passion

My Passion

Aktion

Chicklit

Fantasie

Neue Erwachsene

Paranormal städtisch

Romanze

Dampfig

Suspense-Thriller

YA/Jugendliche

Bibliothek
searchsearch
dede

DE

Franco Navarro (Kristine Series 7) von Precious Pages

Discover
/
Romance
/
Franco Navarro (Kristine Series 7)
Franco Navarro (Kristine Series 7)

Franco Navarro (Kristine Series 7)

Romanze

dot
eye

269

Beschreibung

Bea was only two months old when ten-year-old Franco Navarro promised her father that she would marry him on the eighteenth summer. And two months have passed since her eighteenth birthday. And for the first time in Bea’s life she will face Franco Navarro to implement here the promise he made. Franco Navarro has no intention of marrying any woman. But Bea was determined and she was holding on to his promise once upon a time.

Süß
Seitenwender
Romanze
Heiß
Wild
Drama

Kapitel 1

Nov 28, 2025

Prologue

 

Prologue

 

1950

 

N asa bukana ng pinto ang sampung taong gulang na si Franco nang marinig niyang sumisigaw si Don Alvaro Sebastian.

“ Hijo de... caramba !” Ang matanda na itinaas ang baston sa mukha ng anak na si Erlinda. “Iwan mo ang hampaslupa mong asawa, Erlinda, at tatanggapin kitang muli. Kayo ng anak mo!”

“Mahal ko si Crisanto, Papa. Hindi ko magagawa ang sinasabi ninyo,” humihikbing sagot ni Erlinda.

“Mahal!” ismid ng matanda. “Tingnan mo ang resulta ng sinasabi mong pagmamahal, Erlinda. Para kang pulubi. Ipinagpalit mo ang anak ni Don Enrique Montaho sa pobreng iyon na isa lamang tauhan sa rancho, que horror !” patuloy ng matanda. “At hindi kita patatawarin hangga’t hindi mo siya hinihiwalayan.”

Umatras si Franco palabas sa narinig na panghahamak ng abuelo sa ama. Pagkatapos ay kumaripas ng takbo.

“Franco!” Lingon ni Erlinda sa anak. Nag-aakusang tiningnan sandali ang ama at sinundan ang bata.

Si Franco ay patuloy sa pagtakbo at walang kamalay-malay na apat na ranchero ang humahabol sa isang nagwawalang toro. Nagulat pa ang bata sa sigawan ng mga tauhan ng rancho.

“Ang bata! Ang bata!”

Biglang huminto sa pagtakbo si Franco. Natuon ang tingin sa sumisingasing na toro na siya ang tinutungo. Ilang dipa na lamang ang layo nito sa kanya.

“Franco, takbo, anak!” sindak na sigaw ni Erlinda nang makitang ang anak ang pinupuntirya nang nagngangalit na baka. Halos panawan siya ng ulirat sa natitiyak na mangyayari sa anak.

Ang bata ay marahang umatras na sa sindak ay hindi agad makatakbo at sumusugod ang toro. Sa isang kisap-mata’y tumaas mula sa lupa ang bata na hinablot ng isang rancherong nakakabayo at mabilis na inilayo. Subalit hindi bago nasabit ang sungay ng toro sa balikat ni Franco na pumunit sa kamiseta niya.

Ibinaba ng ranchero ang bata sa harap ni Erlinda na walang-kulay ang mukha sa matinding sindak.

“Franco, anak!” Halos hindi lumabas sa bibig ni Erlinda iyon at mahigpit na niyakap ang bata.

“May sugat siya, senyorita,” wika ng magiting na ranchero. Hinubad ang bandanang nakasabit sa leeg at iniabot kay Erlinda. Sa nanginginig na kamay ay itinali nito ang bandana sa duguang balikat ni Franco. Ang bata bagaman natakot ay hindi umiyak kahit na dumudugo ang balikat.

“Oh, Franco...” m uling niyakap ni Erlinda ang bata.

“Kailangang dalhin ninyo agad sa bayan si Franco, senyorita. May sugat siya sa balikat. Baka hindi maampat ng tali.”

Tumingala si Erlinda sa ranchero. Si Alfonso ay kaibigan ni Crisanto. “M-maraming salamat, Alfonso. Utang ko sa iyo ang buhay ni Franco. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang ginawa mong ito.”

Kumawala sa ina si Franco at tumingala sa ranchero. “Ako ang may utang sa kanya, Mama. Buhay ko ang iniligtas niya kaya ako ang dapat na magbayad,” mariin at malinaw na sinabi ng bata. “Sa anumang paraan, Alfonso, magbabayad ako ng utang.”

Nangiti ang ranchero. “Para kang si Crisanto kung magsalita, Franco Navarro.”

“Sabihin mo kung sa paanong paraan ako makakabayad ng utang, ranchero,” matigas na utos ng bata.

“Franco, anak...”

“Hayaan mo siya, Erlinda. Tulad ng mga Sebastian, hindi niya gustong may pinagkakautangan ng loob. At tulad ni Crisanto Navarro, may halaga ang salita,” ani Alfonso na totoo sa loob ang sinasabi. At natitiyak nito na hindi mapapahinuhod ang bata kung wala siyang sasabihin. “Dadalawang buwan pa lamang na nakapanganak ang asawa ko, Franco, ng isang malusog at magandang babae. Labing walong taon mula ngayon, pakasalan mo ang anak ko,” wala sa loob na sinabi ni Alfonso.

Nagsalubong ang mga kilay ng bata. “Kinokontrata mo ang buong buhay ko pagkalipas ng labing walong taon, Alfonso?”

“Iyon lamang ang kondisyon ko, Franco Navarro. Kung hindi mo gusto, hindi naman ako nagpapabayad ng utang-na-loob. Kalimutan mo, kung gayon,” pormal ding sagot ni Alfonso na tinapatan ang anyo ng bata.

Bahagyang napahiya si Franco. “Matutupad, Alfonso. Pakakasalan ko ang anak mo sa paglipas ng ikalabing walong tag-araw.” Mariin at seryosong binitiwan ni Franco ang pangakong iyon na sinabayan ng paglahad ng munting kamay.

At sa pigil na ngiti ay inabot ng ranchero ang kamay ng bata at mahigpit na pinisil.

“Hanggang sa ikalabing walong tag-araw, Franco Navarro.”

 

Franco Navarro (Kristine Series 7)

Franco Navarro (Kristine Series 7)

12 Kapitel

close

book

12

Inhalt

add to library button

Speichern

Passion Exclusives

Fight For Me, Alpha

Evelyn Parker wird morgen einundzwanzig, und sie ist immer noch die einzige wolfslose Wolfin in ihrem Rudel. Vor drei Jahren sturmten Streuner das Jubilaumsgala von Sterling & Parker - in der Nacht ihrer ersten Verwandlung. Ihre Eltern verliessen niemals den Ballsaal. Ihr Wolf erschien nie. Jetzt schlichtet sie zweimal pro Woche Rudelstreitigkeiten im juristischen Flugel des Unternehmens ihres Vaters. Die Halfte des Rudels spricht in diesem vorsichtigen Ton mit ihr. Ihr weisses Kleid hangt immer noch im Kleidersack der Reinigung. Sie kann es nicht tragen, und sie kann es nicht wegwerfen. Dominic Sterling ist der Alpha. Er ist der Milliardar an der Spitze des Vorstandszimmers und der beste Freund ihres Bruders. Sie liebt ihn still, solange sie denken kann. Er hat sie nie ein zweites Mal angesehen. Das Unternehmen ist seit drei Jahren ohne Luna, und die Investoren wollen bis zum Fruhling eine, die makellos und bereit ist. Was passiert also, wenn ihr Wolf endlich kommt und die Gottin und der Alpha sich nicht einig sind, wer ihn verdient?

Lesen

Fantasie

Fight For Me, Alpha

passion favicon

My Passion

Genres

Über Uns

Kontaktieren Sie uns

Datenschutzrichtlinie

Nutzungsbedingungen

Cookie-Richtlinie

App Installieren

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2026 Passion

XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101

support@passionapp.co+1 501 651 0095