Eneru Villasis (Stallion Series 2) von Precious Pages

passion

My Passion

Aktion

Chicklit

Fantasie

Neue Erwachsene

Paranormal städtisch

Romanze

Dampfig

Suspense-Thriller

YA/Jugendliche

Bibliothek
searchsearch
dede

DE

Discover
/
Neue Erwachsene
/
Eneru Villasis (Stallion Series 2)
Eneru Villasis (Stallion Series 2)

Eneru Villasis (Stallion Series 2)

Neue Erwachsene

dot
eye

120

Beschreibung

"When I saw you again, that was when I knew that I wasn't healing myself the right way. Because of every woman who became my girlfriend, I'm looking for a part of you."

Weitergehen
Neue Erwachsene
Romanze
Heiß
Geheimnis
Wild

Kapitel 1

Nov 28, 2025

Chapter 1

 

1

 

 

S o, what’s new at the Club?” Inilipat ni Eneru ang cellphone sa kabilang tenga habang nakatutok lang ang mga mata sa kalsadang dinaraanan ng sasakyan niya. “Ilang linggo rin akong naburo sa Las Vegas. Nami-miss ko na nga si Mirage.” Iyon ang kanyang most-prized Arabian stallion horse.

Papasok na sila ni Trigger, ang kausap niya sa cellphone at nasa kabilang sasakyan, sa private road na sakop ng malawak na lupain ng Stallion Riding Club kung saan pareho silang exclusive member. Kaya naman okay lang na makapag-usap na sila ngayon sa cellphone habang nagmamaneho.

“Have you heard the news? Jubei got married.”

“Really? Kung gano’n, natuloy na rin pala sila sa simbahan ni Rumina. You know, I never really thought they would end up together. I mean, Jubei’s kind of boring. He needs someone with a lot of attitude—”

“Hindi si Rumina ang pinakasalan niya. Someone else. Her name is Temarrie. And I’m telling you, that girl has so much attitude in her. Kaya siguro hindi na nakaporma pa si Jubei sa kanya.”

“Hah. Well, what do you know?” Natural lang na mabigla siya. Ever since Jubei joined the club, si Rumina lang ang tanging babaeng binigyan nito ng pansin. “Mabuti naman at ginagamit din ni Jubei ang puso niya at hindi lang laging isip. I can’t wait to meet his wife.”

“Huwag na. Baka magaya ka lang kay Neiji. Muntik na silang magpang-abot doon sa club no’ng kelan lang dahil pinagselosan siya ni Jubei.”

“Kailan pa naging possessive ang isang iyon?”

“Mula nang mag-asawa siya.”

Napangisi si Eneru. “Mukhang interesting nga ang babaeng napangasawa niya para magselos nang ganyan ang isang iyon.”

“Kung ganyan ka kainteresado, why not get yourself married, Eneru?”

“Trigger, wala pa sa bokabularyo ko iyan.”

“Ganyan din ang sinabi noon ni Jubei.”

“Hindi ako si Jubei.” Tiningnan niya ang kabilang panig ng kotse kung saan naroon ang kausap sa cellphone. Just like him, his friend had his car hood down. Nakangisi na ito habang hawak din sa tenga ang cellphone. “Ikaw, pare, baka may balak ka na, sabihin mo lang. Huwag ka nang mahiya. t utal, tayong dalawa lang naman ang makakaalam.”

“Yeah, right. Kung meron mang pinakatsismosong mga tao sa mundo, wala nang tatalo pa sa mga tao roon sa club.”

“Kasama ka na do’n.”

“Masama ang magbintang, pare. Hindi ka matutunawan.”

“Hindi pa naman ako kumakain. Ikaw ang mag-ingat. Baka mausog kita.”

“Hindi ako naniniwala diyan.” Narinig ni Eneru ang kaibigan na tumawa lang sa kabilang linya. “Mukhang masaya yata ang araw mo ngayon, Trigger. Anong meron?”

“Lagi naman akong masaya.”

“Pero madalang kang tumawa. Something tells me na may balak ka na ring sumunod sa mga yapak ni Jub ei.”

“Wala pa sa isip ko iyan, `tol. May gatas pa ako sa labi.”

“Ow? Kaninong gatas naman kaya galing iyan?”

“Sekreto.”

Sabay silang napatingala ni Trigger nang daanan sila ng isang helicopter. Kilala nila ang piloto niyon. Ang isa pang riding club member na si Neiji Villaraza. Sumilip ito sa gilid ng chopper at ilang sandali pa ay narinig na nila ang isang tinig mula roon.

“So long, suckers!” Sumaludo pa ito sa kanila bago tuluyang nauna sa kanila.

Napailing na lang si Eneru. “Si Neiji talaga. Wala nang ginawa kundi magpasikat. Mukhang may balak pa siyang makipagkarera sa atin ngayon.”

“Well, I wouldn’t want to lose to him even if this wasn’t a horse race.”

Nagkatinginan sila ni Trigger. Mukhang pareho sila ng iniisip kaya inihagis ni Eneru sa passenger seat ang cellphone, saka tinapakan ang silinyador ng sasakyan. Humarurot na siyang palayo. Hindi rin naman nagpahuli si Trigger. Though he wasn’t going to let anyone beat him at any game.

Ilang sandali pa ay sinisilip na lang niya sa rearview mirror ang nguso ng BMW convertible ni Trigger. Nauna na siya pero wala siyang balak na ibaba ang bilis ng takbo ng sasakyan. Napangisi siya, saka inayos ang suot na sunglasses. May-kalayuan ang helipad na bababaan ni Neiji sa pinakagusali ng club. Iyon ay para hindi mabulahaw ang mga kabayong sensitibo sa ingay. Ibig sabihin, kung walang magiging aberya, mauunahan pa rin niya ang kaibigang iyon sa club.

Nakikini-kinita na ni Eneru ang mukha ni Neiji oras na maunahan niya ito. p ero sa huling liko niya sa entrance road ng club proper ay may hindi inaasahang pangyayari. Isang babae ang tila may kung anong dinadampot sa daan ang muntik na niyang mabangga kung hindi lang naging mabilis ang kan yang mga mata at mga kamay. Naikabig niya ang manibela paiwas sa babae, saka mariing tinapakan ang preno. Sumagitsit ang mga gulong ng kanyang Ferrari Spider. Sulit talaga ang ilang milyong ginastos niya sa pagbili ng kotseng iyon. Dahil kung ordinaryong sasakyan lang iyon, siguradong tumaob na siya o kaya naman ay humagis na nang kung ilang kilometro. He was safe but his heart was racing.

Nilingon niya ang babae. Nakatayo lang ito sa gilid ng kalsada habang mukhang nagtataka pang nakamasid sa kanya. She was brushing back her long hair that was being blown across her face by the strong, cold Tagaytay wind with her fingers.

 

IMINULAT ni Jhunnica ang isang mata nang kalampagin siya ng ingay ng alarm clock. Kalagitnaan na ng buwan ng Nobyembre, napakalamig na ng klima at hindi pa rin sumisikat ang araw kahit na nga alas-sais na ng umaga. Namaluktot lang siya sa kama at ibinalot nang husto sa katawan ang kumot.

“Five minutes…” bulong niya, saka muling ipinikit ang mga mata.

She really hated going to work. Kung hindi nga lang siya nanghihinayang sa suweldo, hinding-hindi na talaga siya papasok. Kung bakit naman kasi kailangan pa ng mga tao na magtrabaho? Minsan tuloy, naisip niyang sana ay bumalik na lang siya sa pag-aaral gaya noon. Nang wala siyang pinoproblema kundi assignments, projects at reports. Pensiyonada siya, kumbaga. Noon, lagi niyang ipinagdarasal na sana ay maka-graduate na siya para makapagtrabaho na siya. Ngayong natupad na ang mga pangarap niya, gusto na niyang magreklamo. Ang kaso, walang graduation kapag nagtrabaho na. Tapos na nga naman kasi ang obligasyon sa kanya ng mga magulang na pag-aralin siya. Ngayon, siya naman ang kailangang magpakahirap para alagaan at bigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Hay, ang buhay nga naman.

“Ate Jhun! Gumising ka na raw! Tanghali na! Hoy!”

Mabilis siyang napaupo sa pagkagulat. Nang makita ang teenager na kapatid na si Jonard na binubutingting ang mga nasa ibabaw ng nightstand, binato niya ito ng unan at saka muling humiga.

“Lumabas ka ng kuwarto ko, bata. Kung ayaw mong masaktan.”

“Ang sabi ni Nanay, huwag daw akong aalis dito hangga’t hindi ko nasisigurong hindi ka pa bumabangon.”

“Bumangon na ako.”

“Eh, bakit nakahiga ka pa rin diyan?”

“Ito ang version ko ng pagbangon, `no?” Muling ibinalot ni Jhunnica sa kumot ang sarili. “Lumabas ka, kung hindi mamasamain ka talaga sa akin.”

“Bad trip talaga kayo ni Nanay, Ate. Lagi na lang ninyo akong iniipit.”

“Isa…”

“Ang hirap mo talagang gisingin. Bahala ka na nga diyan. Ikaw naman ang male-late sa trabaho mo at hindi ako. Oo nga pala, `Te. Kailangan ko ng five hundred next week.”

Doon na siya tuluyang bumangon. “At ano’ng gagawin mo sa five hundred?”

“Allowance ko. Tumaas na ang gasolina ngayon at—”

“At ano ang ginagawa ng mga pedicab drivers sa gasolina? Iniinom?” Pedicab lang kasi ang sinasakyan ni Jonard patungong paaralan na malapit lang din naman sa kanila. Naghikab si Jhunnica at muli itong binato ng unan. “Lumabas ka na at gising na ako.”

“`Yong five hundred ko—”

“Oo na, oo na.”

Paglabas ng kapatid ay muli siyang bumalik sa kama. “Five more min—”

“Ate!”

“Oo na sabi, eh! Gising na ako!”

“Puro ka five more minutes. Gusto mo na ba talagang ma-late nang tuluyan?”

“Huwag mo akong sermunan diyan dahil kahit kailan ay hindi pa ako na-late sa trabaho ko. At mas matanda ako sa iyo kaya huwag mo akong hihiritan ng ganyan.”

“Ang kulit mo kasi—”

“Oo na po. Lumabas ka na po.”

Sa kabila ng nag-aagiw pang utak, pinilit na rin ni Jhunnica ang sarili na kumilos. Bitbit ang tuwalya ay nagtungo siya sa banyo. Naupo siya sa toilet bowl habang hinihintay na mapuno ng tubig ang balde. Nangalumbaba siya at ipinikit ang mga mata.

“Five minutes— ah, letse!” Sumandok siya ng tubig gamit ang tabo at ibinuhos sa kanyang mukha. “Ah! Letse talaga!”

Halos mawalan ng ulirat si Jhunnica sa sobrang lamig ng tubig. Anak ng teteng! Dahil sa antok ay nakalimutan niyang magpainit ng tubig para mapatay sana ang lamig ng tubig. Ginagawa niya iyon mula nang mag-umpisa nang lumamig ang panahon. Gayumpaman, nakatulong naman sa kanya ang malamig na tubig upang tuluyang magising.

Sinunod-sunod na niya ang pagbubuhos ng tubig na halos hindi na siya humihinga pa para lang matapos na ang kalbaryo niya sa tubig. Nataranta pa siya nang dumulas ang bote ng shampoo nang damputin niya iyon.

“Hoy, Stallion, halika dito!” Stallion ang bagong brand ng shampoo niya ngayon. Maganda kasi ang commercial kaya sinubukan niya. Nainggit kasi siya sa magandang buhok ng model kaya nag-iilusyon din siya ngayon na magkaroon ng ganoong buhok.

Sa loob lang ng fifteen minutes, tapos na siyang maligo.

“Hola!” hiyaw niya paglabas na paglabas ng banyo.

Mabilis siyang nagbihis para mabawasan na ang pangangatog ng kanyang katawan. Kahit naman paano ay nakatulong ang pagligo na magising nang tuluyan ang buong sistema niya.

“O, mabuti naman at natapos ka na rin sa five-minute ritual mo.” Inilapag ng kanyang ina ang isang bandehado ng mainit na kanin sa mesa. “Bilisan mo na ang pagkain at baka ma-late ka na sa trabaho mo. Baka mamaya kung ano na ang masabi sa iyo ng supervisor mo. Kabago-bago mo pa lang doon, baka kung ano ang isipin nila sa iyo kapag nahuli ka sa trabaho.”

“Hindi na ako bago do’n, `Nay.” Sumandok ng kanin si Jhunnica sa plato, dalawang hot dog, pritong itlog at dalawang piraso ng malalaking pandesal. “Tatlong buwan na ako sa kanila.”

“Bago pa rin iyon.” Napansin niyang napakunot ang noo nito. “Hindi mo ba babawasan man lang iyang kinakain mo, Jhunnica? Baka tumaba ka na niyan.”

“Malakas ang metabolism ng katawan ko, `Nay. At tsaka, matatagtag naman ito sa trabaho ko mamaya. Kaya okay lang iyan.”

“Kunsabagay. Pero konting hinay pa rin sa pagkain at baka hindi na magkasya iyang uniporme mo sa iyo.”

“Okay lang iyan, `Nay. Hindi ako tataba.”

“O, siya. Basta bilisan mo na riyan.”

 

PAKIRAMDAM ni Jhunnica ay inaalat siya nang araw na iyon. Naiwan na siya ng service coaster bus na naghahatid at nagsusundo sa kanilang mga kapwa niya empleyado ng Stallion Riding Club, isang exclusive Club ng mga mayamang mahilig sa kabayo mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Doon, sa isang restaurant siya nagtatrabaho bilang waitress.

“Hay, `di bale na nga,” alo niya sa sarili habang naglalakad sa deserted na kalsada na sakop ng malawak na lupain ng club. “Exercise din ito.”

Okay lang. Maaga pa naman. Sumakay ng tricycle kanina si Jhunnica at nagpahatid sa Stallion Riding Club pero hanggang sa entrance lang siya ng pinaka-complex ng lugar. May isa pang entrance na madadaanan papasok mismo sa club at doon siya puwedeng maghintay ng coaster na dadaan. Hindi lang naman kasi ang lugar nila ang may sundo. Meron pa sa ibang lugar kung saan concentrated ang karamihan sa mga empleyado ng club. Pero bago siya makarating sa second club entrance gate, kakailanganin niyang maglakad sa deserted at private road na iyon. At doon siya nahirapan. Pasakit ang akyat-baba na terrain ng kalsada, palibhasa nasa mataas at mabundok na bahagi ng Tagaytay ang lugar. Nakatakong pa naman siya. Mabuti na lang at malakas at malamig ang hangin kaya hindi siya pinagpapawisan

“Pero masakit na talaga ang mga paa ko. Hay…” May narinig siyang munting ingay at ilang sandali ay naramdaman na niya ang pagluwag ng kanyang paghinga. “Ay, ano ba iyan?”

Bumigay na pala ang butones ng suot niyang palda dahil sa naghuhumiyaw niyang tiyan. Natawa siya sa sarili. Mukhang tama ang nanay niya na kailangan na niyang magbawas sa pagkain. She bent over to pick up her wayward button when she heard a loud, screeching sound. Nagtaka pa siya nang makita ang isang galit na galit na lalaki nang lumabas ito ng sasakyan. The guy walked towards her after he banged his car’s door shut. Hindi magawang kumurap man lang ni Jhunnica habang pinagmamasdan ang lalaking palapit.

Marami siyang nakikitang guwapo sa club since it was an exclusive riding club for wealthy men. Pero dalawang beses pa lang niyang nakikita roon ang lalaki, at sa mga pagkakataong iyon ay laging nasa malayo lang ito. Pero ngayon, habang palapit ito, batid niyang isa na ito sa mga pinakamagandang lalaking nilalang ng Diyos sa mundo. He was wearing a gray coat jacket over a plain white shirt whose sleeves were peeking out of his coat’s sleeves, and faded jeans. Casual and yet elegant. May-kahabaan ang alon-alon nitong buhok. Nakasuot ito ng sunglasses p ero hinding-hindi pa rin matatawaran ang kaguwapuhan.

“Ano ba sa palagay mo ang ginagawa mo?” angil ng lalaki paglapit sa kanya. “Hindi pasyalan ang lugar na ito!”

Nagtalsikan yata ang mga tutuli niya sa sigaw nito. “Teka lang ho. Hindi naman ho ako namamasyal—”

“Then what the hell are you doing here? Alam mo bang muntik na akong madisgrasya nang dahil sa iyo? You could have killed us both because of your stupidity!”

Stupidity? Aba, sumusobra naman ang isang ito, ah! Kinalimutan na niya ang mga napag-aralan niyang paggalang sa ibang tao dahil sa pagsigaw-sigaw ng lalaki sa kanya.

“Ano ba ang ginawa ko sa iyo?”

“Nagpapakalat-kalat ka…” Halatang natigilan ito habang nakatitig sa kanya.

At nang tanggalin ng lalaki ang suot na sunglasses, parang siya man ay gustong mapatanga na lang dito. Dahil kung guwapo na ito na suot ang salaming de-kulay, lalo na nang hubarin nito iyon. Daig pa niya ang nakakita ng artista, o kahit modelo pa nga. Ang sarap-sarap nitong pagmasdan. Hindi nakakasawa ang itsura na habang tinitingnan ay lalo pa ngang gumuguwapo sa kanyang paningin.

“Jhunnica Serrano,” sambit ng lalaki. His deep voice had a tinge of sarcasm. “Well, this is a nice surprise. Hindi ko akalaing magkukrus pa ang mga landas natin nang ganito. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon.”

“M-magkakilala tayo?” Sa pagkakatanda niya, wala siyang kakilalang ganito kayaman. At lalaki pa.

“Hindi mo na ako natatandaan? You’re really bad for my ego. Muntik na nga akong maaksidente nang dahil sa iyo, hindi mo pa ako matandaan.”

“Eh…” Tinitigan niya ang estranghero at hinalukay ang mga pinakatatago-tago niyang alaala. Pero wala talaga siyang matandaan. Sa itsura nito, imposible namang basta na lang niya ito makalimutan. “Hindi ko talaga kayo maalala, Sir.”

“What a shame.” Lalo yatang naging masama ang dating ng sinabi niya rito. He put his sunglasses back on and brushed his hair away from his face. “Masyado ka talagang malupit, Jhun.”

“Eh… sino ka nga ba talaga—”

Napasinghap si Jhunnica nang bigla na lang siyang yakapin ng lalaki at ilayo sa kalsada. Magwawala na sana siya nang makita ang isa pang sasakyan na lumagpas sa kanila. The driver of the sleek convertible waved at her as he sped away. Narinig niyang tahimik na napamura ang lalaki bago siya muling binalingan. Doon lang marahil nito na-realized na yakap na siya nito kaya mabilis siyang binitiwan.

“Huwag ka na ulit magpapakalat-kalat dito.” Iyon lang at binalikan na ng estranghero ang sasakyan at humarurot na palayo.

Subalit nanatili sa kanya ang amoy ng lalaki. It was the fresh scent of sandalwood and vintage wine. Nakakalasing ang amoy. Pero ang sarap-sarap talaga ng amoy. Iyon bang tipong hahabul-habulin mo ang amoy. At isang tao lang ang alam niyang may ganoong klase ng amoy. Back in high school.

“Eneru Villasis?” n akanganga na lang si Jhunnica nang sundan ng tingin ang papalayong sasakyan. “Ikaw na iyan?”

Actually, kaunti lamang ang naaalala niya sa binatilyong si Eneru. s he vaguely remembered his face. The handsome young boy who always followed her around school. After a while, naglaho na nang tuluyan ang alaalala ng mukha ng binatilyong iyon dahil ang nagsusumiksik na sa kanyang isip ay ang lalaking katatapos lang niyang makaengkuwentro. Kung meron mang naiwan sa alaala niya tungkol sa binatilyong iyon, iyon ay ang bango nito. She never paid much attention to him back then because she was too busy with her studies. Ngunit sa tuwina, alam niyang nasa tabi lang niya ito dahil kilala niya ang amoy nito. And she did not mind having him by her side.

But when she finally took the time to look up from her books and notepads, he was gone. Lumayo na kasi sa kanya si Eneru. Nagsawa na sa panunuyo. Ipinagkibit lang niya iyon ng balikat noon dahil mas mahalaga sa kanya ang pag-aaral. Hanggang ngayon, wala pa rin naman siyang pinagsisisihan. Kung meron man, iyon ay ang pambabalewala niya kay Eneru imbes na pormal itong tanggihan noon. Oh, well, siguro at the back of her mind, gusto rin niya ito sa kanyang tabi. Pero mas pinili nga niya ang pag-aaral kaysa rito.

“Gano’n pa rin ang amoy niya. Amoy-pipino… amoy-pandan… amoy— ay kabayo!”

Napatili si Jhunnica nang magulat sa isang malakas na busina sa kanyang likuran. Isang kotseng light blue Audi ang nakita niya na ngayon ay nakaagapay na sa kanya. Nang huminto siya ay huminto na rin ito. Sumungaw ang mukha ng isang magandang babaeng nakabandana mula sa tinted window. With her looks and car, she looked like she was one of the female guests of the club.

Lumabas ito at pinagmasdan ang kapaligiran na puro puno, clearings at ligaw na halaman. “Where am I? May hinahanap kasi akong lugar at ang sabi ng mga taong napagtanungan ko, diretso lang daw. Eh, kanina pa ako bumibiyahe nang diretso, wala pa rin akong nakikitang Stallion Riding Club. Peste! Naengkanto yata ako. I can’t find my way back.”

Okay din ang isang ito. Ni hindi man lang humingi ng paumanhin sa kanya. Iligaw kaya niya ito nang tuluyan?

“Nandito na kayo, Ma’am,” sagot ni Jhunnica. “Ito na ang Stallion Riding Club.”

“Ang lugar na `to?” Muling inilibot ng babae ang paningin sa paligid. “Hindi ito ang nadaanan ko nang una akong magpunta rito. Niloloko mo ba ako?”

Halimaw ang babaeng ito! “Naku, Ma’am, hindi ho. Talaga hong nandito na kayo sa club. Baka ho sa ibang daan kayo dumaan no’ng una kayong magpunta rito. Dalawa ho kasi ang entrance dito. Baka ho do’n kayo sa East Gate dumaan no’ng nakaraan.”

Saglit itong nag-isip. Pagkatapos ay kakamot-kamot ang ulo na muling pinagmasdan ang paligid. “Siguro nga. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito, eh. Bakit mo nga pala alam iyon? Tagarito ka ba?”

“Medyo ho. Sa Stallion Riding Club ho ako nagtatrabaho.”

“You work at the Stallion? Kung gano’n, dalhin mo ako roon. Kailangang makita ko ang aking kapalaran. Nami-miss ko na siya. Do you know Zell Zapanta?”

“Yes, Ma’am. Member ho siya ng club.”

Agad nagsalubong ang mga kilay ng babae. “Do you know him personally?”

“Bawal ho ang magkaroon ng personal acquaintance ang mga empleyado ng club sa mga miyembro niyon.”

“That’s good,” anito. “Halika na.”

“Ma’am?”

“Señorita ang tawag sa akin ng mga tauhan namin sa bahay. But since you’re bringing me to my Zell, I’ll let you have the privilege of knowing my name. My name is Paz Dominique Moreno.”

“Paz Dominique? Ang anak ni Gov. Moreno ng Davao?” Naririnig na niya ang pangalan ng babae sa loob ng club. Sekretong usapan lang ng mga kapwa niya empleyado dahil bawal ang magtsismisan habang nasa trabaho. Ayon sa mga naririnig niya, the woman wreaked havoc with the female guests of the club. Ayaw na ayaw kasi nitong malalamang may nagkakagusto sa politician wanna-be na miyembro ng club. She owned Zell Zapanta, iyon ang press release ng babae.

“At nag-iisang prinsesa ng pinakamayamang angkan sa Davao. Yes, that’s me. Call me Dominique. Let’s go.”

“Pero, Ma’am, bawal ho kaming makipag-interact sa kahit na sinong miyembro o guests ng club.”

“Sino’ng nagpauso niyan?”

“Si Sir Reid ho. `Yong may-ari ng—”

“Wala akong pakialam. Babayaran ko ang galit niya. Mayaman ako. Kapag may nagalit sa paghahatid mo sa akin kay Zell ko, ipapa-salvage ko.”

Hindi lang mayaman ang babae, mahangin pa. Iligaw ko kaya ito? Sumunod na rin si Jhunnica sa sasakyan ni Dominique. Nasa itsura nito na mahirap nang kalabanin pa ang mga kagustuhan nito. And anyway, at least mas maaga siyang makakarating sa club. Hindi na kasi niya kailangang mahintay pa ng susunod na coaster.

“Are you really just an employee here?” mayamaya’y tanong ng babae. “Wala sa mukha mo.”

Ay, bumawi. Sige, hindi na kita ililigaw sa mga bangin-bangin dito. “Salamat, Ma’am.”

“Kapag nagsawa ka na sa pagtatrabaho rito, tawagan mo ako. I might need someone like you in my company. Pero sa ngayon, kailangan ko munang makita si Zell ko.”

Saludo siya sa fighting spirit nito. “Good luck, Ma’am.”

 

Eneru Villasis (Stallion Series 2)

Eneru Villasis (Stallion Series 2)

10 Kapitel

close

book

10

Inhalt

add to library button

Speichern

Passion Exclusives

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

Felicia findet sich in einer lieblosen Ehe mit dem kalten und herrischen Alpha Damien gefangen. Trotz ihrer Hoffnung, dass ein Kind sein Herz erweichen konnte, zerbricht ihre Welt, als sie von seiner leidenschaftlichen Zuneigung zu einer anderen Frau erfahrt. Tief verletzt, aber entschlossen, fordert Felicia die Scheidung. Funf Jahre nach der Trennung von ihrem machtigen Alpha-Ehemann fuhrt Felicia ein ruhiges Leben mit ihren Zwillingssohnen und verbirgt sich vor der Vergangenheit. Doch als das Vollmondfest sie mit Damien, dem Vater ihrer Kinder, wieder zusammenfuhrt, andert sich alles.

Lesen

Romanze

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Isla Thorne war schon immer die Aussenseiterin ihres Rudels, eine Enttauschung fur ihre Alpha-Eltern und ein Ratsel fur alle anderen. Als Tochter machtiger Anfuhrer im Midnight Crest Rudel hatte sie ein vielversprechendes Leben haben sollen - aber ihre Zwillingsschwester Seraphine sorgte dafur, dass das nie geschah. Indem sie Geruchte verbreitete, dass Isla keinen Wolf besitzt, hat Seraphine sie in den Schatten verbannt, praktisch als Gefangene in ihrem eigenen Zuhause. Trotz der Verachtung ihrer Familie und der Grausamkeit ihrer Schwester hutet Isla ein kostbares Geheimnis: einen wilden Wolf namens Lira, der an ihrem achtzehnten Geburtstag in einem Moment der Verzweiflung zu ihr kam. Jeden Tag wartet Isla auf ihren Gefahrten - die eine Person, von der sie glaubt, dass sie sie bedingungslos lieben und vielleicht sogar aus diesem Leben der Schande befreien konnte. Doch wahrend die Monate vergehen, schwindet die Hoffnung, und Seraphines Qualereien nehmen zu. Als ein gefahrlicher Verrat ihrer Schwester Isla ins Exil zwingt, entdeckt sie, wie weit ihre Familie zu gehen bereit ist, um sie verborgen zu halten - eine Wahrheit, die sie bis ins Mark erschuttert. Vom Uberlebenswillen getrieben flieht Isla und findet sich allein und unsicher im Streunerlandjenseits des Territoriums ihres Rudels wieder. Doch wahrend ihre Verbindung zu Lira starker wird, erkennt sie, dass Uberleben vielleicht ihre einzige Wahl ist. Gefahren von Streunern und Jagern trotzend, begibt sich Isla auf eine Reise, die sie auf unerwartete Weise prufen wird. Mit jedem Schritt deckt sie Geheimnisse uber ihre Familie, ihre Krafte und ihr Schicksal auf. Aber wird sie das Leben finden, von dem sie immer getraumt hat, oder wird ihre Vergangenheit sie auf die harteste Art und Weise einholen? Wahrend Isla ins Unbekannte aufbricht, wird das Schicksal offenbaren, dass sie vielleicht zu Grosserem bestimmt war, als sie sich je vorgestellt hatte.

Lesen

Paranormal städtisch

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

I Wanna Ruin Our Friendship

Ich war schon immer "das stille, nerdige Madchen". Das Madchen mit der Nase im Buch, das Madchen, das kaum jemand bemerkt. Aber meine Welt ist viel komplizierter, als sie scheint. Ich bin namlich absolut, hoffnungslos in meinen besten Freund Logan Reyes verliebt - den Bad Boy, den alle wollen, aber niemand wirklich halten kann. Und er hat keine Ahnung. Logan und ich sind seit ewig befreundet. Wir necken uns, wir lachen, und wir stehen uns nah. Aber fur ihn bin ich einfach nur Emma, das Madchen, dem er alles anvertraut - ausser seinen neuen Flirts, wie Vanessa, die unangefochtene Konigin der Schule. Sie hat es auf Logan abgesehen und das weiss jeder. Wahrenddessen teilen Logan und ich diese seltsame, unausgesprochene Chemie, die ich nicht ignorieren kann, auch wenn wir so tun, als ware es keine grosse Sache. Doch alles andert sich in der Nacht, als ich auf Vanessas Party in ein Flaschendrehen-Spiel hineingezogen werde. Als die Flasche auf Logan zeigt, kusst er mich vor allen anderen - und plotzlich ist es, als wurde ich Logan in einem vollig neuen Licht sehen, und er sieht mich auch anders. Jetzt schenkt er mir Aufmerksamkeit auf eine Art, die beunruhigend, aufregend und absolut verboten ist. Und gerade als ich denke, ich konnte es ignorieren, beginnt Logan, mir nachzustellen - ungeniert, gegen alle Regeln, nach denen er gelebt hat, und trotz der Wunsche seiner sogenannten Freundin. Jetzt bin ich gefangen in einem Wirbelsturm aus Klatsch, Eifersucht und Gefuhlen, die ich kaum bewaltigen kann. Logan bricht seine eigenen Regeln fur mich, und je mehr ich versuche, ihm zu widerstehen, desto mehr werde ich zuruckgezogen. Aber wahrend wir die Grenze zwischen Freundschaft und etwas viel Gefahrlicherem uberschreiten, stehen mein Herz - und seines - auf dem Spiel.

Lesen

Neue Erwachsene

I Wanna Ruin Our Friendship

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Carmen Venetti dachte, sie hatte alles: einen machtigen Ehemann, ein florierendes Imperium und die Starke, alles zusammenzuhalten. Doch als Arianna De Luca, Marcos kluge und schone Ex-Geliebte, wieder auftaucht, beginnt ihre einst unerschutterliche Ehe zu zerbrechen. Arianna behauptet, sie sei gekommen, um der Familie Venetti zu helfen, ihre Feinde zu vernichten, doch ihre wahren Motive sind ebenso gefahrlich wie geheimnisvoll. Wahrend Marco sich immer starker in Ariannas Netz aus Manipulationen verstrickt, steht Carmen vor einer unmoglichen Wahl. Schwanger und mit gebrochenem Herzen verlasst sie das Leben, das sie so muhsam zu schutzen versucht hat, und schwort, ihr ungeborenes Kind vor dem giftigen Chaos zu bewahren, das droht, sie zu verschlingen. Doch Carmens Abwesenheit vertieft nur Marcos Abstieg in Ariannas Falle. Geblendet von Ehrgeiz und verfolgt von Geruchten uber Verrat, ignoriert Marco die Warnsignale und lasst zu, dass Arianna ihren Griff auf sein Imperium verstarkt. Wahrenddessen spielt Arianna ein gefahrliches Doppelspiel, verbundet sich heimlich mit der Familie De Luca und schmiedet Plane, den Venetti-Thron fur sich selbst zu erobern. Wahrend das Vertrauen zerbricht und Allianzen sich verschieben, geraten Carmen und Marco in einen hochriskanten Kampf um Loyalitat, Liebe und das Uberleben. Wird Marco Ariannas wahre Absichten rechtzeitig durchschauen, oder werden ihre Intrigen alles zerstoren, was die Venettis aufgebaut haben - einschliesslich ihrer Chance auf eine Familie? In einer Welt, in der Macht todlich ist und Verrat die ultimative Waffe, lautet die Frage nicht nur, wer uberleben wird - sondern wer am Ende oben steht.

Lesen

Romanze

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

The Queen of Hearts

Die Blackthorn Academy ist ein privates Internat fur die Kinder der High Society - Erben von Konzernriesen, europaischen Adelsfamilien, Politikern und Prominenten. Trotzdem Andrea Riley in einem Einelternhaushalt aufgewachsen ist, hat sie unermudlich daran gearbeitet, ein begehrtes Stipendium zu bekommen, um ihren Platz an der Akademie mit der Hoffnung auf eine bessere Zukunft zu verdienen. Die Mission der Akademie ist es, ihre Schuler auf die Zulassung zu den renommiertesten Universitaten der Welt vorzubereiten, aber die soziale Umgebung unter den Schulern bereitet sie auf die harten Realitaten des Lebens vor - Realitaten, von denen die Fuhrung der Akademie selig nichts ahnt. An der Blackthorn wird der soziale Rang eines Schulers nicht durch den Einfluss seiner Familie oder die Anzahl der Nullen auf seinem Bankkonto bestimmt, sondern durch ein hochriskantes Kartenspiel, das zu Beginn jedes Semesters stattfindet. Andrea hat keine andere Wahl, als daran teilzunehmen, denn eine Weigerung bedeutet automatisch, die Rolle des Sundenbocks in der Klasse zugewiesen zu bekommen. Als sie ihre Rolle erhalt, erregt sie jedoch unbeabsichtigt die Aufmerksamkeit der Sinclair-Bruder - Erben eines machtigen Waffenherstellungsunternehmens, dessen Aktivitaten oft mit der Mafia in Verbindung gebracht werden. Andrea hatte nicht geplant, sich von Romantik von ihrem Studium und ihren Erfolgstraumen ablenken zu lassen, aber jeder an der Blackthorn Academy weiss verdammt gut zumindest eine Sache: Wenn einer der "Konige" etwas will, bekommt er es immer.

Lesen

Neue Erwachsene

The Queen of Hearts

passion favicon

My Passion

Genres

Über Uns

Kontaktieren Sie uns

Geld-zurück-Garantie

Datenschutzrichtlinie

Nutzungsbedingungen

Cookie-Richtlinie

App Installieren

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2026 Passion

XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101