Reigan Baltazar (Stallion Series 5) door Precious Pages

passion

My Passion

Actie

Chicklit

Fantasie

Nieuwe Volwassene

Paranormaal stedelijk

Romantiek

Sensueel

Spannende thriller

YA/Tiener

Bibliotheek
searchsearch
nlnl

NL

Discover
/
Stoom
/
Reigan Baltazar (Stallion Series 5)
Reigan Baltazar (Stallion Series 5)

Reigan Baltazar (Stallion Series 5)

Sensueel

dot
eye

290

Beschrijving

"It was strange that the most annoying man in her life could make her feel better on the most annoying night of her life." Sierra looks at Reigan as at an enemy. Reigan looked at her with love. The only one mistake could make everything become topsy-turvy...

Verhuizen
Page-turner
Sexy
Stoom
Erotisch
Playboy

Hoofdstuk 1

Nov 28, 2025

“ T ita Taba, labas tayo.”

Pinandilatan ni Sierra ang pamangkin. “Ikaw, Martina, two years old ka pa lang, ang lakas mo nang mang-asar. Hindi ako mataba, `no. Malusog lang. Healthy. Voluptuous.” Binuhat niya ito at pinaupo sa kanyang mga hita. “Sige, sabihin mo, Si… t ita… ay… cute.”

“Shi… t ita… ay… kut!”

“Very good!”

“Jabi?”

“Ay, sabay gano’n?”

Ang paboritong fast-food restaurant ni Martina na walking distance lang sa kanilang subdibisyon ang tinutukoy nito. Binalingan niya ang ina ng bata na nasa kusina at naghahanda ng miryenda.

“Dinala mo lang ba uli rito si Martina, Lucy, para kikilan na naman ako?”

“Parang gano’n na nga,” wika ng kapatid niya. “Kanina pa kasi niyan gustong lumabas ng bahay, kaya dinala ko na muna rito.”

Sa kanilang apat na magkakapatid, si Sierra ang panganay pero siya pa ang walang asawa. At hanggang ngayon ay nakatira pa rin sa poder ng kanilang mga magulang. Katwiran naman niya, may kanya-kanya nang pamilya ang mga kapatid niya at siya na lang ang tanging naiwan para mag-asikaso sa mga magulang nila. And anyway, wala naman din talaga siyang balak na hayaan ang mga itong mag-isa sa buhay. Kahit na nga ilang beses na rin siyang itinutulak na mag-asawa na rin.

“Nangati na naman ang mga paa mo, `no?” Pinisil niya ang maliit na ilong ng pamangkin. “Laboy ka talaga kahit kailan. Manang-mana ka sa nanay mo. Siyanga pala, nasaan si Nanay?”

“Nando’n sa tindahan.” Inayos na ni Lucy ang tray ng miryenda. “Kung gusto mo na ring magmiryenda pero tinatamad kang maghanda, sumunod ka na lang sa tindahan.”

Karga ang pamangkin, sumunod na rin si Sierra sa kapatid. Malawak ang kanilang lupa kaya naisipan ng mga magulang niyang magpatayo ng tindahan para may mapaglibangan naman ang mga ito. Pareho na kasi retiradong government employee at naisipang magnegosyo kahit paano upang may mapagkuhaan din sila ng extra income. Kahit na nga sapat naman ang suweldo sa kanyang trabaho bilang new account manager sa isang malaking bangko.

Sa harap ng kanilang tindahan ay may mahabang upuan kung saan pumuwesto si Sierra. Doon na rin naupo si Lucy. Si Martina lang ang tila hindi kuntento sa kinaroroonan nila dahil nag-umpisa na itong magmaktol.

“Tita, jabi tayo,” ungot nito. “Jabi tayo.”

“Wala si Jollibee,” sagot niya. “Namamalengke pa. Magluluto pa iyon at maglalaba.”

“E! Jabi tayo!”

Nagpaikot-ikot ang bata sa pagkakakarga niya. n ang hindi na niya makayanan ay hinayaan na lang niya itong unti-unting dumausdos sa sementadong sidewalk.

“Sierra, pagbigyan mo na nga iyan,” wika ng kanyang ina. “Hindi naman iyan titigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto.”

“O.” Inabutan siya ni Lucy ng isang daang piso. “Ikaw na ang sumama riyan para makapaglakad-lakad ka naman.”

“Naglalakad-lakad naman ako sa bahay, ah.”

“Oo. Paikot-ikot sa kusina, sala, kuwarto at banyo. Matatagtag nga ang mga taba-taba mo niyan.”

“Hoy, Maria Lucinda, mas matanda ako sa iyo kaya matuto kang gumalang.”

“Paano ba iyon?”

Nakasimangot lang niyang kinuha ang pera. Nang makita marahil ng pamangkin ang pagpayag niya ay kusa na itong tumahimik at kumapit sa laylayan ng walking shorts na suot niya.

“Tita Taba, karga.”

Pinandilatan lang ni Sierra ang pamangkin. “Patay na si Jollibee.”

Pero imbes na magwala uli ay nauna na itong maglakad patungo sa direksyon ng naturang fast-food restaurant.

“Sino ba ang buwisit na taong nagturo sa kanya na iyon ang itawag sa akin?”

“Si Reigan.”

Lalo lang siyang nanggigil bago mabilis na hinabol ang pamangkin.

“Buwisit nga talaga iyon,” sambit niya nang hawakan sa kamay si Martina. “Kaya ikaw, bata, huwag na huwag ka nang makalapit-lapit sa unggoy na iyon, ha?”

“Monkey?”

“Oo, monkey. Unggoy. Tsonggo. Primate. King Kong—”

“Karga, Tita.”

“Maglakad ka na lang. Magkaka-muscle si Tita, eh.”

“Karga!”

“Malapit na lang naman tayo, o. Lakad na lang—”

“Karga! Sige, magagalit na `ko!”

“Tingnan mo itong kutong-lupang ito. Ang sarap mo talagang kutusan. Naku! Kung hindi ka lang bata…”

Gusto pa sana niyang makipagmatigasan pero pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong nila. Baka isipin pa na wala siyang puso. Hindi pa naman alam ng mga ito na ang pamangkin niya ang pinakawalang pusong nilalang na ipinanganak sa mundo. Nuknukan ng maldita at salbahe. Palibhasa spoiled sa mga lolo at lola. Pati mga kapitbahay nila ay naloloko na isa itong santa. Kunsabagay, sino nga ba naman kasi ang makakatanggi sa isang cute at bibong bata na dalawang taong gulang pa lang ay matatas nang magsalita? Marunong nang makaintindi sa maraming bagay. Marunong na ring mangatwiran, daig pa ang abogado. Hindi kasi nila ito bine-baby talk kaya siguro madali nitong naintindihan ang mga sinasabi ng matatanda. `Yon nga lang, pati ang mga baluktot na katwiran ng mga matanda ay nakukuha nito.

She picked up her niece. “Ay, anak ka ng— a ng bigat mo, Martina! Ano ba ang ipinapakain sa iyo ng mama at papa mo?”

“Fish.”

“Fish lang?”

“Manok.”

“Ano pa?”

“Mamoy.”

“At maka,” natatawang dugtong ni Sierra. Siya kasi ang nagturo dito ng mga salitang iyon patungkol sa mga paborito niyang ulam. “Manok, mamoy, maka, mish. Sarap, `no?”

“Jabi!”

“Oo na, oo na.”

Paglabas ng kanilang subdibisyon ay makikita ang isang two-storey mini-mall na madalas puntahan ng mga tao mula sa iba’t ibang barangay na malapit sa kanilang lugar. Pati na rin ng mga estudyante mula sa apat na private schools at dalawang public schools doon ay iyon na ang ginagawang tagpuan at tambayan pagkatapos ng kanilang mga klase. Kaya naman may pasok man o wala, umulan man o umaraw, hindi nawawalan ng mga tao roon. Fast-food restaurants, bookstore, video shop, drugstore, banks, boutique shops at grocery store. Kumpleto na ang mini-mall na iyon kaya hindi na kinakailangan pa ng mga taong lumayo para lang bumili ng kung ano-anong kailangan nila sa bahay man o sa pansarili.

Bookstore muna ang madadaanan bago ang Jollibee. Napansin ni Sierra na bigla na lang humigpit ang kapit sa kanya ni Martina at itinago pa ang mukha sa kanyang leeg.

“Monster, Tita! Monster!”

Natawa lang siya nang makita ang kinatatakutan ng pamangkin. Nasa display window kasi ng naturang bookstore ang mga Halloween masks at kung ano-ano pang nakakatakot na paraphernalia para sa nalalapit na Araw ng mga Patay. Pero mas bumilis ang lakad niya hindi dahil sa takot kundi dahil sa lalaking kasalukuyang nagbabayad sa counter.

She had no intention of ruining her day just because of that guy.

Pagdating sa Jollibee ay ibinaba na ni Sierra ang pamangkin na agad namang bumitaw sa kanya. She was about to push the glass door when someone opened it for her. Binalingan niya ang nagbukas para magpasalamat. Pero napakunot lang ang noo niya nang makita ang nakangising mukha ni Reigan Baltazar aka Reigan the Kong.

“After you, Lady Sierralaine.”

“Salamat,” matabang niyang wika. Hindi na niya nilingon pa ang lalaki nang sundan niya si Martina sa redemption booth na pinupukpok na nito. “Mali ka naman ng pinipilahan, eh. Dito tayo.”

“Hello, Tinay,” bati ni Reigan. “How are you? Kinikikilan mo na naman ang tita mo, ano? Tama iyan. Para naman mabawasan ang kayamanan niya at maghanap na siya ng mayamang mapapangasawa. Aherm! Mayaman ako.”

“Leigun!” Mabilis na iminuwestra ni Martina ang mga kamay sa binata. “Karga!”

“Huwag,” saway ni Sierra. “Babaho ang kamay mo.”

“Oy, Sierra, paninirang puri iyan. Mabango ako. In fact, kaliligo ko nga lang. Amuyin mo pa ako kung gusto mo.”

Itinaas ni Reigan ang kilikili at nang akma nitong ididikit iyon sa kanyang mukha ay tinawag na niya ang guwardiya.

“Manong Guard! May manyakis ho dito!”

“O, nag-eeskandalo ka na naman.” Kinarga na lang nito si Martina. “Kung ako sa iyo, Tinay, huwag ka nang magdididikit diyan sa tita mong wala pa ngang asawa, eh, nagme-menopause na. Ano’ng gusto mong bilhin natin? Ituro mo lang at si Dok Pogi na ang bahala.”

Hindi na siya pinansin pa ng mga ito nang iupo ni Reigan sa counter ang kanyang pamangkin at nag-umpisang magbigay ng kung ano-anong order. Hinayaan na lang niya si Reigan. Bahala itong gumastos hanggang gusto nito.

Sa kanya na ang isang daang piso na ibinigay ng kapatid niya kanina. Napangisi na lang siya.

“O, ikaw diyan.”

“Huh?” Sa pagkakalingon ni Reigan sa kanya, daig pa ni Sierra ang nakakita ng artista. Kunsabagay, guwapo naman talaga ito. Matangkad, makisig, matalino at nasisiraan na siya ng bait dahil pinupuri niya ang kumag na ito. “Ako na lang ang bahala sa sarili ko. Ayokong magkautang-na-loob sa iyo.”

“Oo, alam ko naman na kahit utang-na-loob ay may presyo sa iyo.” Binalingan na ni Reigan ang crew na kumukuha sa order nito. “Miss, isa pang two-piece chicken meal. Kulang kasi ang isang manok lang dito sa darling sweetheart ko. `Yong spicy. At dalawang large french fries na rin.”

“Hindi ako kumakain ng french fries. Alam mo ba kung ilang libong calories ang naibibigay ng isang order ng french fries? Punung-puno pa iyan ng asin at vetsin—” Natigilan si Sierra nang nakangiting humarap sa kanya si Reigan at isubo nang sabay-sabay sa bibig ang limang pirasong french fries. “Bakit ba naisipan ko pang sermunan ka? Nagsayang lang ako ng laway. Mahina ka nga palang maka-pick up ng mga leksyon ng buhay.”

“Matagal na akong natuto sa buhay. Kaya nga alam kong hindi dapat binabalewala o ipinagpapabukas ang pagkain ng french fries. Kasi hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay. Malay mo, ikaw, hindi ka na sikatan ng araw bukas. Sayang ang pagkakataong makakain ka ng masasarap na pagkain, `di ba?” Binalingan ni Reigan ang crew nang makumpleto ang order nila. “Kaya dapat kain lang nang kain.”

“Masamang damo ako.” Nauna nang naglakad si Sierra patungo sa bakanteng mesa. “Kaya matagal pa akong mamamatay— ay!”

Nahawakan na siya ni Reigan sa braso bago pa man siya makalayo. Dahil sa pagkabigla ay na-off-balance siya at napasandal sa matatag na katawan ni Reigan. Agad niyang naramdaman ang kumportableng init na hatid ng katawan nito. Pero mabilis din siyang lumayo dahil nag-uumpisa na siyang maasar sa sarili. Bakit ba puri siya nang puri sa kumag na ito?

“Ano ba!” angil niya. “Kanina ka pa hawak nang hawak, ha. Idedemanda na kita.”

“Oy, ngayon lang kita hinawakan. ``Di ba, Tinay?” Tumango lang ang pamangkin niya dahil gaya ng lalaki ay punung-puno na rin ang bibig nito ng french fries. “That’s my girl. Ganyan ka dapat lagi, kampi kay Doc Pogi.”

“Paanong hindi kakampi sa iyo `yan, eh, lagi mong sinusuhulan?”

“Aba, dapat lang. Para malakas ang kapit ko sa loob.”

“Sa loob ng?”

“Ng bahay ninyo.”

“Baket?”

“Hindi pa ba obvious? Para mas mapadali ang panliligaw ko sa iyo. Kapag naging kakampi ko na si Martina— O, Sierra, saan ka pupunta?”

“Bibili ng kausap.”

Narinig niyang tumawa si Reigan at muli siyang hinawakan sa braso nang tangkain niyang maglakad na naman palayo.

“Miss, pakidala naman `yong tray namin sa puwesto namin,” anito sa isang crew. “Salamat.”

Walang kahirap-hirap nitong kinalong ang kanyang pamangkin at iginiya siya sa bakanteng mesa. Masaya nang kumakain sina Tinay at Reigan. Si Sierra naman ay abala sa pagpipigil sa sariling maisupalpal sa mukha ng binatang pediatrician ang tatlong hamburger sa harap nila. Matagal na siyang tinutukso nito sa kawalan niya ng love life, especially ang pagiging invisible din ng kanyang mga manliligaw. Kaya naman para daw hindi na siya malungkot, ito na lang ang manliligaw sa kanya. Gago talaga. Gawin pa raw ba siyang charity work.

Minsan na niyang naging crush si Reigan. Noong nasa high school pa lang sila dahil magkapitbahay lang naman sila. May-pagkabrutal ang binatilyong Reigan pagdating sa pang-aasar sa kanya. Pero hindi iyon naging hadlang para magustuhan pa rin niya ito nang husto. Noon. Hindi na ngayon.

“Ako na lang ang manliligaw sa iyo, Sierralaine. Kawawa ka naman, eh. Wala kang suitors. Wala rin naman akong ginagawa kaya okay lang sa akin iyon. Pasalamatan mo na lang ako kapag nagkapera ka na.”

Kulang na lang ay ibaon ni Sierra si Reigan nang buhay nang araw na marinig niya ang mga salitang iyon mula rito. She was sixteen at that time. Panahon kung kailan sagana sa tagihawat ang kanyang mukha at napakaselan ng kanyang puso. She felt so ugly and broken back then. Minsan na nga rin niyang naisipang lumayas noon sa bahay nila para lang makalayo sa siraulong kapitbahay nila. Para makalimot. Pero natawa lang ang pamilya niya sa kanya at sinabing kung lilipat sila, baka tuluyan na siyang mawalan ng manliligaw. And so, to cut a long story short, hindi nga siya nakawala sa mga kuko ng herodes niyang kapitbahay.

Pero kung meron mang naging magandang dulot sa kanya si Reigan, iyon ay nang matuto siyang maging matatag sa buhay. Kumapal ang mukha niya at naging mas aggressive sa mga bagay na gusto niya. Hindi naman siya nabigo. Mahina siya sa Math pero hindi niya iyon tinanggap kaya ngayon, isa na siyang magaling na account manager ng isang malaking bangko. At si Reigan? Pinakinabangan nito ang pagiging bolero kaya ngayon ay isa na itong certified pediatrician. Lahat ng bata, may topak man o wala, nabobola nito. At minsan nga pati matatanda ay nauuto rin. Siya nga lang yata ang hindi nasisilaw sa karisma ni Reigan. Natural, dahil alam na niya ang mga kabuktutan nitong itinatago sa katawan.

“O, Sierra, nawawala ka na naman sa sarili mo,” untag nito. “Sinabi naman sa iyong huwag mo ako masyadong isipin. Nakakahiya. Baka isipin ng iba, eh, dead na dead ka sa akin.”

“Rei, puwede bang maging tao ka naman kahit minsan? Para matuwa naman ako sa iyo. Puwede ba?”

Imbes na sumagot ay ngumisi lang si Reigan, saka lantarang nilantakan sa harap niya ang isang fried chicken. Swak na swak itong pamalit sa trono ni Aga Muhlach bilang product endorser ng naturang fast-food chain. Natatakam siya sa piraso ng manok na iyon. And sad to say, pati na rin sa taong may hawak niyon.

“Hmm, ang sarap-sarap nito, Sierra. Katakam-takam. Hindi ba, Tinay?”

“Yum-yum, Tita Taba.”

Hindi niya alam kung dahil sa pagkakabanggit ng pamangkin niya sa salitang ‘taba’ o dahil lang sa nailang siyang bigla sa lalaking ito na ilang taon na niyang kinabubuwisitan, kaya naman sinimangutan niya ang dalawa.

“I’m on a diet.”

“Hindi ka mabubusog sa kaka-diet mo na iyan.”

“That’s the point.”

“Para kang sira. Magpapagutom ka para lang magkaroon ng magandang katawan?” Pinasadahan siya ni Reigan ng tingin. “What’s wrong with your body?”

Ang sarap talagang sabunutan nito. “I’m fat. Hindi mo ba nakikita iyon?”

“Hindi. Dahil ang nakikita ko ngayon ay isang napakagandang babae.”

“Ewan ko sa iyo!”

Napangiwi na lang ang binata sa lakas ng sigaw niya. Agad naman niyang ibinaba ang boses nang mapansing napalingon sa direksyon nila ang mga taong kasalukuyang kumakain din doon. Peste talaga ang lalaking ito. Wala nang ginawa kundi ang sirain ang araw niya.

“Bakit ba hindi ka maniwala sa mga sinasabi ko? Maganda ka, Sierralaine. Matalino. Sweet. You don’t need a sexy body to—”

“I want a sexy body. At kasalanan mo kung bakit hindi na ako naniniwala sa iyo.”

“Bakit?”

“Tita Taba, huwag ka na magalit.”

Itinuro niya ang pamangkin. “O, `yan, narinig mo? Hindi ba’t ikaw mismo ang nagturo kay Martina na tawagin akong Tita Taba? Tapos ngayon magpapauso ka ng ‘you don’t need a sexy body.’ Tse!”

“Pero minsan ko lang namang sinabi iyon. Isang beses lang.” Hinarap nito ang bata. “Sa akin mo natutunan ang tawag mo kay tita mo?” Pero nagpatuloy lang sa pagkain si Martina.

Alanganin na ang ngiti ni Reigan nang balingan siyang muli. Nagtikwasan naman ang kanyang mga kilay dahil parang nakakalimutan niya ang ngitngit dito tuwing makikita itong nakangiti sa kanya.

“I guess talagang mahihirapan akong pasagutin ka.”

“Ay, oo,” asar niyang sagot. “Parang gano’n na nga.”

Reigan Baltazar (Stallion Series 5)

Reigan Baltazar (Stallion Series 5)

10 Hoofdstukken

close

book

10

Inhoud

add to library button

Opslaan

Passion Exclusives

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

Felicia bevindt zich gevangen in een liefdeloos huwelijk met de kille en dominante Alpha Damien. Ondanks haar hoop dat een kind zijn hart zou kunnen verzachten, stort haar wereld in als ze zijn vurige genegenheid voor een andere vrouw ontdekt. Gebroken maar vastberaden eist Felicia een scheiding. Vijf jaar nadat ze haar machtige Alpha-echtgenoot heeft verlaten, leidt Felicia een rustig leven met haar tweelingzonen, verborgen voor het verleden. Maar wanneer het Vollemaanfestival haar oog in oog brengt met Damien, de vader van haar kinderen, verandert alles.

Lees

Romantiek

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Isla Thorne is altijd de buitenstaander van haar roedel geweest, een teleurstelling voor haar Alpha-ouders en een mysterie voor alle anderen. Als dochter van machtige leiders in de Midnight Crest roedel had ze een veelbelovend leven moeten hebben-maar haar tweelingzus Seraphine zorgde ervoor dat dat nooit gebeurde. Door geruchten te verspreiden dat Isla geen wolf heeft, heeft Seraphine haar in de schaduwen gehouden, praktisch een gevangene in haar eigen huis. Ondanks de minachting van haar familie en de wreedheid van haar zus, verbergt Isla een kostbaar geheim: een woeste wolf genaamd Lira, die op haar achttiende verjaardag naar haar toe kwam in een moment van wanhoop. Elke dag wacht Isla op haar zielsgenoot-de ene persoon van wie ze gelooft dat die onvoorwaardelijk van haar zou kunnen houden en haar misschien zelfs zou kunnen bevrijden uit dit leven van schaamte. Maar naarmate de maanden voorbijgaan, vervaagt de hoop en escaleert Seraphine's kwelling. Wanneer een gevaarlijk verraad door haar zus Isla dwingt tot ballingschap, ontdekt ze hoe ver haar familie bereid is te gaan om haar verborgen te houden, een waarheid die haar tot in haar kern schokt. Gedreven door overlevingsdrang vlucht Isla en vindt zichzelf alleen en onzeker in de gebieden van de verschoppelingen buiten het territorium van haar roedel. Maar terwijl haar band met Lira sterker wordt, beseft ze dat overleven misschien haar enige keuze is. Geconfronteerd met gevaren van zowel verschoppelingen als jagers, begint Isla aan een reis die haar op manieren zal testen die ze nooit had verwacht. Met elke stap onthult ze geheimen over haar familie, haar krachten en haar lotsbestemming. Maar zal ze het leven vinden waar ze altijd van droomde, of zal haar verleden haar op de hardst mogelijke manier inhalen? Terwijl Isla zich in het onbekende waagt, zal het lot onthullen dat ze misschien voorbestemd was voor meer dan ze zich ooit had kunnen voorstellen.

Lees

Paranormaal stedelijk

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

I Wanna Ruin Our Friendship

Ik ben altijd 'het stille, nerdy meisje' geweest. Het meisje met haar neus in een boek, het meisje dat mensen nauwelijks opmerken. Maar mijn wereld is veel ingewikkelder dan het lijkt. Zie je, ik ben volkomen, hopeloos verliefd op mijn beste vriend, Logan Reyes-de bad boy die iedereen wil maar niemand vast kan houden. En hij heeft er geen idee van. Logan en ik zijn al eeuwig vrienden. We dollen, we lachen, en we staan dicht bij elkaar. Maar voor hem ben ik gewoon Emma, het meisje aan wie hij alles toevertrouwt-behalve zijn nieuwe veroveringen, zoals Vanessa, de heersende koningin van de school. Ze heeft haar zinnen gezet op Logan en iedereen weet het. Ondertussen delen Logan en ik deze vreemde, onuitgesproken chemie die ik niet kan negeren, ook al doen we alsof het geen groot ding is. Maar alles verandert de avond dat ik word meegesleept in een spelletje flesje draaien op Vanessa's feest. Wanneer de fles op Logan landt, kust hij me voor iedereen-en plotseling is het alsof ik Logan in een heel nieuw licht zie, en hij mij ook anders ziet. Nu geeft hij me aandacht op een manier die verontrustend, opwindend en absoluut verboden is. En net wanneer ik denk dat ik het kan negeren, begint Logan me te achtervolgen-schaamteloos, tegen alle regels in waar hij naar leefde en ondanks de wensen van zijn zogenaamde vriendin. Nu zit ik gevangen in een wervelwind van roddels, jaloezie en emoties die ik nauwelijks aankan. Logan breekt zijn eigen regels voor mij, en hoe harder ik probeer hem te weerstaan, hoe meer ik word teruggetrokken. Maar terwijl we de grens tussen vriendschap en iets veel gevaarlijkers aftasten, staan mijn hart-en het zijne-op het spel.

Lees

Nieuwe Volwassene

I Wanna Ruin Our Friendship

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Carmen Venetti dacht dat ze alles had: een machtige echtgenoot, een bloeiend imperium en de kracht om alles bij elkaar te houden. Maar wanneer Arianna De Luca, Marco's sluwe en beeldschone ex-geliefde, weer opduikt, begint hun ooit onwankelbare huwelijk te barsten. Arianna beweert dat ze de familie Venetti wil helpen hun vijanden te verslaan, maar haar ware motieven zijn even gevaarlijk als geheimzinnig. Naarmate Marco steeds verder verstrikt raakt in Arianna's web van manipulaties, wordt Carmen gedwongen een onmogelijke keuze te maken. Zwanger en met een gebroken hart verlaat ze het leven waarvoor ze zo hard heeft gevochten, vastbesloten haar ongeboren kind te beschermen tegen de giftige chaos die hen dreigt te verslinden. Maar Carmen's afwezigheid verdiept alleen maar Marco's val in Arianna's valstrik. Verblind door ambitie en achtervolgd door fluisteringen van verraad, negeert Marco de waarschuwingssignalen en laat hij Arianna haar greep op zijn imperium versterken. Intussen speelt Arianna een gevaarlijk dubbelspel: ze sluit in het geheim een bondgenootschap met de familie De Luca en beraamt een plan om zelf de troon van de Venetti's te veroveren. Terwijl het vertrouwen afbrokkelt en de allianties verschuiven, worden Carmen en Marco meegesleurd in een zenuwslopende strijd om loyaliteit, liefde en overleving. Zal Marco Arianna's ware bedoelingen op tijd doorzien, of zullen haar intriges alles vernietigen wat de Venetti's hebben opgebouwd-ook hun kans op een gezin? In een wereld waar macht dodelijk is en verraad het ultieme wapen, is de vraag niet alleen wie zal overleven-maar wie uiteindelijk aan de top zal staan.

Lees

Romantiek

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

The Queen of Hearts

De Blackthorn Academy is een particuliere kostschool voor kinderen uit de hogere kringen - erfgenamen van grote bedrijven, Europese aristocratische families, politici en beroemdheden. Ondanks dat Andrea Riley opgroeide in een eenoudergezin, werkte ze keihard om een felbegeerde studiebeurs te bemachtigen en haar plek op de academie te verdienen, in de hoop op een betere toekomst. De missie van de academie is om haar studenten voor te bereiden op toelating tot 's werelds meest prestigieuze universiteiten, maar de sociale omgeving tussen de studenten bereidt hen voor op de harde realiteit van het leven - een realiteit waar de leiding van de academie zich zalig onbewust van blijft. Op Blackthorn wordt de sociale status van een student niet bepaald door de invloed van hun familie of het aantal nullen op hun bankrekening, maar door een kaartspel met hoge inzetten aan het begin van elk semester. Andrea heeft geen keuze dan deel te nemen, want weigeren betekent automatisch de rol van zondebok van de klas krijgen toegewezen. Wanneer ze haar rol ontvangt, trekt ze echter onbedoeld de aandacht van de Sinclair broers - erfgenamen van een machtig wapenfabrikant imperium dat vaak in verband wordt gebracht met de maffia. Andrea had niet gepland om zich door romantiek te laten afleiden van haar studie en dromen van succes, maar iedereen op The Blackthorn Academy weet verdomd goed tenminste een ding: als een van de "koningen" iets wil, krijgt hij het altijd.

Lees

Nieuwe Volwassene

The Queen of Hearts

passion favicon

My Passion

Genres

Over Ons

Contacteer Ons

Geld-Terug-Beleid

Privacybeleid

Gebruiksvoorwaarden

Cookiebeleid

App Installeren

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2026 Passion

XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101