Moymoy Lulumboy: Ang Batang Aswang (Book 1) autor Precious Pages

passion

My Passion

Działanie

Chicklit

Fantazja

Nowa dorosła

Paranormal miejski

Romans

Parno

Thriller suspens

YA/Nastolatki

Biblioteka
searchsearch
plpl

PL

Discover
/
Fantasy
/
Moymoy Lulumboy: Ang Batang Aswang (Book 1)
Moymoy Lulumboy: Ang Batang Aswang (Book 1)

Moymoy Lulumboy: Ang Batang Aswang (Book 1)

Fantazja

dot
eye

110

Opis

At a cosplay event in the Greenbelt, a little man in an elf costume gave the saleslady the bag with cash and a baby in it. The baby was called Moymoy. Like other children, he grew up happily, playing and avoiding fights. But then Moymoy discovered that when he felt strong emotions he could change the form...

Nagradzany Autor
Dreszcz
Fantazja
Gorąco Polecam
Lekka Lektura
Wilkołak

Rozdział 1

Feb 9, 2022

Kasalukuyang panahon …

S A HARDIN ng Greenbelt sa Makati, na kinatatayuan ng naglalakihang puno ng akasya, ay lumabas mula sa malaking katawan ng puno ang isang di-pangkaraniwang nilalang—si Montar. May tatlo’t kalahating talampakan lamang ang taas niya, may malaking ilong at matutulis na tainga, pero ang mukha niya ay napakaamo. May kalong-kalong siyang isang sanggol. Luminga-linga siya. Pinagmamasdan siya ng mga tao at ang ilan ay natatawa sa kanya. At dahil may cosplay, hindi nahalata na siya ay kakaibang nilalang at hindi isang tao.

Naglakad nang naglakad si Montar. Hindi naiiba ang hitsura niya sa mga taong naroroon dahil marami ang naglalakad na naka-costume. Hanggang sa makarating siya at napahinto sa National Book Store. Nakita niyang maraming tao roon. May book signing sa loob ng bookstore para sa isang sikat na manga book kaya may cosplay na nagaganap. Sa tarpaulin sa loob ng bookstore, pinagmasdan niya saglit ang larawan ng librong manga na may pamagat na “Ang Modernong Aswang.” Naroon din ang larawan ng awtor ng libro, may katandaan na ito at halos natatakpan ang mukha sa kapal ng balbas at bigote. Natigilan si Montar sa hiyawan ng mga tagahanga ng awtor. Nagulat siya nang namalayang nasa tabi lamang pala niya sa kinatatayuan niya ang awtor—nakaupo sa may mesa at kanina pa nakatitig sa kanya. Bigla siyang nginitian ng awtor nang mapalingon siya rito.

“Magpapapirma ka?” tanong ng awtor kay Montar na nanatiling nakangiti pa rin sa kanya.

Walang reaksiyong gumuhit sa mukha ni Montar, tumalikod lamang at tuluyan nang pumasok sa bookstore.

Isa sa mga teenager na nagkukumpulan sa loob ng bookstore ang lumapit sa kanya.

“Okay ba, dude?” sabi ng teenager na naka-costume ng anime na ang tinutukoy ay si Montar.

Tiningnan lamang ni

Montar ng

mapanuring tingin

ang lalaking

teenager.

“Lupit, dude,” sabi

uli ng teenager kay

Montar.

“Anong character

`yan?” tanong ng

kasama ng teenager

na naka-costume din. “May dala ka pang sanggol. `Buti pinapasok ka ng guwardiya dito.”

Hindi umimik si Montar bagkus itinuloy niya ang paglakad sa loob ng bookstore.

“Hey! Kinakausap kita!” habol ng teenager.

Patuloy sa paglakad si Montar sa loob ng bookstore, pinagmasdan niya ang mga librong naroroon. Nakarating siya sa kinaroroonan ng romance books. Pinagmamasdan niya ang mga pabalat—ang mga babae’t lalaking nakalarawan na nagyayakapan—nang biglang umiyak ang hawak na sanggol. Inilabas ni Montar ang hintuturo, bahagya itong humaba at nagkulay-ginto. Itinuro niya ang hintuturo sa bibig ng sanggol at pagkatapos ay nagningning ang dulo nito. Patuloy sa pag-iyak ang sanggol pero wala nang naririnig na boses. At nang wala nang marinig na boses mula sa pag-iyak ng sanggol ay muling ibinalik ni Montar sa normal na anyo ang kanyang hintuturo. Napahinto siya nang makita ang isang saleslady na nakatingin sa kanya. Kanina pa pala ito nakasilip sa kanya sa kabilang shelf kaya nakita nito ang

ginawa niyang pagma-magic.

“Sshh,” sabi ni Montar sa saleslady.

Ipinilig-pilig ng saleslady ang kanyang ulo—hindi ito makapaniwala sa nakita, nanatiling nanlalaki ang mga mata nito. Natakot ito kay Montar kaya dagli itong lumayo, hindi makapaniwala sa nakita. Sinundan naman ni Montar ang takot na lumalayong saleslady.

Napatigil si Montar sa paghabol sa saleslady nang makita niya ang librong nadaanan sa isang shelf. Tiningnan niya itong mabuti, napakunot-noo siya. Philippine Myths and Legends ang pamagat ng libro. Kinuha niya iyon at namangha nang makita ang nakalarawang magandang diwata sa pabalat ng libro. Bubuklatin pa sana niya ang libro pero gahol na siya sa oras.

Takot pa ring humahangos papalayo kay Montar ang saleslady—pero natigilan ito nang makasalubong ang supervisor na si Che.

“Ma’am Che!”

“Tracy!”

“Ma’am Che, bakit ka narito?” natatarantang tanong ni Tracy.

“Nahihibang ka ba? Ikaw ang dapat kong tanungin. Bakit ka bumalik dito? `Di ba sabi ko ayusin mo ang display sa Filipiniana? Ako na ang bahala rito. Nakikita mo nang ang daming tao dahil sa book signing, eh.” Malumanay ang salita ni Che kay Tracy kahit na may bahid ng galit ang mukha nito.

“Pasensiya na, Ma’am Che. Na… nahihilo po ako.”

“Bakit ka pa pumasok kung may sakit ka?” Sinalat ni Che ang leeg ni Tracy. “Wala ka namang lagnat.”

“A, wala ba?” nalilitong pakli ni Tracy.

“Bakit gusto mong magkasakit? Bawal magkasakit.”

“Parang—”

“Ano?”

Hindi makaapuhap ng sasabihin si Tracy sa mataray na supervisor.

“Ano?” tanong muli ni Che.

“Midol lang ito, Ma’am. Mawawala rin.”

“Akala ko ba hilo `yan at hindi dysmenorrhea? Ha?” Tumikwas na ang dalawang kilay ni Che.

Sa pakiramdam ni Tracy, kumbaga sa bulkan, umuusok na ang kaharap at ano mang oras ay sasabog.

“Ma’am Che, sa CR lang ako. Puwede ba?” Hinawakan ni Tracy ang kanyang tiyan. Gumagawa siya ng paraan para makaalis; ang totoo’y hindi niya alam ang gagawin. Gusto niyang takasan si Montar, hindi si Che, dahil sanay na siya sa katarayan at mga mood nito.

“Sige, mabuti pa. Baka CR lang ang sagot diyan. Ano ba’ng nangyayari sa `yo?” Iyon lamang ang sinabi ni Che pagkatapos ay tinalikuran si Tracy.

Dagli namang naglakad palayo si Tracy. Pumasok siya sa stockroom. Naroon ang maraming libro at school supplies na nakatambak. Dali-dali niyang isinara ang pinto at inilapat doon ang kanyang likod. Napapikit siya at huminga nang malalim, sabay hawak sa dibdib. Hindi siya makapaniwala sa nakita. Biglang nag-ring ang kanyang cell phone.

“Ay, kabayo! Ano ba `yan?!” Dinig na dinig ang ringtone kaya mabilis na kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng kanyang uniporme at sinagot.

“Hello! Ay, sorry! Ano ba `yan… Hello…” Hininaan ni Tracy ang kanyang boses. “Ano ba, Edcel, bakit ka tumawag? Alam mo namang bawal akong magdala ng cell phone. Ikaw talaga, `buti na lang nasa stockroom ako. Ano ba `yon? Ha? Kahit kailan `di ka mananalo sa lotto. One in ninety million `yan. Isipin mo, sabi sa book, 90 million na ang mga Pilipino, so, bilangin mo kung pang-ilan ka pa sa mananalo. Kaya ako, `di bale na lang. Sasali na lang ako sa contest sa TV o `di kaya mag-abroad na lang tayo bago tayo magpakasal. Ay, teka, ano ba `yan, ako ang may ikukuwento sa iyo…”

Naalala niyang bigla si Montar, ang may kalong-kalong na sanggol.

“Makinig ka, seryoso… Edcel, nandiyan ka pa? May nakita akong parang ano… Parang `di ko ma-gets, eh… Pamilyar ka ba sa mga fantasy movie? Sa mga kababalaghan? `Yong ano ba ito?”

Nagkamot ng ulo si Tracy, hindi niya maipaliwanag ang kanyang nakita. Naguluhan siya kung papaano sasabihin at papaniwalain ang kahit na sinong kukuwentuhan niya sa kanyang nakita sa selling area ng bookstore. Luminga-linga siya at tumingala pa—nag-isip ng paraan kung paano sisimulan ang kanyang kuwento.

“Hay, Edcel.” Sinapo ni Tracy ang ulo at umupo sa nakatambak na mga libro, ginulo-gulo niya ang buhok, inisip na baka mabubura ang ano mang gumugulo sa kanya. “Baka nabubuwang na `ko…”

Hindi niya inintindi ang sinasabi ni Edcel.

“Wala—Edcel, baka nga kulang ako sa tulog. Pinuyat mo kasi ako kagabi.”

Natawa pa siyang bigla at kinilig.

“Hindi, ah. Ikaw itong nag-aya. Ay naku, Edcel, kahit saan mo pa `ko dalhin, hindi muna. Ayoko munang pumunta roon. `Pag kasal na tayo, `no. Hanggang kiss lang ako.”

Patuloy sa pagkilig at paghagikgik si Tracy sa kanyang narinig. Nang marinig na parang nawala na sa linya ang kausap ay natigilan siya. “Hello… Hello? Edcel? Nawala.” Tiningnan niya saglit ang cell phone at muling ibinalik sa tainga at biglang napangiti. “I love you. Sige na.” Hinabol pa niya ang mga huling salita kahit na alam niyang hindi na ito narinig ni Edcel.

“Bakit, eh, sa talagang love ko naman si Edcel.” Sarili na ang kausap ni Tracy.

Mula sa pagkakaupo, nangalumbaba siya at pagkatapos ay tinakpan ng dalawang palad ang mukha. “Gutom lang ito, Tracy. Gutom lang.”

Pero natigilan si Tracy nang maramdamang may tao sa kanyang harap. Mula sa siwang ng kanyang mga daliri ay nakita niya sa sahig ang maliliit na paa ni Montar. Nanlaki ang mga mata ni Tracy nang pag-angat ng paningin ay nakita niya ang kabuuan ni Montar, kalong-kalong pa rin ang sanggol.

“Sshh,” muling sabi ni Montar.

Nanlaki ang mga mata ni Tracy at nang akmang sisigaw ito ay itinapat ni Montar ang kanyang hintuturo sa bibig ni Tracy. Nagsisigaw si Tracy pero walang boses na lumabas sa kanyang bibig.

“Kahit magsisigaw ka sa buong Maynila, walang makakarinig sa `yo,” sabi ni Montar sa maliit niyang boses. Nang makita niya na napagod na si Tracy sa kakasigaw ay ibinalik niya ang boses nito.

“Ako si Montar.”

Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Tracy.

“Kailangan ko ang tulong mo.” Tiningnan ni Montar ang sanggol na kalong-kalong niya. “Itago mo siya, kukunin ko siya sa `yo pagdating ng araw.”

“Huh?”

“Wala nang tanong-tanong, kakailanganin mo ito…”

Itinapat ni Montar ang hintuturo sa harap ni Tracy at lumitaw ang malaking bag na itim.

“Ano `yan? Sino ka? Totoong tao ka ba?” natatarantang tanong ni Tracy na halos mautal.

“Hindi ka bulag kaya maniwala ka. Itong sanggol na dala ko, alagaan mo siya. Kukunin ko rin siya sa `yo. Gamitin mo iyan sa pag-aalaga sa kanya.” Itinuro ni Montar ang bag.

Binuksan ni Tracy ang bag, nagulat nang makitang puno ito ng pera.

“Ano ito? Ibinibigay mo ito sa akin?”

“Oo.”

“Hindi ako mukhang pera, `no.”

“Gagamitin mo iyan sa pagpapalaki sa batang ito.”

“Ano ka? Hindi ko pinangarap maging yaya.” Hindi napansin ni Tracy na parang kampante na siyang makipag-usap sa kaharap at unti-unti na siyang kumakalma.

“Hindi ako nakikipagbiruan sa `yo. Ang batang ito ay mahalaga sa aming mga tibaro,” pagpapatuloy ni Montar.

“Hindi talaga kita ma-gets. Tibaro? Saan ka ba nanggaling? At saan mo nakuha `yang pagma-magic mo?”

“`Dami mong satsat.” Naiinis na si Montar sa kanya.

“`Yong magic na `yan `kako, ibang klase `yan. Hindi ka tao. Isa kang lamang-lupa.”

“Iyon ang tawag n’yo sa aming mga tibaro. Lamang-lupa. At `yong madyik na sinasabi mo, diwani ang tawag namin,” sagot ni Montar.

“Diwani?” Tumikwas pa ang labi na nagtanong si Tracy. “Diwa-diwani ka riyan. Hindi mo ba alam ang sinasabi mo?” pagpapatuloy ni Tracy. “Malaking responsibilidad ang ipinapagawa mo sa `kin, ser ! Ser ano… Ser unano.”

“Montar. Hindi ako unano. Isa nga akong tibaro.”

“Montar na kung Montar. Tibaro na kung tibaro. Bata `yan. Hindi `yan tuta na basta-basta ipinamimigay nang ganyan-ganyan lang.” Pero napapatingin si Tracy sa bag na puno ng pera.

Bahagyang nanlisik ang mga mata ni Montar. Napaurong si Tracy. “Tracy, alam ko ang sinasabi mo. Kaya kita pinili na alagaan mo ang bata ay dahil nalalaman kong mabuti kang tao. Sa lugar na ito, ikaw lang ang puwede kong asahan. Darating ang araw na kukunin ko rin siya sa `yo. Pagdating ng takdang panahon.”

“Tingnan mo `to, `sama pa ng ugali. Ipapaalaga mo sa akin ang batang `yan, `tapos babawiin mo? Huwag na, tsong!”

May narinig silang dumarating at sa wari’y patungong stockroom.

Dagling ibinigay ni Montar ang sanggol kay Tracy. Sabay mabilis na naglakad si Montar sa pader at naglaho.

Parang nasementong nakatingin si Tracy sa sanggol. Pagkatapos ay napatitig uli sa bag na punong-puno ng pera. Nang may marinig siyang katok sa pinto ng stockroom ay natatarantang inilagay niya ang sanggol sa loob ng bag. Isinara niya ang zipper pero nang maalalang baka hindi makahinga ang sanggol ay binuksan niya nang kalahati ang bag kaya nakalabas ang ulo nito. Pero bago pa makalapit si Tracy sa pinto ng stockroom ay bigla itong bumukas. Iniluwa ng pinto ang supervisor niyang si Che.

“Tracy, ano’ng ginagawa mo rito? Akala ko nasa CR ka? Akala ko may dysmenorrhea ka? Ano? May sakit ka ba?” galit na tanong ni Che.

Hindi makaapuhap ng sasabihin si Tracy dahil pakiramdam niya ay naubusan na siya ng idadahilan ngayon.

Napalunok siya. “Ah, eh, Ma’am Che..?”

“Ano?! May sakit ka nga. Nabubuwang ka na.”

“Oo nga po,” bigla niyang isinagot. Kasabay niyon ay dinampot ni Tracy ang bag.

Nang lumapit si Che kay Tracy ay nakita niya ang sanggol na nasa loob ng bag.

“OMG! Ano `yan? Bata? Nanganak ka? Paano—?” Nanatiling nakanganga si Che.

“Aalis ako, Ma’am Che… ano, magli-leave ako. Magpa-file ako kaagad!” Tumalilis si Tracy, palabas ng stockroom.

“Tracy!” Hinabol siya ni Che.

Hindi lumingon si Tracy. Ang kanyang mga hakbang ay bumilis nang bumilis. Sa mga sandaling iyon, wala siyang ibang iniisip kundi kung papaano makalalabas ng bookstore. Hindi siya napansin ng iba niyang kasamahang saleslady dahil sa nagsisiksikang mga fans na naka-costume. Kahit nakasunod nang mabilis si Che ay hindi na siya makikita nito—nasa labas na siya ng bookstore at patawid na ng kalsada. Hinabol na lamang ni Che ng tingin si Tracy habang bitbit ang bag na may lamang sanggol at pera.

Moymoy Lulumboy: Ang Batang Aswang (Book 1)

Moymoy Lulumboy: Ang Batang Aswang (Book 1)

41 Rozdziały

close

book

41

Treść

add to library button

Zapisz

Passion Exclusives

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

Felicia znajduje sie w pulapce bez milosci w malzenstwie z zimnym i despotycznym Alfa Damienem. Mimo nadziei, ze dziecko zmiekczy jego serce, jej swiat rozpada sie, gdy odkrywa jego namietna milosc do innej kobiety. Zlamana, lecz zdeterminowana, Felicia domaga sie rozwodu. Piec lat po odejsciu od poteznego meza Alfy Felicia prowadzi spokojne zycie z blizniaczymi synami, ukrywajac sie przed przeszloscia. Ale gdy Festiwal Pelni Ksiezyca stawia ja twarza w twarz z Damienem, ojcem jej dzieci, wszystko sie zmienia.

Czytaj

Romans

Hiding My Twin Pups From their Alpha Dad

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

Isla Thorne zawsze byla wyrzutkiem swojej watahy, rozczarowaniem dla swoich rodzicow Alf i zagadka dla wszystkich innych. Jako corka poteznych przywodcow watahy Midnight Crest, powinna miec przed soba obiecujace zycie - ale jej siostra blizniaczka, Seraphine, zadbala o to, by tak sie nie stalo. Rozpowszechniajac plotki o tym, ze Isla nie posiada wilka, Seraphine trzymala ja w cieniu, praktycznie jako wieznia we wlasnym domu. Pomimo pogardy rodziny i okrucienstwa siostry, Isla skrywa jeden cenny sekret: dzikiego wilka o imieniu Lira, ktory pojawil sie w chwili desperacji w jej osiemnaste urodziny. Kazdego dnia Isla czeka na swojego partnera - jedyna osobe, ktora jej zdaniem moglaby pokochac ja bezwarunkowo i byc moze nawet uwolnic z tego zycia pelnego wstydu. Ale w miare uplywu miesiecy nadzieja gasnie, a dreczenie ze strony Seraphine nasila sie. Kiedy niebezpieczna zdrada siostry zmusza Isle do wygnania, odkrywa ona, jak daleko jej rodzina jest w stanie sie posunac, by utrzymac ja w ukryciu - prawda, ktora wstrzasa nia do glebi. Kierowana wola przetrwania, Isla ucieka, znajdujac sie samotna i niepewna na ziemiach lotrow poza terytorium swojej watahy. Ale gdy jej wiez z Lira sie umacnia, zdaje sobie sprawe, ze przetrwanie moze byc jej jedynym wyborem. Stawiajac czola niebezpieczenstwom ze strony zarowno lotrow, jak i lowcow, Isla wyrusza w podroz, ktora wystawi ja na proby, jakich nigdy sie nie spodziewala. Z kazdym krokiem odkrywa tajemnice dotyczace swojej rodziny, mocy i przeznaczenia. Czy jednak odnajdzie zycie, o ktorym zawsze marzyla, czy moze przeszlosc dogoni ja w najbardziej brutalny sposob? Gdy Isla zapuszcza sie w nieznane, los ujawni, ze byc moze byla przeznaczona do czegos wiekszego, niz kiedykolwiek sobie wyobrazala.

Czytaj

Paranormal miejski

The Chosen Luna: Alpha’s Unwanted Daughter

I Wanna Ruin Our Friendship

Zawsze bylam "ta cicha, kujonka". Dziewczyna z nosem w ksiazce, ktorej ludzie prawie nie zauwazaja. Ale moj swiat jest o wiele bardziej skomplikowany, niz sie wydaje. Widzicie, jestem absolutnie, beznadziejnie zakochana w moim najlepszym przyjacielu, Loganie Reyesie-bad boyu, ktorego wszyscy pragna, ale nikt nie potrafi przy sobie zatrzymac. A on nie ma o tym pojecia. Z Loganem przyjaznimy sie od zawsze. Przekomarzamy sie, smiejemy i jestesmy blisko. Ale dla niego jestem po prostu Emma, dziewczyna, ktorej zwierza sie ze wszystkiego-z wyjatkiem jego nowych romansow, jak na przyklad z Vanessa, szkolna krolowa pszczol. Ma ona oko na Logana i wszyscy o tym wiedza. Tymczasem Logana i mnie laczy ta dziwna, niewypowiedziana chemia, ktorej nie moge zignorowac, nawet jesli udajemy, ze to nic wielkiego. Ale wszystko zmienia sie w noc, gdy zostalam wciagnieta w gre w butelke na imprezie u Vanessy. Kiedy butelka wskazuje na Logana, caluje mnie na oczach wszystkich-i nagle, jakbym zobaczyla Logana w zupelnie nowym swietle, a on zaczal patrzec na mnie inaczej. Teraz zwraca na mnie uwage w sposob, ktory jest niepokojacy, ekscytujacy i absolutnie zakazany. I wlasnie wtedy, gdy mysle, ze moge to zignorowac, Logan zaczyna mnie adorowac-bez zahamowan, wbrew wszystkim zasadom, ktorymi sie kierowal i mimo zyczen jego tak zwanej dziewczyny. Teraz jestem zlapana w wir plotek, zazdrosci i emocji, z ktorymi ledwo sobie radze. Logan lamie dla mnie swoje wlasne zasady, a im bardziej probuje mu sie opierac, tym bardziej czuje sie przyciagana. Ale gdy balansujemy na granicy miedzy przyjaznia a czyms o wiele bardziej niebezpiecznym, moje serce-i jego-sa na linii ognia.

Czytaj

Nowa dorosła

I Wanna Ruin Our Friendship

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

Carmen Venetti myslala, ze ma wszystko: wplywowego meza, kwitnace imperium i sile, by to wszystko utrzymac. Jednak gdy na horyzoncie ponownie pojawia sie Arianna De Luca, przebiegla i piekna byla kochanka Marco, ich dotad nienaruszalne malzenstwo zaczyna sie rozpadac. Arianna twierdzi, ze przybyla, by pomoc rodzinie Venetti pokonac wrogow, lecz jej prawdziwe motywy sa rownie niebezpieczne, co tajemnicze. Gdy Marco coraz bardziej wikla sie w siec manipulacji Arianny, Carmen staje przed niemozliwym wyborem. Bedac w ciazy i z zlamanym sercem, opuszcza zycie, ktore tak zaciekle chronila, przysiegajac, ze uchroni swoje nienarodzone dziecko przed jadowitym chaosem grozacym ich unicestwieniem. Jednak nieobecnosc Carmen tylko poglebia upadek Marco w pulapke Arianny. Oslepiony ambicja i przesladowany szeptami zdrady, Marco ignoruje znaki ostrzegawcze i pozwala Ariannie coraz mocniej zaciskac piesc na swoim imperium. Tymczasem Arianna prowadzi niebezpieczna podwojna gre - potajemnie sprzymierza sie z rodzina De Luca i knuje, by odebrac tron Venetti dla siebie. Gdy zaufanie sie rozpada, a sojusze ulegaja zmianie, Carmen i Marco zostaja wciagnieci w ryzykowna walke o lojalnosc, milosc i przetrwanie. Czy Marco odkryje prawdziwe intencje Arianny, zanim bedzie za pozno, czy tez jej intrygi zniszcza wszystko, co stworzyli Venetti - wlacznie z ich szansa na rodzine? W swiecie, gdzie wladza jest smiertelnie niebezpieczna, a zdrada stanowi ostateczna bron, pytanie nie brzmi tylko, kto przetrwa - lecz kto wyjdzie na szczyt.

Czytaj

Romans

The Double Life of My Pregnant Ex-Wife

passion favicon

My Passion

Gatunki

O Nas

Kontakt

Polityka Zwrotu

Polityka Prywatności

Warunki Użytkowania

Polityka Cookies

Zainstaluj Aplikację

get app on google play img
get app on app store img

Copyright © 2026 Passion

XOLY LIMITED, 400 S. 4th Street, Suite 500, Las Vegas, NV 89101