Kadenang Bahaghari por Precious Pages

passion

My Passion

Acción

pollito

Fantasía

Nuevo Adulto

Paranormal urbano

romance

Vaporoso

Thriller de suspense

YA/Adolescente

Biblioteca
searchsearch
eses

ES

Discover
/
Romance
/
Kadenang Bahaghari
Kadenang Bahaghari

Kadenang Bahaghari

Romance

dot
eye

2.5K

Descripción

It is difficult to find oneself in a world full of judgment and discrimination. In this novel, we see the twists and turns of the lives of Willie, Renan, Ed, and Chris – four characters who have taken different paths due to a tragic incident that changed their lives. But in that difference, individual lives. But with that difference, they proved that they were also looking for the same thing. For acceptance.

Romance
Amigos a amantes
Drama
Compañero rechazado
Profesor y alumno

Capítulo 1

Feb 4, 2022

P ara kay Will, isang malaking impiyerno ang Manila International Book Fair. Ito ang parte ng trabaho na ayaw niya. Kasama ang Sinag Publishing House sa mga kalahok sa taunang book fair na ito. Dito siya nagtatrabaho. Isa siya sa mga copy editor at kahit hindi siya direktang nakikipag-usap sa mga mamimili ng mga libro gaya ng mga book seller o nakikipag-usap sa mga diva-divahang manunulat na trabaho naman ng direktor at marketing staff, hindi maaring hindi siya tumulong dito. Lahat silang mga empleyado ng publishing house na iyon, sa pre-press section man o sa marketing section, ay kailangang mag-report sa MIBF. Dito nila isinasagawa ang taunang book launch ng Sinag Publishing House kung saan inilulunsad ang mga bagong libro nitong nakaraang taon. Sabi ni Mrs. Lardizabal, head ng kanilang marketing department, magandang ideya daw ito para i-boost ang sales ng mga libro. Tamang-tama na kasalukuyang inusog ng DepEd at CHED ang petsa ng pagpasok ng klase mula Hunyo at ngayo’y Setyembre na. May panahon pa na magamit ang mga bagong libro sa papasok na academic year ng mga eskuwelahan at pamantasan.

Ang natokang trabaho kay Will sa book fair ay mag-e-mail at imbitahin ang lahat ng awtor na may libro na ni-release nitong nakaraang taon. Utos ni Jess Valbuena, ang kanyang boss, na siya ang gagawing emcee ng book launch dahil magaling daw siya at may personalidad. Ilang beses tumanggi si Will pero sinabi ng kanyang boss na wala na raw iba pang gagawa ng trabahong iyon. May kanya-kanyang toka na ang lahat. Kayang-kaya naman daw niya at mamaniin lang ito kapag nasa entablado na siya. Hindi naman mahirap ang trabaho niya, giit ni Jess.

“Ipakikilala lang ang bawat librong ilulunsad. Si Fermin na ang bahala sa video sa likod. Ipa-flash ang cover ng libro sa screen habang nagsasalita ka. Pagkatapos, tatawagin ang sumulat ng libro. Bigyan mo ng hanggang dalawang minuto ang awtor na bumula ang bibig sa stage para i-promote sa madla ang kanyang libro. `Tapos paupuin mo agad. Huwag mo nang hintayin na kumanta pa o magkuwento tungkol sa kanyang pamilya o sa mga bansang napuntahan. Maikli lang ang speech. Getz?”

Hindi na nagreklamo si Will. Malas daw sa trabaho ang mareklamo. Hindi bale, himutok niya, konting oras lang naman ito. Pagkatapos nito, hindi ako papasok bukas. Magko-call in sick ako.

Taimtim na nakaupo si Will sa kanyang desk habang inumpisahan nang gumawa ng script. Mahaba-haba rin ang kanyang isusulat dahil humigit-kumulang sa dalawampu ang librong nakatayang ilunsad ngayon sa MIBF. Kailangan pa niyang isa-isahing imbitahan ang lahat ng mga awtor nito. Bukas ko na sila ii-email, plano ni Will. Uunahin ko muna ang paggawa nitong script. Mas mahaba at mas mahirap ito.

Nang mag-open ang MIBF sa umaga ng unang araw, isang malaking programa ang inihanda ng BDAP, ang Book Development Association of the Philippines, ang taga-organisa ng book fair sa pakikipagtulungan ng NBDB, ang National Book Development Board, ang sangay ng gobyerno na nakapocus sa pagpapalaganap ng libro at kaalaman sa madla. Inimbitahan nila sina Senador Bam Aquino at Boy Abunda bilang mga panauhing pandangal. May engrandeng pakain sa entablado para sa lahat ng lumahok na publishers at presses. May mangilan-ngilang personalidad at artista rin ang nakitang namimili ng mga libro sa ilang puwesto. Malaki ang kumpiyansa ng mga taga-BDAP at NBDB na mas magiging matagumpay ang book fair na ito kaysa noong mga nakaraang taon.

Sa hapon ang grand book launch ng Sinag Publishing House kaya umaga pa lang ay hilong-talilong na ang mga empleyado nito. Naghanda ng isang maliit na stage sa gawing kanan ng kanilang booth. May ilang lamesita at upuan ang inilaan para sa mga bisitang manunulat. Hiniling ni Will sa management ng book fair na i-advertize ang kanilang book launch mamayang hapon. Hindi nagtagal, pumailanlang sa ere ang script na sinulat niya. Malamig na boses ng isang babae ang maririnig. Ladies and gentlemen, you are cordially invited to the grand book launch of the Sinag Publishing House, which is happening today at 2pm at their booths, booth numbers 39-42. Authors of these soon-to-be-released books will be there to sign copies. That’s the Sinag Publishing House grand book launch, happening today at 2pm at booth numbers 39-42. See you there!

Nag-rehearse silang dalawa ni Fermin tungkol sa video ng mga libro sa isang sulok ng entablado. Kailangang sabay na sabay ang pagpasok ng diyalogo at pag-flash ng screen, mungkahi ni Will sa kausap. In-update nilang dalawa kung sino sa mga awtor ang kumpirmadong dadalo at iyong mga hindi nang sa ganoo’y maging malinis ang daloy ng programa. Huminga siya nang malalim nang makitang ilan sa mga awtor ay nagsisipagdatingan na.

“This is it, Fermin. Break a leg. Good luck sa `tin, p’re,” excited na bati ni Will habang papalapit na binati ang mga dumating.

“Kayang-kaya mo `yan, p’re,” nangingiting sambit ni Fermin. “Okay, people, let’s do this!”

Nagpalakpakan ang mga copy editor, book seller, ang buong management, at marketing team ng Sinag Publishing House. Ang mga photographer na inupahan nilang mag-cover ay naging busy sa pagpindot at pagpa-flash ng kanilang kamera. Itim ang suot ng mga ito. Ang mga nakatoka naman sa reception ay malugod na nagsabit ng lei sa mga lalaking bisita at corsage naman sa mga babae. Isang empleyado ang nag-imbita sa mga dumarating na pumirma sa guest list. May isang malaking photo wall na makikita sa gawing kaliwa ng booth, kumikinang ang malaking logo ng Sinag Publishing House na may isang batang nagbubukas ng libro gamit ang kanang kamay, habang hawak-hawak sa kaliwang kamay ang sul o na umaaninag sa kanyang pagbabasa. Dito pansamantalang nagpakuha ng mga litrato ang mga awtor at piling bisita.

Matagumpay na naidaos ang grand book launch. Natapos ang programa na walang aberya at ang mga tao ay nakangiti. Punong-puno ng pagmamalaki at kasiyahan ang mga empleyado. Kahit pagod, masaya sila. Marami ang naging interesado na bumili ng kanilang mga libro. Hindi maipaliwanag ang kaligayahan at pagmamalaki nina Boss Jess, Mrs. Lardizabal, at mga may-ari ng publishing house, pati na rin ang mga manunulat sa kakayahan ni Will na mag-host ng nasabing launch.

“You acted like a true professional emcee, Will. Congratulations!” bati ni Mrs. Lardizabal. “Have you done hosting jobs before?”

“Hindi po, ma’am,” matipid na sagot ni Will.

“Malalim at no-nonsense ang atake mo sa mga spiels. Ano ba’ng trabaho mo dati? Teacher ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Mrs. Lardizabal.

Hindi kumibo si Will. Alanganing sumagot. Ngumiti na lang ito. Pakiramdam niya ay bahagyang nanginig ang mga labi kaya itinikom niya ito.

“Ay, naku, Ma’am,” sabad ni Jess. “Nobody seems to know where this guy came from and what he did.” Inakbayan ng mahaba niyang kamay ang balikat ni Will. “But he’s a rare find, isn’t he?”

“You are good, Will. Keep it up.” Binigyan ni Mrs. Lardizabal si Will ng isang matamis na ngiti bago ito nakihalubilo sa mga bisita.

Hindi na nagawang magpasalamat pa ni Will sa kausap.

“Sabi ko na sa `yo, Will, kayang-kaya mo `to. Galing mo! Tingnan mo, lahat sila, bilib na bilib sa `yo.”

Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig. Hindi maikakaila na maganda ang pakiramdam niya ngayon. Hindi na niya maalala kung kailan niya uli naramdaman ito. “Salamat, p’re. Trabaho `to. Kelangang galingan.”

“`Sus, `eto na naman si Mister Humble Pie,” seryosong tugon ni Jess. “Magaling ka talaga, Will. Sa copy editing, sa pagsulat ng mga blurbs, sa pag-evaluate ng mga submitted manuscripts. N’un ko pa sinasabi sa `yo, balang-araw, malalaman mo rin na magaling ka. `Di ako nagsisi na kinuha kita.”

“At hanggang ngayon, nagpapasalamat pa rin ako sa `yo,” nakangiting sambit ni Will.

“Kaya kung sino man ang dati mong employer, I’m sure, sising-sisi `yon sa `yo, p’re.”

Natanso si Will. Bumalik uli sa pagiging pipi. Hindi makapagsalita.

“Sige, p’re. Puntahan ko muna `yong ibang naiwang authors. Kelangan mabigyan na sila ng mga complimentary copies,” humahangos na paalam ni Jess.

“Thanks, p’re.” Tanging ang dalawang salitang iyon lang ang nasambit niya. Magkahalong ligaya at katahimikan ang bumalot sa kanyang pagkatao nang hapong iyon.

Pauwi na siya sa Boni at nakatayo sakay ng bus pero hindi pa rin niya makalimutan ang nangyari sa book launch kanina. Natuwa siyang maramdamang nasa kanya pa rin ang kakayahang mag-host at kausapin ang mga tao. Sanay na sanay niyang ginagawa ito sa dati niyang trabaho. Ngayon, ibang-iba ang trabaho niya bilang copy editor. Libro na lang ang kausap niya maghapon. Ang tanging komunikasyon niya ay makipag-usap sa mga karakter ng kanyang binabasang manuskrito. Maski hindi sumasagot ang mga manuskrito sa akin, sa loob-loob ni Will. Trabaho niya ang linisin at palaguin ang mga salitang pinaulanan ng manunulat sa kanyang mga tauhan. Sa trabaho niyang iyon, napagtanto niyang hindi lahat ng manunulat ay marunong palang magsulat. Ang mga copy editor na gaya niya ang nagsasalba sa mga akda para mapaigting ang pagmumundong gustong sabihin ng mga manunulat. Ang mga copy editor ang dakilang anino ng bawat akda. Pinuputol ang mga eksenang hindi kailangan sa kuwento. Inilalarawan nang mas malinaw ang mga tagpong kulang at hindi gaanong eksplikado. Ngunit ang mga copy editor na gaya niya ay nananatiling nakatago, nakakubli sa mga mahahalagang pahina ng manuskrito, habang ang pangalan ng awtor ang gloryosong nakaukit sa pabalat ng libro katabi ang titulo ng akda. Ganoon pa man, mahirap man ang kanyang trabaho at kahit hindi niya maaangkin ang mga librong kanyang pinagpuyatang ayusin at linisin, masaya na siya. Sapat na sa kanya ang manatiling anino. Hindi nga ba para na rin siyang anino nitong mga nakaraang taon? Tahimik siyang nagbilang sa kanyang kamay. Maglilimang taon na pala siya sa Sinag Publishing House.

Naalala niya ang unang pagpasok sa opisina ng palimbagang iyon...

“You are applying as a copy editor here. And yet, you do not have any first-hand experience in copy editing and proofreading manuscripts? How do you expect me to hire you?” prangkang tanong ni Jess noon sa kanya.

“But I am a grammar worm, Sir,” matuon niyang sagot. “I love language and literature. I spent my entire life reading books. I know how to instantly spot errors and lapses in sentence construction, syntax, and transitional paragraphs.”

“But experience is what we’re looking for here,” mabilis na sabad ng boss sa kabilang mesa. “You graduated from college five years ago and didn’t have a job after that. What did you do? Are you a man of leisure?”

“I did some small-time editing of theses and school work. But I hadn’t had a full-time professional work,” nabubulol na esplika ni Will. “Now, I realize that it’s about time I have.”

“I am really sorry, Mr. Sta. Cruz. To be honest, I feel that you are not the best person for this job. But I can have you take our copy editing and proofreading exams. And then we’ll see.”

“Thank you for this chance, Sir,” nakahinga si Will nang maluwag. Sana maipasa ko ito, aniya sa sarili.

At nakapasa nga siya. Pinakamataas ang markang nakuha niya, hindi lang sa mga kumuha sa batch na iyon kundi pati na rin noong mga nakaraan. Pulido at masinsin ang kanyang pagkaka-edit sa mga nakasulat sa pagsusulit. Ramdam niyang natuwa si Sir Jess nang ibinalita sa kanya iyon pero hindi ipinahalata. Hindi katulad ng pagbati sa kanya sa book launch kanina. Pero alam niya sa sarili, magkakasundo sila ng kanyang boss. Mahigpit ito sa trabaho pero parehas ang pagtingin sa lahat. Marunong kumilala ng magandang trabaho. Naging magkaibigan sila agad ni Sir Jess. At ipinatanggal na rin niya ang pagtawag sa kanya ng “sir.” “Tawagin mo na lang akong pare,” anyaya niya. “Ibalik mo na lang `yong ‘sir’ `pag and’yan ang mga bossing,” babala niya.

At ngayon nga, maglilimang taon na siya sa publishing house na iyon. Siya rin ang inirekomenda ni Jess na maging senior copy editor kahit mas marami ang mga nauna sa kanya. “Mas magaling ka naman sa kanilang lahat,” pagmamalaking sabi ni Jess. Nakasalang na daw ang papel niya sa itaas, hinihintay na lang ang approval ng management. Pero wala sa isip ni Will ang ma-promote. Okay na sa kanya ang maging ordinaryong copy editor. Okay na sa kanya ang may trabaho. Basta stable. Basta walang intriga.

Nakuha na niyang bumaba ng bus sa istasyon ng MRT sa Boni nang hindi man lang nakakaupo. Mula sa Mall of Asia, siksikan at tayuan ang mga tao. Nang makababa, pinagpag ni Will ang polo sa bandang dibdib para makapasok ang hangin. Binuksan ang unang butones at dinukot ang panyo para pahiran ang namumuong pawis sa noo at pisngi. Sumakay siya sa isang maliit na traysikel papuntang Barangka. Ngayon pa lang siya makakauwi. Tiningnan ang oras sa kanyang relo na nasa kaliwang braso. Pasado alas-nuwebe na ng gabi.

Pagbukas ng pinto ng kuwartong inuupahan, mabilis niyang binuksan ang laptop na nakalapag sa kanyang kama. Low batt na pala ito kaya isinaksak niya ang kurdon at nagtsek ng e-mail. Sinagot niya ang mga tanong ng ilang awtor tungkol sa kanilang royalties. Gusto sana niyang sagutin ng: Hindi ako ang dapat pagtanungan ng royalties para sa inyong mga akda na hindi naman kayo ang nagsulat lahat. Doon kayo sa accounting magtanong. Dapat nga, kasama ako sa royalty dahil ako ang nag-ayos at nagpaganda ng mga gawa n’yo. Pero siyempre, hindi iyon ang reply niya. Maayos at magalang ang kanyang mga sagot sa e-mail.

Binuksan niya ang kanyang Facebook. WILL HOLY CROSS ang pangalan niya sa FB. Ang mga kasamahan lang niya sa trabaho ang nakakaalam ng kanyang FB account. Madalas siyang buskahin ng mga kasamahan na walang kabuhay-buhay ang kanyang FB. Wala pa sa limampu ang kanyang FB friends. Wala ring makitang kaaya-aya dito dahil wala siyang pinopost. Naka-security mode pa ang setting.

“Ang hirap mo palang maging kaibigan,“ biro ng isa.

“Masyado kang pribado, Will. Siguro serial killer ka,” alaska naman ng isa pa.

Nginingitian na lang niya ang mga ito at hindi nagpapa-apekto. Sanay na sanay na siya. Mabuti na ang ganitong pribado , rason niya sa sarili. Kaysa naman sa nakabulatlat lahat. Baka hindi ko na kayanin uli ang nangyari sa akin noon. Nakaramdam siya ng kaunting kaba nang sumagi sa kanyang isip ang nakaraan.

Nagkalat ang mga litrato sa matagumpay na book launch kaninang hapon. Pinost na pala ng mga photographer at ilang mga bisita at kasamahan sa trabaho ang mga litrato at walang pakundangang mga selfie at groupfie. Naka-tag siya sa mga post. Magaganda ang mga kuha ng mga propesyonal na photographer. Maaayos at malilinaw. Kitang-kita ang kumpas ng kanyang mga kamay at buka ng bibig habang nagsasalita. Para siyang bihasang kundoktor ng isang orkestra. Para siyang guro na tahas ang pagtuturo sa klase. Bakas sa mga mukha ng manonood ang kasiyahan. Pero ayaw niyang naka-tag siya kaya isa-isa niyang in-untag ang mga litratong may pangalan niya.

Tumunog ang kanyang laptop. May lumabas na pulang marka sa kanyang notification icon. Isang friend request, galing kay RENE É BALLET STORIES. Hindi niya maalalang may kaibigan siyang ganoon ang pangalan. Hindi ito pangalan ng tao, palagay niya. Siguro, kompanya ito. O isang grupo ng mga ballet dancer.

Bakit naman ako padadalhan ng request ng isang ballet school? Hindi naman ako sumasayaw. Hindi rin ako mahilig manood ng ballet o opera. Sino ba itong nag-send ng friend request, tanong niya sa sarili.

Tiningnan niya ang page ng nag-send ng friend request. Naghanap ng pamilyar na mukha o lugar. Wala siyang nakita. Puro litrato ng mga lugar sa Amerika. May kuha ng Statue of Liberty. Meron din ng Central Park. Ng San Francisco Golden Gate Bridge. Ng Alcatraz. Ng Main Strip sa Las Vegas. Pero walang litrato ng tao.

Ano ba namang klaseng tao ito, tanong ni Will. Gustong makipagkaibigan pero wala namang makuha sa page niya.

Akmang ide-delete na sana ni Will ang request nang tumunog ang notification ng kanyang Messenger. Dito napasandal siya sa kanyang upuan nang mabasa ang nakasaad sa message:

Willie, is that you? Si Renan ito. Renan Ballesteros. Sa akin `yong account na Reneé Ballet Stories. Please confirm my friend request. God, I’ve been looking for you. For so long. Please? Please!

Hindi siya makagalaw sa kanyang kinauupuan. Hindi niya naramdamang kinukuryente na pala ang kanang kamay dahil matagal niyang naupuan ito at naubusan ng dumadaloy na dugo. Kilala niya ang pangalang iyon. Kilalang-kilala.

Kadenang Bahaghari

Kadenang Bahaghari

27 Capítulos

close

book

27

Contenido

add to library button

Guardar

Passion Exclusives

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

Felicia se encuentra atrapada en un matrimonio sin amor con el frio y dominante Alfa Damien. A pesar de sus esperanzas de que un hijo pudiera ablandar su corazon, su mundo se desmorona cuando descubre el apasionado afecto de el por otra mujer. Con el corazon roto pero decidida, Felicia exige el divorcio. Cinco anos despues de dejar a su poderoso esposo Alfa, Felicia lleva una vida tranquila con sus hijos gemelos, escondiendose del pasado. Pero cuando el Festival de la Luna Llena la enfrenta cara a cara con Damien, el padre de sus hijos, todo cambia.

Leer

Romance

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Isla Thorne siempre ha sido la marginada de su manada, una decepcion para sus padres Alfa y un misterio para todos los demas. Como hija de poderosos lideres en la manada Midnight Crest, deberia haber tenido una vida prometedora, pero su hermana gemela, Seraphine, se aseguro de que eso nunca sucediera. Al difundir rumores de que Isla carece de un lobo, Seraphine la ha mantenido confinada en las sombras, practicamente prisionera en su propia casa. A pesar del desprecio de su familia y la crueldad de su hermana, Isla esconde un precioso secreto: una feroz loba llamada Lira, que acudio a ella en un momento de desesperacion en su decimoctavo cumpleanos. Cada dia, Isla espera a su pareja destinada, la unica persona que cree que podria amarla incondicionalmente y tal vez incluso liberarla de esta vida de verguenza. Pero a medida que pasan los meses, la esperanza se desvanece y el tormento de Seraphine se intensifica. Cuando una peligrosa traicion de su hermana fuerza a Isla al exilio, descubre hasta donde esta dispuesta a llegar su familia para mantenerla oculta, una verdad que la sacude hasta la medula. Impulsada a sobrevivir, Isla escapa, encontrandose sola e insegura en las tierras de los renegados mas alla del territorio de su manada. Pero a medida que su vinculo con Lira se fortalece, se da cuenta de que la supervivencia puede ser su unica opcion. Enfrentando peligros tanto de renegados como de cazadores, Isla emprende un viaje que la pondra a prueba de maneras que nunca espero. Con cada paso, descubre secretos sobre su familia, sus poderes y su destino. Pero ¿encontrara la vida que siempre sono, o su pasado la alcanzara de la manera mas cruel? Mientras Isla se aventura en lo desconocido, el destino revelara que quizas estaba destinada a algo mas grande de lo que jamas imagino.

Leer

Paranormal urbano

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

I Wanna Ruin Our Friendship

Siempre he sido "la chica callada y nerd". La chica con la nariz metida en un libro, la chica que apenas notan. Pero mi mundo es mucho mas complicado de lo que parece. Veran, estoy total y desesperadamente enamorada de mi mejor amigo, Logan Reyes-el chico malo que todas quieren pero nadie logra retener. Y el no tiene idea. Logan y yo hemos sido amigos desde siempre. Bromeamos, reimos y somos cercanos. Pero para el, soy solo Emma, la chica en quien puede confiar para todo-excepto para hablar de sus nuevos romances, como Vanessa, la abeja reina de la escuela. Ella tiene la mira puesta en Logan y todos lo saben. Mientras tanto, Logan y yo compartimos esta extrana quimica tacita que no puedo ignorar, aunque actuemos como si no fuera gran cosa. Pero todo cambia la noche en que me veo envuelta en un juego de la botella en la fiesta de Vanessa. Cuando la botella senala a Logan, el me besa frente a todos-y de repente, es como si viera a Logan bajo una nueva luz, y el tambien me ve diferente. Ahora me presta atencion de una manera que es inquietante, emocionante y absolutamente prohibida. Y justo cuando creo que puedo ignorarlo, Logan comienza a perseguirme-sin verguenza, contra todas las reglas por las que ha vivido y a pesar de los deseos de su supuesta novia. Ahora, estoy atrapada en un torbellino de chismes, celos y emociones que apenas puedo manejar. Logan esta rompiendo sus propias reglas por mi, y cuanto mas trato de resistirme, mas me siento atraida. Pero cuando estamos caminando en la linea entre la amistad y algo mucho mas peligroso, mi corazon-y el suyo-estan en juego.

Leer

Nuevo Adulto

I Wanna Ruin Our Friendship

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Carmen Venetti pensaba que lo tenia todo: un esposo poderoso, un imperio prospero y la fuerza para mantenerlo unido. Pero cuando Arianna De Luca, la astuta y hermosa ex amante de Marco, reaparece, su matrimonio, antes inquebrantable, comienza a resquebrajarse. Arianna afirma que esta alli para ayudar a la familia Venetti a aplastar a sus enemigos, pero sus verdaderos motivos son tan peligrosos como secretos. A medida que Marco se enreda cada vez mas en la telarana de manipulaciones de Arianna, Carmen se ve obligada a tomar una decision imposible. Embarazada y con el corazon roto, abandona la vida que tanto ha luchado por proteger, jurando resguardar a su hijo no nacido del veneno y el caos que amenazan con consumirlos. Pero la ausencia de Carmen solo profundiza la caida de Marco en la trampa de Arianna. Cegado por la ambicion y atormentado por susurros de traicion, Marco ignora las senales de advertencia y permite que Arianna refuerce su dominio sobre su imperio. Mientras tanto, Arianna juega un peligroso doble juego, aliandose en secreto con la familia De Luca y conspirando para quedarse con el trono de los Venetti. A medida que la confianza se desmorona y las alianzas cambian, Carmen y Marco se ven arrastrados a una batalla de alto riesgo por la lealtad, el amor y la supervivencia. ¿Descubrira Marco las verdaderas intenciones de Arianna antes de que sea demasiado tarde, o sus intrigas destruiran todo lo que los Venetti han construido, incluida su oportunidad de formar una familia? En un mundo donde el poder es mortal y la traicion es el arma definitiva, la pregunta no es solo quien sobrevivira, sino quien saldra victorioso.

Leer

Romance

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

passion favicon

My Passion

Géneros

Acerca de Nosotros

Contáctanos

Política de Reembolso

Política de Privacidad

Términos de Uso

Política de Cookies

Instalar App

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2026 Passion

XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101