten this far. At hindi siya makapaniwalang marinig sa ama ang sinasabi nito. Halos maglabasan ang mga ugat ng binata sa kamay sa pagkakakuyom nito.

“Oh, yes, darling.” h e smiled in satisfaction. “Pinakasalan kita dahil ang pagkakaalam ko’y isa sa mga araw na ito ay mamanahin mo ang Hacienda Montaño. Naisip kong malaking tulong iyon noon sa pagsisimula kong umangat at lampasan si Navarro. Subalit nagkamali ako.” n agtagis ang mga bagang nito sa bahaging iyon. “Hindi mo minana ang bahagi mo sa asyenda sa hindi ko maintindihang dahilan. Sa halip ay minana ng anak mo iyon!”

Napasubsob sa mga palad si Monica. “Oh, Jerome...” g ustong pigilan ng babae ang paghikbi. Pagkatapos ay tumingala sa asawa. “M-marami ka nang salapi ngayon. At maaaring higit pang masalapi kaysa sa mga Navarro...”

“Dahil sa utak ko, Monica!” muling angil ng lalaki. “Utak ko ang dahilan kung bakit narito ako sa kinalalagyan ko ngayon. Si Franco ay salapi ng Papa ang ginawang tuntungan. At hindi ako titigil hangga’t hindi napagbabayaran ni Franco ang mga kasalanan niya sa akin! Sa pagkakataong ito ay gagamitin ko ang anak mo para paligawan si Jennifer Navarro.”

Napatayo si Monica. “Wala kang karapatang saklawan ang damdamin ng anak ko!”

“Anak mo?” Nang-uuyam ang tinging ibinigay nito sa asawa. “You were right in there, Monica. Anak mo lang si Nick!”

Isang matalim na pagsinghap ang kumawala kay Monica. Sa pakiramdam niya’y sasabog ang dibdib sa matinding kaba.

“Did you really take me for a fool para hindi ko malaman ang katotohanan, ha, Monica?”

“H-hindi—kita naiintindihan, Jerome.” h alos wala nang kulay ang mukha niya.

“Huwag kang magmaang-maangan!” poot na baling ni Jerome sa kanya na bahagya siyang napa atras. “Oh, yes, Monica! Alam kong hindi ko anak si Nick!”

Si Nick ay itinulos sa kinatatayuan sa matinding pagkabigla. Si Monica ay bahagyang tatag ang nagpanatili upang hindi mawalan ng malay.

“Nagdadalang-tao ka na nang pakasalan kita. Tinanggap mo ang alok kong kasal upang magkaroon ng ama ang bastardo mong anak! Sa puntong iyan ay mas marangal si Karla sa iyo!” buong pagkasuklam nitong inihayag.

“H-hindi—hindi—totoo iyon, Jerome.” g usto niyang mawalan ng ulirat sa mga sandaling iyon. Pagkatapos ng dalawampu’t limang taon, isa lamang iyong masamang panaginip.

“Huwag na tayong maglokohan pa, Monica. Paano kong magiging anak ang anak mo gayong hindi ako maaaring magkaanak?!” Mas nanaisin pa ng babae na bumuka ang lupa sa mga sandaling iyon at lamunin silang dalawa. “Kinumpirma ng mga doktor sa ibang bansa at kahit dito sa Pilipinas ang masakit na katotohanang iyan. Hindi sapat ang semilya ko para makabuo ng isang anak...”

Si Nick na nasa labas ay butil-butil ang pawis na naglalabasan sa noo. Tumaas-baba ang dibdib sa galit sa ina, with Jerome, with that bastard who fathered him! Akma nitong itutulak ang pinto nang marinig muli ang tinig ni Jerome.

“Sino ang ama ni Nick, Monica?”

Magic Moment (Kristine Series 9)

Magic Moment (Kristine Series 9)

12 Hoofdstukken

close

book

12

Inhoud

add to library button

Opslaan

Passion Exclusives

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

Felicia bevindt zich gevangen in een liefdeloos huwelijk met de kille en dominante Alpha Damien. Ondanks haar hoop dat een kind zijn hart zou kunnen verzachten, stort haar wereld in als ze zijn vurige genegenheid voor een andere vrouw ontdekt. Gebroken maar vastberaden eist Felicia een scheiding. Vijf jaar nadat ze haar machtige Alpha-echtgenoot heeft verlaten, leidt Felicia een rustig leven met haar tweelingzonen, verborgen voor het verleden. Maar wanneer het Vollemaanfestival haar oog in oog brengt met Damien, de vader van haar kinderen, verandert alles.

Lees

Romantiek

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Isla Thorne is altijd de buitenstaander van haar roedel geweest, een teleurstelling voor haar Alpha-ouders en een mysterie voor alle anderen. Als dochter van machtige leiders in de Midnight Crest roedel had ze een veelbelovend leven moeten hebben-maar haar tweelingzus Seraphine zorgde ervoor dat dat nooit gebeurde. Door geruchten te verspreiden dat Isla geen wolf heeft, heeft Seraphine haar in de schaduwen gehouden, praktisch een gevangene in haar eigen huis. Ondanks de minachting van haar familie en de wreedheid van haar zus, verbergt Isla een kostbaar geheim: een woeste wolf genaamd Lira, die op haar achttiende verjaardag naar haar toe kwam in een moment van wanhoop. Elke dag wacht Isla op haar zielsgenoot-de ene persoon van wie ze gelooft dat die onvoorwaardelijk van haar zou kunnen houden en haar misschien zelfs zou kunnen bevrijden uit dit leven van schaamte. Maar naarmate de maanden voorbijgaan, vervaagt de hoop en escaleert Seraphine's kwelling. Wanneer een gevaarlijk verraad door haar zus Isla dwingt tot ballingschap, ontdekt ze hoe ver haar familie bereid is te gaan om haar verborgen te houden, een waarheid die haar tot in haar kern schokt. Gedreven door overlevingsdrang vlucht Isla en vindt zichzelf alleen en onzeker in de gebieden van de verschoppelingen buiten het territorium van haar roedel. Maar terwijl haar band met Lira sterker wordt, beseft ze dat overleven misschien haar enige keuze is. Geconfronteerd met gevaren van zowel verschoppelingen als jagers, begint Isla aan een reis die haar op manieren zal testen die ze nooit had verwacht. Met elke stap onthult ze geheimen over haar familie, haar krachten en haar lotsbestemming. Maar zal ze het leven vinden waar ze altijd van droomde, of zal haar verleden haar op de hardst mogelijke manier inhalen? Terwijl Isla zich in het onbekende waagt, zal het lot onthullen dat ze misschien voorbestemd was voor meer dan ze zich ooit had kunnen voorstellen.

Lees

Paranormaal stedelijk

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

I Wanna Ruin Our Friendship

Ik ben altijd 'het stille, nerdy meisje' geweest. Het meisje met haar neus in een boek, het meisje dat mensen nauwelijks opmerken. Maar mijn wereld is veel ingewikkelder dan het lijkt. Zie je, ik ben volkomen, hopeloos verliefd op mijn beste vriend, Logan Reyes-de bad boy die iedereen wil maar niemand vast kan houden. En hij heeft er geen idee van. Logan en ik zijn al eeuwig vrienden. We dollen, we lachen, en we staan dicht bij elkaar. Maar voor hem ben ik gewoon Emma, het meisje aan wie hij alles toevertrouwt-behalve zijn nieuwe veroveringen, zoals Vanessa, de heersende koningin van de school. Ze heeft haar zinnen gezet op Logan en iedereen weet het. Ondertussen delen Logan en ik deze vreemde, onuitgesproken chemie die ik niet kan negeren, ook al doen we alsof het geen groot ding is. Maar alles verandert de avond dat ik word meegesleept in een spelletje flesje draaien op Vanessa's feest. Wanneer de fles op Logan landt, kust hij me voor iedereen-en plotseling is het alsof ik Logan in een heel nieuw licht zie, en hij mij ook anders ziet. Nu geeft hij me aandacht op een manier die verontrustend, opwindend en absoluut verboden is. En net wanneer ik denk dat ik het kan negeren, begint Logan me te achtervolgen-schaamteloos, tegen alle regels in waar hij naar leefde en ondanks de wensen van zijn zogenaamde vriendin. Nu zit ik gevangen in een wervelwind van roddels, jaloezie en emoties die ik nauwelijks aankan. Logan breekt zijn eigen regels voor mij, en hoe harder ik probeer hem te weerstaan, hoe meer ik word teruggetrokken. Maar terwijl we de grens tussen vriendschap en iets veel gevaarlijkers aftasten, staan mijn hart-en het zijne-op het spel.

Lees

Nieuwe Volwassene

I Wanna Ruin Our Friendship

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Carmen Venetti dacht dat ze alles had: een machtige echtgenoot, een bloeiend imperium en de kracht om alles bij elkaar te houden. Maar wanneer Arianna De Luca, Marco's sluwe en beeldschone ex-geliefde, weer opduikt, begint hun ooit onwankelbare huwelijk te barsten. Arianna beweert dat ze de familie Venetti wil helpen hun vijanden te verslaan, maar haar ware motieven zijn even gevaarlijk als geheimzinnig. Naarmate Marco steeds verder verstrikt raakt in Arianna's web van manipulaties, wordt Carmen gedwongen een onmogelijke keuze te maken. Zwanger en met een gebroken hart verlaat ze het leven waarvoor ze zo hard heeft gevochten, vastbesloten haar ongeboren kind te beschermen tegen de giftige chaos die hen dreigt te verslinden. Maar Carmen's afwezigheid verdiept alleen maar Marco's val in Arianna's valstrik. Verblind door ambitie en achtervolgd door fluisteringen van verraad, negeert Marco de waarschuwingssignalen en laat hij Arianna haar greep op zijn imperium versterken. Intussen speelt Arianna een gevaarlijk dubbelspel: ze sluit in het geheim een bondgenootschap met de familie De Luca en beraamt een plan om zelf de troon van de Venetti's te veroveren. Terwijl het vertrouwen afbrokkelt en de allianties verschuiven, worden Carmen en Marco meegesleurd in een zenuwslopende strijd om loyaliteit, liefde en overleving. Zal Marco Arianna's ware bedoelingen op tijd doorzien, of zullen haar intriges alles vernietigen wat de Venetti's hebben opgebouwd-ook hun kans op een gezin? In een wereld waar macht dodelijk is en verraad het ultieme wapen, is de vraag niet alleen wie zal overleven-maar wie uiteindelijk aan de top zal staan.

Lees

Romantiek

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

The Queen of Hearts

De Blackthorn Academy is een particuliere kostschool voor kinderen uit de hogere kringen - erfgenamen van grote bedrijven, Europese aristocratische families, politici en beroemdheden. Ondanks dat Andrea Riley opgroeide in een eenoudergezin, werkte ze keihard om een felbegeerde studiebeurs te bemachtigen en haar plek op de academie te verdienen, in de hoop op een betere toekomst. De missie van de academie is om haar studenten voor te bereiden op toelating tot 's werelds meest prestigieuze universiteiten, maar de sociale omgeving tussen de studenten bereidt hen voor op de harde realiteit van het leven - een realiteit waar de leiding van de academie zich zalig onbewust van blijft. Op Blackthorn wordt de sociale status van een student niet bepaald door de invloed van hun familie of het aantal nullen op hun bankrekening, maar door een kaartspel met hoge inzetten aan het begin van elk semester. Andrea heeft geen keuze dan deel te nemen, want weigeren betekent automatisch de rol van zondebok van de klas krijgen toegewezen. Wanneer ze haar rol ontvangt, trekt ze echter onbedoeld de aandacht van de Sinclair broers - erfgenamen van een machtig wapenfabrikant imperium dat vaak in verband wordt gebracht met de maffia. Andrea had niet gepland om zich door romantiek te laten afleiden van haar studie en dromen van succes, maar iedereen op The Blackthorn Academy weet verdomd goed tenminste een ding: als een van de "koningen" iets wil, krijgt hij het altijd.

Lees

Nieuwe Volwassene

The Queen of Hearts

passion favicon

My Passion

Genres

Over Ons

Contacteer Ons

Geld-Terug-Beleid

Privacybeleid

Gebruiksvoorwaarden

Cookiebeleid

App Installeren

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2026 Passion

XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101