Ymar Stroam (Possessive Series 7) por Precious Pages

passion

My Passion

Acción

pollito

Fantasía

Nuevo Adulto

Paranormal urbano

romance

Vaporoso

Thriller de suspense

YA/Adolescente

Biblioteca
searchsearch
eses

ES

Discover
/
Sensual
/
Ymar Stroam (Possessive Series 7)
Ymar Stroam (Possessive Series 7)

Ymar Stroam (Possessive Series 7)

Vaporoso

dot
eye

2.4K

Descripción

There are three words to describe the famous Dr. Ymar Stroam who owns the very successful and well-known. Serious. Intimidating. Snobbish. While Czarina Salem is jolly and energetic. There's a vast difference between them. Until one night, there was a knock on Czarina's door. It was none other than her hunky neighbor, the Doctor Hottie. What the hell was happening? Has the world ended and they’re the only ones left alive?

Emoción
Seguir Adelante
Pasiones
Único
Sexy
Romance

Capítulo 1

Feb 4, 2022

IT WAS a chilly night. Niyakap ni Czarina ang sarili habang naglalakad papasok sa Club Inoxentes. Sa hindi niya malamang kadahilanan, gusto niyang uminom ngayong gabi. She felt like getting alcohol in her system. Mula kasi nang makapagpatayo siya ng sariling clinic ay naging abala na siya palagi at nawalan na siya ng oras para sa sarili.

Malakas siyang napabuntong-hininga saka umupo sa bakanteng mesa. Hindi pa siya nakaka-order ng alak nang may lumapit sa kanya.

“Cza?”

Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses ng dalawang taon din niyang naging boyfriend. Si Roy.

“Ikaw nga!” nakangiting sabi ni Roy nang magtama ang mga mata nila. Bumaling ang lalaki sa babaeng nakaangkla sa braso nito, ang babaeng ipinagpalit nito sa kanya. “Babe, look who’s here. Sino’ng mag-aakala na may alam palang club itong ex ko?”

Pasimpleng kumuyom ang kamay ni Czarina. She hated running with these two thick faces. Ang mga ito na nga ang nanloko sa kanya, ang dalawang ito pa ang may ganang kutyain siya. Mga walanghiya!

“She knows how to have fun after all.” Binuntutan pa iyon ng babae ng nakakairitang bungisngis.

Huminga siya nang malalim para hindi tumaas ang kanyang dugo. She was a professional. Gusto man niyang sabunutan at ingudngod ang walanghiyang babaeng lumandi sa kanyang ex-boyfriend, hindi gagawin ni Czarina iyon dahil may pinag-aralan siyang tao. Huwag nga lang siyang sasagarin dahil talagang magiging brutal siya.

“Nah.” Parang nang-iinsultong tumawa si Roy. “She doesn’t know how to have fun. Kissing is fun but she doesn’t even know how to kiss.”

Nainsulto si Czarina sa sinabi ni Roy pero pinigilan pa rin niya ang sarili.

Kalma, Cza. Baka makapatay ka kapag hindi ka kumalma, pagkausap niya sa sarili bago pa maubos ang kanyang pasensiya.

“Hindi siya marunong humalik?” Humagikgik ang babae ni Roy. “My God! Nakakaawa.”

Malakas siyang napabuntong-hininga saka tumayo at humarap sa dalawang makakapal ang mukha. “Tapos na kayo?”

Tinaasan siya ng kilay ng babae. “Eh, ano naman sa `yo? Kaya ka pinagpalit, eh. Dahil hindi ka pala marunong humalik.” Tumawa pa ito nang nakakainsulto. “My God, nakakaawa ka naman.”

Malamig at peke siyang tumawa. “Kung tapos na kayo, ako naman.” Kinuha ni Czarina ang margarita na nasa tray ng waiter na dumaan sa kanila at isinaboy ang laman niyon sa katawan ng babae at ni Roy. Ngumisi siya. “Oops! My bad. And for the record, I’m not a bad kisser, I just dislike kissing you,” sabi niya kay Roy saka walang sabi-sabing hinawakan sa pupulsuhan ang lalaking dumaan malapit sa kanila at hinalikan ito.

It was a bold move, a shameless move, but she wanted to save her pride and dignity. Hindi niya hahayaang pagtawanan siya ng dalawa. Gusto niyang ipakita sa dalawang walanghiya na walang katotohanan ang mga pinagsasasabi ng kanyang ex-boyfriend.

Alam ni Czarina na nakatingin pa sa kanya si Roy kaya naman ginalaw niya ang mga labi at ginagad ang labi ng lalaking basta na lang hinalikan. Sa hindi niya malamang kadahilanan, nagustuhan niya ang mga labi ng estranghero. Napakalambot niyon at napakabango ng hininga. Lalo siyang nadarang sa halik na siya ang nagsimula nang tugunin din ng lalaki ang kanyang halik.

She was shameless to kiss a stranger but her shame was nowhere to be found as she kissed the stranger fervently. Napahawak pa si Czarina sa batok ng lalaki para palalimin ang halik na pinagsasaluhan nila. Hindi rin niya napigilan ang mahihinang halinghing na kumawala sa kanyang mga labi tuwing nagtatagpo ang mga dila nila ng estranghero. Kinakagat nito ang kanyang mga labi na para bang nanggigigil.

Czarina couldn’t help but moan in pleasure. She was enjoying the kiss that she forgot her ex-boyfriend who was watching them. Kaya naman nang maalala si Roy ay doon siya nahimasmasan saka parang napaso na itinulak palayo ang lalaking kahalikan at napabaling sa kinatatayuan ng ex-boyfriend niya kanina.

Nang hindi niya nakita si Roy, mahina siyang napamura saka wala sa sariling napatingin sa harap niya.

A set of blue-gray eyes stared back at her. And her eyes couldn’t help but roam around his handsome face.

“Why did you kiss me?” he asked as he sexily rolled his tongue in between his lips.

Napakurap-kurap si Czarina saka bahagyang yumukod. “I’m sorry,” hinging-paumanhin niya saka tumalilis ng alis.

“Hey, lady!” tawag sa kanya ng lalaki pero hindi niya ito pinansin.

Lakad-takbo ang ginawa niya hanggang sa makalabas siya ng club. Mabilis siyang pumara ng taxi at agad na nagpahatid sa kanyang bahay.

This was the first time in a long time that she went to a club, and this happened. God! Gaano ba siya kamalas? At bakit ba siya nanghalik ng estranghero? Wala naman siyang dapat patunayan sa ex-boyfriend niyang gago!

But that blue-gray eyed guy is really gorgeous, sabi ni Czarina sa isip.

“Yeah,” sang-ayon niya. “He is.”

Napailing si Czarina saka inihilamos ang kamay sa mukha. She shouldn’t have kissed a total stranger just to prove a point to her jackass ex-boyfriend. Dapat hinayaan na lang niya ang dalawa.

But, no! Inaapakan na ng mga ito ang kanyang pagkatao! She won’t let them! Pasalamat na lang siya at guwapong lalaki ang estrangherong basta na lang niyang hinalikan.

But darn, he was a very good kisser. Mukhang mahihirapan siyang kalimutan ang halik na pinagsaluhan nilang dalawa.

Malakas siyang napabuntong-hininga saka nagbayad at lumabas ng taxi. Mula sa gate ng village, naglakad lang was Czarina papunta sa bahay niya. Her neighborhood was a safe place, kaya naman malakas ang loob niyang maglakad kahit gabi na. Nang makarating sa kanyang bahay ay agad niyang hinubad ang sapatos saka naupo sa malambot at mahabang sofa.

Ilang segundo pa lang siyang nagpapahinga nang tumunog ang cell phone niya.

It was her mother calling.

“Mom,” bati ni Czarina nang sagutin ang tawag. “Good evening. Napatawag po kayo. Kumusta?”

“Good morning sa `yo, baby,” sabi ng ina sa kabilang linya na may bahid na ngiti sa mga labi. Nasa ibang bansa ito kaya naman magkaiba ang oras nilang dalawa. “Okay lang naman kami rito sa Canada ng daddy mo. Napatawag ako kasi gusto kong magtanong kung kumusta na ang ipinangako mo sa `min. Tumatanda na kami ng daddy mo, Cza, at nangako ka sa amin na bago ka mag-thirty ay may-asawa ka na. But last time I checked, naka-lock pa ang bataan mo.”

Umikot ang kanyang mga mata. “Mommy, hindi naman kasi ganoon kadaling humanap ng lalaking matino, `no,” nakasimangot na sabi niya. “Iniisip ko nga na magpabuntis na lang ako dahil ayokong mag-asawa. Less problema pa kapag ganoon. Men tend to cheat after years of marriage.”

“Nagka-phobia ka talaga dahil sa ginawa ng first boyfriend mo.” Bumuntong-hininga ang kanyang ina. “Basta tandaan, ang pangako ay pangako. Kung hindi, mapipilitan kaming kunin ka riyan sa Pilipinas at dalhin dito sa Canada. Pinagbigyan ka lang namin diyan dahil sabi mo gusto mong Pilipino ang maging ama ng magiging anak mo.”

Czarina smiled. She can still remember the deal she made with her parents two years ago. Alam niya kung gaano kahalaga sa mga magulang ang salitang pangako kaya dapat talaga niyang tuparin ang usapan nila.

Sana nga madaling makahanap ng lalaking hindi ako lolokohin. She snorted. Sa panahon ngayon, kahit hayop, manloloko na rin.

“Mommy, I have to go. Kakain pa kasi ako, eh,” pagdadahilan niya. “Bye. Mwah. `Love you.”

Mabilis niyang pinutol ang tawag at tinawagan ang paboritong pizza house. Nagpa-deliver siya ng Italian cheesy pizza. Dahil wala namang nangyari sa pagka-club niya, kakain na lang siya at paparesan iyon ng red wine. Yummy!

Sana naman, hindi na muna tumawag si Mommy. Napi-pressure lang siyang lalo.

Habang hinihintay ang pizza ay nagpunta si Czarina sa kusina at nagsalin ng red wine sa wineglass habang kumakain ng saging. Iyon ang pinakapaborito niyang prutas sa lahat, maliban sa mahaba, masarap pa at masustansiya.

Napangiti siya sa naiisip saka bumalik sa sala habang kumakain pa rin ng saging. Ang sarap talaga ng saging at ang sarap sa feeling na may sarili na siyang bahay ngayon.

Nakangiting ipinalibot ni Czarina ang paningin sa kabuuan ng bahay niya. She felt proud. Dugo at pawis ang puhunan para mabili niya ang bahay na iyon. It was her dream house.

Siguro naman ngayon na may sarili na siyang bahay, hindi na siya basta-basta papupuntahin ng kanyang mga magulang sa Canada kung saan doon na ang mga ito naninirahan. Her parents were both doctors. And they both decided to work abroad. Pero siya, wala siyang balak na mag-abroad. Ayaw niya. Mas nag-e-enjoy siyang manatili sa Pilipinas.

Umupo siya ulit sa sofa at kinuha mula sa ilalim ng center table ang isang malapad at makapal na psychiatric book habang sumisimsim ng wine. Gusto niyang maging doktor ng mga baliw kaya naman nag-aaral siya ulit. Sabado at Linggo lang naman ang kanyang pasok kaya napagsasabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral.

Nang dumating ang pizza na in-order ay nag-umpisa siyang basahin ang libro. Ilang oras ang lumipas bago niya natapos basahin ang isang kabanata. Nang tamarin, inabot niya ang magazine na nasa ilalim din ng center table saka binuklat iyon para pampalipas ng oras habang hinihintay niyang antukin siya.

Wala sa sariling bumalik na naman ang isip ni Czarina sa lalaking hinalikan sa club. Umangat ang kamay niya saka napahawak sa kanyang mga labi. Napakalambot ng labi nito at napakabango ng hininga.

Magkikita pa kaya kami? Ipinilig ni Czarina ang ulo saka itinuon ang atensiyon sa magazine na binabasa. She hoped not. It would be really, really awkward.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa nang marinig na tumunog ang doorbell ng kanyang bahay. Tumaas ang isang kilay niya. Sino ang nasa labas ng bahay sa ganitong oras? Out of curiosity, she stood up to open the door.

Para siyang tinakasan ng dugo nang magtama ang mga mata nila ng taong nasa labas.

It was the guy from the club! It was him!

Mukhang nagulat din ito katulad niya nang makita siya.

“You…” hindi makapaniwalang sabi ng lalaki habang titig na titig sa kanya.

Umawang ang mga labi ni Czarina saka nagtataka at kinakabahang nagtanong. “A-ano’ng kailangan mo?” Nang hindi ito sumagot ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Look, if it’s about the kiss… forget it. It was just a kiss. I’m sorry that I kissed you without asking you, and please, kalimutan mo na `yon dahil wala naman sa `kin `yon,” mabilis niyang paliwanag.

“Patas na tayo pagkatapos nito,” sabi ng lalaki saka pumikit. Nang dumilat ay may nang-aakit na ngiti na ito na nakaguhit sa mga labi.

Tumibok nang mabilis ang puso ni Czarina nang makita ang ngiti ng lalaki. What the hell! That freaking smile! That smile was enough to loosen her panties, for God’s sake! And her heart… her heart was hammering inside her chest. Dahil lang sa ngiti nito, nagwawala na ang puso niya.

What’s happening to me?

“Lose that smile, damn it,” mahina niyang sabi na may halong pagkainis.

Pero lalo pang lumapad ang ngiti ng lalaki dahilan na naman para manginig ang kanyang mga tuhod. Shit! Balak ba ng lalaking ito na mawalan siya ng malay at maospital?

“Ready?” tanong nito.

She frowned, confused. “Ready for what?”

The handsome man in front of her gripped the back neckline of his shirt and pulled it over his head.

Napanganga si Czarina nang makita ang half-naked na katawan nito. Parang nanuyo ang kanyang lalamunan nang tumuon ang tingin niya sa abs ng lalaki. Kahit hindi hawakan alam niyang matitigas iyon.

Oh, my God! She was having a hard time breathing.

“A-ano ba ang g-ginagawa mo?” nauutal niyang tanong sa lalaki na matiim at nang-aakit na nakatingin sa kanya.

Hindi pa siya nakaka-recover sa matitipuno nitong katawan nang bigla na lang nitong hubarin ang pantalon na suot.

Napasinghap si Czarina at sinapo ang kanyang bibig. “Oh… My… God…” anas niya habang nakatingin sa gitnang bahagi ng hita nitong natatakpan ng boxers shorts. It was bulging! It was freaking bulging!

Breath, Czarina. Breath!

Lumalim ang kanyang paghinga saka napalunok nang hawakan ng lalaki ang waistband ng suot na boxer, kinindatan siya saka mabilis na ibinaba iyon.

Her eyes bulged. Her mouth gaped open. Her legs trembled and her mind went blank. Holy mother of God! Hindi siya makapag-isip nang tama habang hindi makapaniwalang nakatitig sa ibang uri nang saging na nasa kanyang harap.

Holy crap! Crap! Holy! Crap! He was naked. And he’ was long and big and aroused. Ni hindi niya maialis ang tingin sa pagkalalaki nitong nakahain sa kanyang harap at pinagpipiyestahan ng kanyang mga mata.

Mabilis ang pagkabog ng dibdib ni Czarina habang nakatanga sa walang takip nitong pagkalalaki na nakabalandra sa kanyang harap. At mukhang wala itong balak na takpan iyon.

Oh, God! Naeeskandalo siya sa nakikita pero hindi naman niya magawang alisin ang tingin doon hanggang sa nagdamit ulit ang lalaki. Isinuot na rin nito ang t -shirt. Mayamaya ay inisang-hakbang lang ng lalaki ang pagitan nila saka walang sabi-sabing inilapat nito ang mga labi sa kanyang mga labi.

And she just stood there, unmoving.

Nang pakawalan ng lalaki ang kanyang mga labi, kinindatan siya nito saka lumapit sa kanya at bumulong. “By the way, I’m your neighbor.”

Nakaawang pa rin ang mga labi ni Czarina habang nakatingin sa papalayong bulto ng lalaki. Ilang beses siyang napakurap-kurap bago bumalik sa tamang huwisyo ang kanyang isip.

Was it just a dream?

She turned around and accidentally hit her face on the door.

“Aray!” Nasapo ni Czarina ang noo na tumama sa pinto at hinimas-himas iyon. “Shit! I am so not dreaming!”

Isinara niya ang pinto ng bahay saka napasandal sa likod niyon. Mayamaya ay parang nanghihinang napadausdos siya ng upo sa sahig.

“What the hell just happened?”

Ymar Stroam (Possessive Series 7)

Ymar Stroam (Possessive Series 7)

24 Capítulos

close

book

24

Contenido

add to library button

Guardar

Passion Exclusives

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

Felicia se encuentra atrapada en un matrimonio sin amor con el frio y dominante Alfa Damien. A pesar de sus esperanzas de que un hijo pudiera ablandar su corazon, su mundo se desmorona cuando descubre el apasionado afecto de el por otra mujer. Con el corazon roto pero decidida, Felicia exige el divorcio. Cinco anos despues de dejar a su poderoso esposo Alfa, Felicia lleva una vida tranquila con sus hijos gemelos, escondiendose del pasado. Pero cuando el Festival de la Luna Llena la enfrenta cara a cara con Damien, el padre de sus hijos, todo cambia.

Leer

Romance

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Isla Thorne siempre ha sido la marginada de su manada, una decepcion para sus padres Alfa y un misterio para todos los demas. Como hija de poderosos lideres en la manada Midnight Crest, deberia haber tenido una vida prometedora, pero su hermana gemela, Seraphine, se aseguro de que eso nunca sucediera. Al difundir rumores de que Isla carece de un lobo, Seraphine la ha mantenido confinada en las sombras, practicamente prisionera en su propia casa. A pesar del desprecio de su familia y la crueldad de su hermana, Isla esconde un precioso secreto: una feroz loba llamada Lira, que acudio a ella en un momento de desesperacion en su decimoctavo cumpleanos. Cada dia, Isla espera a su pareja destinada, la unica persona que cree que podria amarla incondicionalmente y tal vez incluso liberarla de esta vida de verguenza. Pero a medida que pasan los meses, la esperanza se desvanece y el tormento de Seraphine se intensifica. Cuando una peligrosa traicion de su hermana fuerza a Isla al exilio, descubre hasta donde esta dispuesta a llegar su familia para mantenerla oculta, una verdad que la sacude hasta la medula. Impulsada a sobrevivir, Isla escapa, encontrandose sola e insegura en las tierras de los renegados mas alla del territorio de su manada. Pero a medida que su vinculo con Lira se fortalece, se da cuenta de que la supervivencia puede ser su unica opcion. Enfrentando peligros tanto de renegados como de cazadores, Isla emprende un viaje que la pondra a prueba de maneras que nunca espero. Con cada paso, descubre secretos sobre su familia, sus poderes y su destino. Pero ¿encontrara la vida que siempre sono, o su pasado la alcanzara de la manera mas cruel? Mientras Isla se aventura en lo desconocido, el destino revelara que quizas estaba destinada a algo mas grande de lo que jamas imagino.

Leer

Paranormal urbano

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

I Wanna Ruin Our Friendship

Siempre he sido "la chica callada y nerd". La chica con la nariz metida en un libro, la chica que apenas notan. Pero mi mundo es mucho mas complicado de lo que parece. Veran, estoy total y desesperadamente enamorada de mi mejor amigo, Logan Reyes-el chico malo que todas quieren pero nadie logra retener. Y el no tiene idea. Logan y yo hemos sido amigos desde siempre. Bromeamos, reimos y somos cercanos. Pero para el, soy solo Emma, la chica en quien puede confiar para todo-excepto para hablar de sus nuevos romances, como Vanessa, la abeja reina de la escuela. Ella tiene la mira puesta en Logan y todos lo saben. Mientras tanto, Logan y yo compartimos esta extrana quimica tacita que no puedo ignorar, aunque actuemos como si no fuera gran cosa. Pero todo cambia la noche en que me veo envuelta en un juego de la botella en la fiesta de Vanessa. Cuando la botella senala a Logan, el me besa frente a todos-y de repente, es como si viera a Logan bajo una nueva luz, y el tambien me ve diferente. Ahora me presta atencion de una manera que es inquietante, emocionante y absolutamente prohibida. Y justo cuando creo que puedo ignorarlo, Logan comienza a perseguirme-sin verguenza, contra todas las reglas por las que ha vivido y a pesar de los deseos de su supuesta novia. Ahora, estoy atrapada en un torbellino de chismes, celos y emociones que apenas puedo manejar. Logan esta rompiendo sus propias reglas por mi, y cuanto mas trato de resistirme, mas me siento atraida. Pero cuando estamos caminando en la linea entre la amistad y algo mucho mas peligroso, mi corazon-y el suyo-estan en juego.

Leer

Nuevo Adulto

I Wanna Ruin Our Friendship

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Carmen Venetti pensaba que lo tenia todo: un esposo poderoso, un imperio prospero y la fuerza para mantenerlo unido. Pero cuando Arianna De Luca, la astuta y hermosa ex amante de Marco, reaparece, su matrimonio, antes inquebrantable, comienza a resquebrajarse. Arianna afirma que esta alli para ayudar a la familia Venetti a aplastar a sus enemigos, pero sus verdaderos motivos son tan peligrosos como secretos. A medida que Marco se enreda cada vez mas en la telarana de manipulaciones de Arianna, Carmen se ve obligada a tomar una decision imposible. Embarazada y con el corazon roto, abandona la vida que tanto ha luchado por proteger, jurando resguardar a su hijo no nacido del veneno y el caos que amenazan con consumirlos. Pero la ausencia de Carmen solo profundiza la caida de Marco en la trampa de Arianna. Cegado por la ambicion y atormentado por susurros de traicion, Marco ignora las senales de advertencia y permite que Arianna refuerce su dominio sobre su imperio. Mientras tanto, Arianna juega un peligroso doble juego, aliandose en secreto con la familia De Luca y conspirando para quedarse con el trono de los Venetti. A medida que la confianza se desmorona y las alianzas cambian, Carmen y Marco se ven arrastrados a una batalla de alto riesgo por la lealtad, el amor y la supervivencia. ¿Descubrira Marco las verdaderas intenciones de Arianna antes de que sea demasiado tarde, o sus intrigas destruiran todo lo que los Venetti han construido, incluida su oportunidad de formar una familia? En un mundo donde el poder es mortal y la traicion es el arma definitiva, la pregunta no es solo quien sobrevivira, sino quien saldra victorioso.

Leer

Romance

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

passion favicon

My Passion

Géneros

Acerca de Nosotros

Contáctanos

Política de Reembolso

Política de Privacidad

Términos de Uso

Política de Cookies

Instalar App

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2026 Passion

XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101